KABANATA 13

348 239 111
                                    

Chapter 13: Kaba

"Sir--- I mean... tay Dido... Kailangan ko pa ba talagang pumasok sa dormitoryong 'yon?" tanong ko sa kanya. Tabi kami ngayong nakaupo at nakasakay sa karwahe. Diretso lamang ang tingin niya sa daan, ako lang ang nakatutok sa kanya.

"Oo naman" paki-wari niya ng hindi bumabaling sa akin. Nangunot naman ang noo ko. "Kailangan mong mag-aral roon para matutuhan mong ayusin yang pag-uugali mo" seryosong aniya.

"What?! Anong--- ayusin ang ugali?... Maayos naman ang ugali ko ah!" banat ko na ikinailing-iling niya. Anong problema niya sa ugali ko ah?

"Tingin mo ba'y naaayon yang ugali mo kay Sonia na bunso ng pamilya Gonzales?" makahulugang tanong niya at doon palang siya tumingin sa akin.

"Ano ba'ng ugali ni Sonia?" bigla tuloy akong na-curious tungkol sa babaeng 'yon. "Kung alam mo lang, Rina.... Napakarami niyong pagkakaiba ni Sonia. Mabuti na lang at kami lamang ni Martha ang nakakaalam na hindi ikaw ang tunay na bunso ng makapangyarihang angkan" wika niya, hindi niya naman sinabi yung ugali ni Sonia ang dami pang paligoy-ligoy.
Bukod sa nalaman ko nung nakaraan na iilang impormasyon ng pamilya nila nasisiguro kong hindi pa yun sapat para mapalitan ko yung pwesto ni Sonia sa pamilya niya.

Umuwi na kaming buong pamilya sa hacienda pero sumama sa amin si Tay Dido kaya't naiwan sa kanilang bahay si Nay Martha. Pumayag naman sila Doña Karina at Doñ Arturo dahil may mahalagang pagtuturo daw ang ipapangaral ni Tay Dido sa akin.

Nasa kwarto na ako at nakapagpalit narin ng puting baro't saya. Ang sabi kasi ni Lucia paborito ko daw suotin ang aking mga puting baro't saya pati narin ang puting belo pero ang hindi niya alam halos puro puting baro't saya lang talaga ang nasa kabinet kaya wala nakong magagawa pa kundi yun na lang ang suotin. So, mahilig pala sa puting damit si Sonia... Siguro kailangan ko naring sanayin ang sarili ko na gayahin ang mga gawi niya para walang problema kung sakaling magkaaberya.

Nagtanong-tanong pa ako ng iilang detalye kay Lucia tungkol kay Sonia pero hindi ko pinahalatang hindi ko kilala ang sarili ko na bilang Sonia dahil literal na maguguluhan siya kung nagkataon. Mabuti na lang nakayanan ng powers ko yun kaya may karagdagang impormasyon akong nakuha.

Nagpaalam din agad sa amin si Tay Dido pagkayari niya kong paalalahanan lalo na sa pagpasok ko sa dormitoryo ni Madam Teresita. Ipinaalam niya rin sa akin na magtatagal din ako doon. Ang dami ko pa ngang tanong sa kanya pero pinigilan ko nalang ang sarili kong umusal baka kasi nakukulitan na siya sa'kin pinagtitiisan niya lang pala ako.

Sa araw ding ito ang alis ng kambal pabalik sa Maynila. Pinapatawag na raw kasi sila roon kaya't nagmamadali silang mag-impake ng mga gamit nila bago makaalis.

"Hindi na kami magtatagal pa ina" paalam ni Mariano sabay lapit kay Doña Karina at niyakap ito ng mahigpit. Ganoon din ang ginawa ni Marcelo tsaka hinalikan si Doña Karina sa pisngi.

"Mag-iingat kayo ah?" pakiusap ni Doña Karina at muling niyakap ang kambal. Napatingin naman ako kay Martina ng kalabitin niya ako. "Halika na" anyaya niya sa akin habang tumataas-baba ang kaniyang mga kilay at nakangiti. Humakbang siya papalapit sa akin dahil may kalayuang agwat sa amin saka niya ko hinigit papunta kila Doña Karina upang makiyakap din. Wala nakong nagawa pa dahil nandoon na rin naman na ako... Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga braso saka nakiyakap na din sa kanila. Ilang minuto din ang itinagal niyon at tanging mga bulong lamang ng kambal ang namamayani sa loob ng sala na patungkol sa pagpapagaan ng loob ni Doña Karina.

Naialis ko ang pansin ko sa kambal ng makita kong hindi nakikihalubilo sa amin si Doñ Arturo. Nasa gilid lamang siya nakatayo habang naninigarilyo. Nakatingin siya sa gawi namin pero parang wala siyang balak na lumapit sa amin. Ngayon alam ko na kung bakit ganyan siya lalo na kung nandito ang kambal sa hacienda. Hindi na nila maitatago sa akin ang lihim na itinago nila dati pa.

Stars Between Us | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon