"Magpapakasal na tayo."
"Tsk. Kailan pa. Wala nga akong trabaho." Napatawang sabi ni Sander habang sa tv pa rin naka-focus. Ngayon kasi na wala na siyang work, mas kampante na siya na hindi matutuloy ang kasal nina Vanessa. That way, mas madali ang kanilang paghihiwalay. He felt bad for that but he has to make a choice right? He can't just let Diane keep on waiting for him.
"No, love. Magpapakasal na tayo. Tuloy na tuloy na ang ating kasal."
Sander goes with the flow by asking. "Talaga love? Kailan?"
"Ngayong darating na 30." Excited na sabi ni Vanessa. "Sa 23 nga sana yun eh kaso hindi makakayanan ng schedule. Kailangan kasi at least 1 month preparation kaya ayun.. excited ka na rin ba?"
The smile from Sander's lips suddenly fades into a flat line. Akala niya kasi biro lang lahat yun kaya sumabay pa siya sa usapan. Yun pala totohanan na. Hindi pala nagbibiro si Vanessa. Hindi siya nakasagot. Hindi niya liningon si Vanessa. Kaya kinuha ni Vanessa ang remote at pinatay ang tv.
"Yan para makapag-focus tayo sa usapang wedding natin. So ano.. excited ka ba love??"
"Teka, naguguluhan ako. Seryoso ka ba?" Kabadong sabi ni Sander.
"Oo!" Vanessa says too enthusiastically. "Readyng-ready na ang lahat, love. Pinlano namin lahat 'to noong Christmas nung wala ka kasi gusto ko ma-surprise kita. Si Lynn ang bahala sa flowers at decors, si Justine sa make-up at hairstyle. Si Angel sa catering tapos sasakyan naman ni Gab ang gagamitin natin. Tapos sina inay at Aly ang bahala sa cake, giveaways at invitations. Pero hindi ibig sabihin nun na yung mga kaibigan natin ang bahala sa lahat ng gastos ng mga naka-assign sa kanila ha.. tutulong lang sila. At tsaka-"
"Love.."
"Sa wardrobe at accessories, ako nalang nun kasi syempre ako na ang pipili sa isusuot kong bridal gown. Makukuha na natin ang gown at tsaka yung isusuot mo one week before our wedding day. It's another surprise for you! Pero sigurado ako magugustuhan mo ang attire mo love kasi ako pumili ng disenyo. Syempre alam ko kung ano ang bagay at ano ang gusto mo."
"Love teka lang-"
"Pero konti lang yung iimbitahin natin love ah, kasi alam mo na may COVID. At tsaka para hindi na rin masyadong malaki yung gastos. Fifty lang yung maximum headcount na kinonsider namin." Patuloy pa rin si Vanessa kahit nababalisa na si Sander. "Akalain mo love, nang chineck ko ang bank savings natin, saktong-sakto na pala para sa planned simple wedding natin!"
"Vanessa teka muna." Sander says and Vanessa finally stopped blabbering because he sounds so serious with calling his fiance with her name only, not with an endearment.
"O bakit? Parang hindi ka ata masaya? Narinig mo ba lahat ng sinabi ko? Hindi ba't exciting?? Sa wakas ikakasal na talaga tayo! After a long delay, sa altar na rin tayo patutungo."
"Hindi!"
Tumayo si Sander at nagmadali nang umakyat sa kwarto nila. Labis na nagulat si Vanessa sa naging reaksyon ni Sander.
Napaiyak si Vanessa doon sa kinaroroonan niya. Hindi niya inasahan na ganun ang magiging reaksyon ng kanyang fiance. Dati ang saya at ang excited ng fiance niya kapag pinag-uusapan nila ang kasal. Ngayon parang ibang-iba si Sander.
Kinuha ni Vanessa ang kanyang cellphone at tinawagan niya ang kanyang nanay sa Bulacan. Madaling sumagot si Melissa sa kabilang linya.
"Anak, napatawag ka, gabi na ah?"
"Nay.." Umiyak na sabi Vanessa. "Ayaw magpakasal ni Sander sa'kin."
"H-ha? Anong nangyari?"
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanficSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...