Chapter 59: Majestic Necklace

56 2 0
                                    

Chapter 59: Majestic Necklace


Flashback

(One month before the coronation, and two months ago in the present day)

Dia's POV

"Sa hall na ito nakalagay ang bawat korona, robe, scepter at orb na ginamit ng mga naging pinuno ng Rallnedia."

Nilibot ng aking mata ang kabuuan ng hall na tinutukoy ni Ma'am Vel. May isang malaking cabinet na may logo ng Rallnedia, at sa itaas na bahaging iyon ay mapapansin ang malaking transparent box na naglalaman ng korona.


"Dito rin nakalagay ang mga seal ng bawat Duke at Duchess na natanggalan ng title matapos labagin ang batas ng bansang ito. Sa kanang bahagi kung saan mapapansin mo ang mga naglalakihang transparent glass storage."

Nilingon ko iyon at napansin ang mga seal na tinutukoy niya, halos kasing laki lamang ito ng ballpen, nakalagay pa iyon sa pulang tela na tila'y mamahalin. Limang kulay itim na seal, dalawang kulay maroon, isang puti at isang kulay asul.


"Sa pagsapit ng coronation mo ay ordinaryong korona ng Prinsesa lamang ang ilalagay sa ulo mo, habang ang korona naman na iyon ang isusuot mo sa huling panata ng accession," sambit ni Ma'am Vel sabay lapit sa cabinet na napansin ko kanina, mula sa pinakataas na bahagi ng isang cabinet kung saan nakalagay doon ang nag-iisang korona na may limang kulay pulang gemstone sa gitnang bahagi ng limang cross na nakaukit doon.

"Sa lahat ng Duke at Duchess maging sa iba pang noble na lumabag sa batas ni Emperor Geeno ay tinanggalan ng title at binawi ang bawat seal na ipinagkaloob ng palasyo. At sa lahat ng Duchess, ako lamang ang hindi tumanggap ng seal dahil kapatid ko ang asawa ni King Louise at tanging emblem lamang ang ipinagkaloob sa akin,"

"May limang emblem ang Rallnedia, nabasa mo naman siguro sa history ang mga emblem na ito, right?" tanong sa akin ni Ma'am.

Tumango tango lang ako bilang tugon sa tanong na iyon. Humakbang siya ng ilan at lumapit sa kabilang bahagi ng hall, sumunod naman ako sa kanya at nahagip ng aking mata ang dalawang emblem na nakalagay rin sa transparent storage box.

"First emblem, The Royal Sword."

"That represents the highest authority of all," sagot ko kay Ma'am Vel.

"Right."

Tiningnan ko lang ang emblem na iyon na nakakulong sa box, gaya ng seal ay nakapatong rin iyon sa pulang tila.

 "Second emblem, Dominion of Shield. Pangalawa sa may authority kasunod ng Royal Sword, ito rin ang nag-iisang emblem na may finger print ng Emperor. Third emblem, Moral Truth. Ang sinumang biyayaan ng emblem na ito ay dapat sundin at paniwalaan ng kahit sino, tanging katotohanan lamang ang pwedeng ipaglaban ng sinumang may hawak nito, pwede mo rin itong gamitin sa gitna ng korte at sa anumang gathering laban sa royal family at tanging royal blood lamang ang maaaring gantimpalaan ng emblem na ito. Ngunit sa nakalipas na 28 years ay pinaghahanap pa rin ito."

Hindi na ako nagulat pa sa sinabi ni Ma'am Vel, dahil nabasa ko rin iyon sa libro. Si High King George Wayler ang umukit ng kabayo, sword, dalawang shield at cross sa itaas na bahagi nito. Kaya hindi rin palaisipan sa akin kung ano ang hitsura nito.

"Next is the fourth emblem, this one."

Inilabas mula sa damit ni Ma'am Vel ang isang kwentas kung saan may logo ng Rallnedia.

"Emblem of Loyalty. Sa pamamagitan nito ay ipinagkaloob ko ang buhay ko na pagsilbihan ang royals, ikaw 'yon Princess. Ang natitirang royal blood ng Wayler."

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon