Voyage To Your Heart

20 4 0
                                    


Finally! I'm here!

Iginala ko ang paningin ko. Color black and gold combination can be observed. Crystal like bulbs are beautifully placed in the ceiling together with a chandelier placed at the centermost part. Black chair and tables are mostly good for two as if intended for couples only. The wall is made of glass giving the costumers a good view of the relaxing blue sea. Sinong mag-aakalang nasa loob kami ng isang cruise ship? Ang MG Cruise Ship! Now I know kung bakit sikat ang barkong ito lalo na sa mga couple na nasa honeymoon. 

At nandito ako ngayon, hindi dahil sa honeymoon kundi para sa road to forever, sail to forever.

And speaking of ka-forever, hayun siya! Nakita ko na rin siya sa wakas. Nakaupo siya sa pinakadulong mesa. Nakasuot siya ng dark blue longsleeve polo na bumagay sa maputi niyang balat. Kapansin-pansin sa kanya ang chinitong mata, matangos na ilong, makinis na mukha at mamula-mulang labi. Oh Gosh! Papasa siyang artista.

At ang swerte ko dahil jowa ko lang naman ang gwapong nilalang na 'to. Oh my beloved Hendrix Lee, you will be surprised. Hindi niya aakalaing nakasakay din ako sa Cruise Ship na 'to. I can't wait for the coming days. For sure, this will be an exciting voyage. 

Wearing my sweetest smile on my face, I made my way to him. 

"Hi Love! I'm sorry for making you wait."

Agad akong napahinto sa paghakbang. I can't believe what am I seeing right now.

Wait! Gusto lang  i-process ng utak ko ang nangyayari. May babaeng nakaupo ngayon sa tapat ng boyfriend ko at tinawag pa siyang love?  

"It's fine, Love."

Wait! Kilala ko ang boses na yun! Kay Hendrix iyon! Tinawag din niyang 'love' yung babae. Bumalik ang tingin ko sa babaeng matamis ang ngiti sa harap niya, nakasuot din siya ng kulay dark blue na dress. Bilugan ang mata, may katangusan ang ilong, manipis ang labi niyang naka-lipstick ng red at blonde ang maiksi niyang buhok. Maganda siya at sopistikada rin.

"MG Cruise Ship is really the best. Perfect for our honeymoon."

Ano daw? Anong sabi ni girl? Honeymoon? 

Hindi! Mali ako ng narinig.

"Thank you for marrying me, Love. After the honeymoon, I tell Zeah the truth."

Anong truth ang sasabihin niya? Sasabihin ba niyang maghihiwalay na kami kasi may iba na siya?

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko.

Agad akong tumalikod, ayoko na silang marinig at makita. Sobrang sakit na nila sa eyes at sa ears. Hindi lang pala sa eyes at ears, pati rin sa puso.

"Excuse me, Miss? Do you need something?"

Agad akong naalarma sa narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyon ni Hendrix. Hindi niya ako pwedeng makita. Hindi ngayon!

Taranta akong humakbang palayo pero nakakatatlong hakbang palang ako nang bumangga ako sa isang matigas na bagay. Hindi naman ako nasaktan, actually I felt secured dahil siguro awtomatikong naipulupot niya ang braso niya sa bewang ko dahilan para hindi ako matumba. 

Agad akong napatingala sa kanya. Bakit ba naman kasi ang tangkad niya? Kailangan ko pa siyang tingalain kahit naka-heels na nga ako.

Luscious red lips, pointed nose, gray eyes shouting coldness, manly thick eyebrows and well defined jaw line. Napakagwapo naman ng nilalang na 'to. 

"Hey, Miss. Are you okay?" Boses iyon ni Hendrix mukhang mas lumapit siya sa kinaroroonan ko.

Hindi siya pwedeng lumapit. Hindi talaga niya ako pwedeng makita.

Voyage To Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon