Day 1

3 0 0
                                    

Nakakapanibago. Ang weird. Lahat sila dito, may patutunguhan. Parang handang-handa na sila para dito. May mga estudyanteng kumpleto na sa kagamitan. Yellow pad at ballpen lang akin. May mga estudyante ding nagbabasa na. True crime docuseries lang priority ko noong summer. At pinakamalupit, may mga estudyanteng complete uniform na. Sabi ng mananahi, blouse pa lang ang natapos. Isang blouse. Kulang na lang ng tatlo. Wow. Ganito ba dapat pag nasa kolehiyo na? Laging handa.

Eh, ako? Feeling ko wala pa ako sa kolehiyo. Maliban na lang sa tumaas ang baon ko. Doon ko pa naramdaman na college student na ako. Wala kasi sa isip ko na mag teacher ako. Bachelor of Secondary in Education - Major in English, to be exact. Noon pa man, pangarap ko na ang maging doctor. Tapos papasok ako sa Forensic Field. Astig! Pero alam ko na noon pa, malabo ko ng marating ang aking pangarap.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero lumaki akong mayaman. With drivers, yayas, private tutors, at sa private school ako nag-aral. Subalit, nawala lahat noong namatay ang aking mga magulang. Wala silang naipon dahil nasilawan sila sa pera. Gastos dito, gastos doon. Wala silang naiwan para sa akin. Hindi naman ako galit sa kanila, kasi mga magulang ko sila. Minahal nila ako ng todo at binigay nila ang sa tingin nila, ikabubuti sa akin.

Tanging ang kapatid lang ni papa na si Tita Emily, o Tita Em, ang kumupkop sa akin. Single forever si tita. Ang pangarap kasi niya ay magiging Rich Independent Tita. Susunod ako sa yapak mo tita.

Habang tinitingnan ko ang mga kasama kong freshies dito sa dome, syempre hindi mawawala ang humanap ng love life. Grabe, ang daming gwapo. Siguro mga engineering students sila. Pero Nika, focus. School before hoes. Nagdadasal na lang ako na sana matapos na ang Freshman Orientation. Gusto ko ng kumain sa labas habang hinihintay ang klase.

Naiisip ko na ang isaw. Tasty! Ang barbeque. Delicious! Ang buko juice na may refill. Divine! Gutom na ako!

"Miss, baka gusto mo ng panyo? Tumutulo ang laway mo."

Agad akong lumingon sa aking katabi para matikman niya ang hasik ng isang gutom na babae. Pero, nakangiti si kuya.

"Miss, panyo oh." May panyo sa harap ko pero parang si kuya ang kailangan ko.

Ang gwapo. Bakit siya nandito? Nasa kabilang dulo ang mga engineering students. Baka wala ng pwesto doon. Pero pwede naman siyang umupo doon sa tabi which is arki students. Bakit dito? Ang layo.

Nakangiti lang si kuya na parang masaya siya sa ginagawa niya. Tapos ang kamay niya, hindi niya pa rin binababa. Hinihintay niya talaga na kunin ko ang panyo. Para siyang tuta.

"Wala namang tumutulong laway kuya. Alam ko iyon kasi wala akong naramdaman na malagkit. Pero salamat." Sabay ngiti rin sa kanya. Siyempre, dapat may respeto kung tatanggi. Alam ko naman talaga na walang laway na tumutulo. Hindi naman ako tanga.

Isang yes, boss lang narinig ko sa kanya at tinago na niya ang kanyang panyo. Sayang, parang mabango yun ah. Ang gwapo niya talaga. Future teacher talaga to? Wala kasi sa kanyang aura. Maliban nalang sa palangiti siya. Moreno? Check! Matangkad? Check po maam! Mabango? Maam, perfect score po!

Hindi na ako mapakali. Gusto ko ng malaman kung dito ba talaga siya sa College of Education o nakikiupo lang dito. Tapos kailangan ko rin malaman ang pangalan niya. Para kahit hindi kami pareho ng department, may kaibigan na ako dito. Ka ibigan.....

"Excuse me, but may I know if dito ka talaga sa Educ o nakikiupo ka lang dito? I am sorry if my question might be offensive." Siyempre English! Ibabandera ko ang aking kurso.

Ayun, ngumiti na naman.

"No, no. It's okay. It's not offensive. To answer your question, yes I am from this department. Bachelor of Secondary in Education - Major in English, to be exact."

Lord.

Compose lang ang face, Nika. Compose. Kahit gusto ko ng tumalon sa saya.

Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. Wala ng Maria Clara dito. Kung gusto mo siyang makilala, pakilala ka. Kung ayaw niya, eh di okay lang. At least sinubukan mo.

"My name is Nika. Same course." Pero dapat pa konti konti lang ang information. Huwag masyadong atat.

Tumingin muna siya sa akin. Tapos sa aking kamay. Tapos sa akin na naman. May ngiting loko. Naku, sinasabi ko sa iyo kuya pag pinahiya mo ako dito, hindi tayo bati hanggang graduation.

"My name is Niko Gabriel A. Sarmiento. Seventeen years old. 6 ft. 2 inches. My favorite color is Black. I was born on April 6. Year of the Ox. Aries. Blood type is B. I love sports and also drawing. Left-handed po ako. At tsaka, marunong akong magluto, maglinis, at maglaba."

Parang tanga.

Niloloko ata ako nito eh. May ngiting loko. Parang natutuwa pa siya sa mga sinasabi niya. Ngayon lang ako nakakita ng masayahing lalake na binigay lahat ng impormasyon sa ngayong niya lang nakilala. Baka prank lang ito ha. Hindi kasi talaga kapani-paniwala. Nagugutom din ata ito.

Pagkatapos niya nasabi lahat ng kanyang damdamin, napansin ko na hindi pa niya binibitawan ang aking kamay. May sasabihin pa ba ito? Kulang pa ba 'yon?

"And......I also like to be your friend, Nika. I have no one."

Parang umiba ang ihip ng hangin. Kanina ang ingay ingay tapos ang gara pa ng katabi ko. Ngayon, ang tahimik. Parang wala kami sa dome. Yung parang nasa ilalim lang kami ng puno nag-uusap. So relax. At tsaka, taus-puso din siyang ngumingiti ngayon. Gusto niya ata talaga ng may kasama. Mabuti na lang at perfect timing siya. Wala akong kakilala dito sa university.

Tumingin ako sa mga mata niya. Para talaga siyang tuta.

Binawi ko na ang aking kamay. Kahit gusto ko man na may moment kami, hindi ko pa rin nakakalimutan na may orientation. Tumingin lang ako sa stage. Diretsong-diretso lang ang tingin ko. Ito kasi dapat talaga ginagawa ko. Nakikinig. Nakikinig sa mahinang tawa ng aking katabi. Grabe kahit mahinang tawa lang, dinig na dinig ko. May sariling priorities talaga ang aking mga tainga.

"Sige, friends na tayo. Tutal, wala din akong kakilala. Mabuti na at may kasama ako dito. Para magtulungan tayo." Binigyan ko siya ng isang ngiti. Para alam niya na seryoso ako. Sabi kasi ng mga kakilala ko, mahirap daw sa kolehiyo kapag nag-iisa ka lang. Kahit sinabi mo pang gusto mo maging independent, mas mabuti pang may kasama ka para may matutunan ka din sa kanila. Sana siya na nga hanggang sa dulo.

Binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti. Grabe Lord, salamat.

Day 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon