Special Chapter 1: Family

3.7K 67 20
                                    

Special Chapter: 

Lucas Andromeda's Point Of View

"Love! Please help me with the kids once you're done with your car. Thanks!" sigaw sa akin ni Gabrielle mula sa pintuan sa likod bahay. Kasalukuyan akong naglilinis ng kotse dahil balak namin na magpunta sa beach mamayang hapon. Magbabakasyon kaming lima, sobrang stressed kasi sa mga nakalipas na araw and I want to treat them today until this upcoming saturday.

Pinihit ko sa pinakamalakas ang gripo para mabilis kong malinis ang sasakyan pagkatapos ay ako na rin ang nagpunas gamit ang malaking basahan.

Mabilis lang din akong natapos sa pagtuyo ng sasakyan, naghugas ako ng kamay bago pumasok sa loob ng bahay. 

Natawa ako ng makita si Caelum na nakasimangot at nakahubo, halatang naiinip na. Gustong-gusto na magbihis, pero si Aquila ang inuna dahil hindi na nga magkandauga-uga si Gabrielle.

"Love, akin na yung damit ng baby boy natin, ako na ang magbibihis sa kanya." sabi ko kay Gabrielle. Napabuntong hininga siya na para bang naibsan ang pagmamadali, I let out a small laugh.

"Iyang blue pair, iyan ang damit ni Caelum. Thanks love." sabi niya sa akin, I just smiled.

Kinuha ko na ang damit pero bago ko iyon isinuot kay Caelum ay nilagyan ko muna siya ng baby powder sa kanyang tiyan, kili-kili, maging sa pribado niyang parte, at sa mukha niya. Amoy baby na talaga. Nilagyan ko na rin siya ng diaper para hindi na siya mahirapan umihi o dumumi.

Isinuot ko sa kanya ang isang kulay blue na floral polo with matching cute board shorts. Sinuotan ko rin siya ng medyas na kulay itim at ang kanyang puting sapatos. He looks so adorable, and cute, lalo na siguro kung ngingiti siya. My son is so snob, kahit nga ako ay hindi niya pinapansin minsan, I can say that he only smiles when we told him to. Kapaligtaran talaga ng kanyang kakambal na si Aqui, na sa lahat ng gagawin ay palaging nakangiti at nakatawa. Pero wala naman sa kanila ang nakakalamang, dahil kahit magkaiba man sila ng ugali, pantay ang pagmamahal ko sa kanila, siyempre pati na rin sa bunso namin na si Pisces.

"Daddy! Look at my head band! Tita Tangerine gave me this. Am I cute na?" sabi ni Aqui, natatawa naman ako sa kanya kasi rumarampa pa siya na para bang modelo.

"Baby girl, you're not cute, because you're beautiful! You look like your Mom." sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo.

She's wearing a cute yellow floral dress and a sandals, tapos may cute na bulaklak sa kanyang headband. She looks so adorable. Lumapit ako sa kanya at pinisil ng mahina ang kanyang matambok na pisngi.

"Baby Aqui, sit beside your Kuya Caelum. Wait for us okay? Gagawan ko lang kayo ng gatas." sabi ko sa kanila. They nodded at me and I smiled.

 Nagpunta na muna ako sa kusina at nakita ko ang mga bote nila na malinis na, Gabrielle probably washed these. I grab the container of their powdered milk and I put it in their bottles. Maligamgam na tubig ang inilagay ko at sabay ko itong inalog-alog hanggang sa matunaw ang mga gatas.

Tinakpan ko ito pagkatapos ay kinuha na ilang gamit ng mga bata sa kusina para ilagay na sa bag. Para mabawasan na ang mga dapat na gawin ng aking mahal na asawa.

Pagkalabas ko galing sa kusina ay nakita ko ang dalawang bata na naghihintay sa akin. Kaagad akong lumapit sa kanila at iniabot ang kanilang mga bote.

"Thank you Daddy!" sabay nilang sabi, mas masigla nga lang ang boses ni Aqui. I want to pinch their fluffy cheeks so bad.

"Where's your Mom? Hindi pa sila tapos ni baby Pisces?" tanong ko sa kanila. Umiling sila habang nakasupsop sa kanilang bote.

"Let's wait for them then." sabi ko sa kanila. Naupo na ako sa sofa at kinuha ang isa pang bakanteng bag at inilagay na roon ang mga gatas, bote, ilang mga biscuit, mineral water at ilang mga bimpo.

Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon