<95> Another Chance

37 3 0
                                    

Maira's POV

"Jace?!" 

"Oo kakambal ko yan, hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak nyan at bakit nagpumilit sumama rito noong paalis na kami ni Scian sa bahay namin" sabat ni Jade kaya napatinggin ako sa kanya. 

"Kung iniisip mo na tatarayan ka ni Jace, Maira. Hindi noh! Nagbago na si Jace, may taong nagbabago sa hindi kagandahang ugali niya" nakangiting sambit ni Scian kaya muli akong napatinggin sa kaharap ko ngayon. 

"Jace?" pagtawag ko sa atensyon niya dahil parang nahihiya siya sa akin ngayon. 

Bumuntong hininga muna siya bago humarap sa akin at nagsalita. 

"I'm here to say sorry" pagbitaw niya sa mga salita kaya kaming tatlo ay nagulat. 

"Sorry para saan?" naguguluhang tanong ko. 

"Sorry kasi nagawa kitang saktan noon" tugon niya. 

"Sorry kung masyado akong naging makasarili at sorry dahil hinayaan ko lang na gamitin ako ni Kevin para masaktan ka noon. Sorry kasi may alam na ako kung anong mangyayari noon pero mas pinili kong manahimik" pagpapatuloy niya pa at kitang kita ko sa mga mata ang sincerity niya. 

"May ginawa ka Jace, kahit huli na. At least you tried and your sorry now. Nagawa mong banggitin kay Jade yung plano niya noon, kaso nga lang may humadlang" pagpapagaan ko sa kanyang saloobin. 

"But it's too late na, kung matagal ko ng sinabi hindi ka na sana nasaktan noon" pamimilit niya padin at humihikbi na siya ngayon. 

"Gaya nga ng sabi mo noon na yon. Lumipas na, kung tutuusin nagpapasalamat pa nga ako sayo eh. Kung hindi mo ginawa yun, hindi ako magiging ganito ngayon. Mas lalo akong naging matatag noong nasaktan ako. And I'm happy that I change for my own" pagpapaliwanag ko. 

"S-Sorry" paghirit niya pa. Hindi ko na napigilang yakapin siya. 

"Kahit hindi ka na magsorry Jace, matagal na kitang napatawad" nang sabihin ko iyon ay niyakap niya ako pabalik kaya napaluha ako. Hindi ko akalaing magiging ganito kami ni Jace, at kung sino man ang taong nagpabago sa kanya nagpapasalamat ako dahil maganda ang naging dulot niyon sa kanya. Sana ay mahalin niya si Jace ng buong puso at sana hindi na siya mapaglaruan pa.

"Group Hug!" rinig kong sigaw nung dalawa at naramdaman ko na yumakap sila sa amin. 

Napakasaya ko ngayong araw na ito dahil ito ang simula nang pagiging magkaibigan naming apat. Kahit na may pinagdadaanan ako pansamantalang nakalimutan ko iyon dahil ayos na kami ni Jace. At higit pa roon ay nadagdagan ng bagong miyembro ang grupo naming magkakaibigan. The more the merrier! 

****

Linggo, ang huling araw ng palugit ko kay Kevin. Bukas na bukas ay lalapit ako sa kanya at magiging girlfriend niya ako, dahil girlfriend niya naman talaga ako. Sapat na ang pitong araw na iyon para makapag-isip siya, at wala nang excuses dahil simula bukas doon na kami haharap sa tunay na laban ng mga buhay namin. 

"Ang lalim yata ng iniisip ng anak ko?" tanong ni Mommy sa akin at naglapag ng mango juice at biscuits sa lamesa. Kasalukuyang nasa living room kami ni Mommy at nakatinggin sa napakagandang sunset ngayon. 

"Na isip ko lang po kasi Mommy, sana pagsikat ng araw bukas, ayos na ang lahat. Sana kaya na akong ipaglaban ng taong mahal ko. Sana katulad na lang ng araw ang mga buhay namin, kasi kada lulubog ito sigurado nang sisikat kinabukasan" malalim na pagkakasabi ko. 

"Bakit bukas pa ang hinihintay mo para ipaglaban ka ng taong minamahal mo kungb pwede namang ngayon na?" tanong sa akin ni Mommy kaya taka ko siyang tininggnan. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon