PAHINA 13

21 2 0
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 13/40

Eli's POV

"Ano naman kung nangako ka. Promises are meant to be broken, Josh. You can always break that promise. First and second kiss mo ako di ba? Yun yung nagpagulo sa isip mo. Nagkaroon ako ng epekto sayo-."

Medyo naiirita na ako sa paulit-ulit na sinasabi nito eh. Kaya pinutol ko na.

"Yes, promises are meant to be broken. Pero depende yun sa taong nangako. Ang tao, may dalawang uri lang naman yan. Yung mapagkakatiwalaan, at yung hindi." Napatingin silang dalawa sa akin.

"Eli..." Namutawi sa bibig ni Josh.

Diretso lamang ang tingin ko sa lalaking kaharap niya ngayon. I want this bastard to learn a lesson.

"You know your best friend than me right? Sa tingin mo saan siya doon sa dalawa?" Nakita ko na lang na nag-iwas siya ng tingin.

"Ano naman kung first and second kiss ka niya? Ako naman yung magiging huli. Yun ang importante." Nakita ko na lang ang saya sa mukha ni Josh. I don't know why pero, gusto ko na kapag magkaharap kami, yung Josh na nagpatahan sa akin ang gusto kong nakikita. Yung nakangiti lang. Yun lang, sapat na.

"Hindi pa rin ako susuko. Matagal ko itong tinago. Ngayon na nasabi ko na, papanindigan ko hanggang sa huli. It's not like, his feelings won't change. One wrong move, and he'll gonna be mine." Asik ni Riley.

"Okay! Sana kasi, matagal mo nang sinabi sa kanya. Yan tuloy, nauna pa ako sa puso niya kesa sayo." I just want to lighten up the ambiance here. Tama naman ako di ba? Hindi sana niya pinipilit si Josh ngayon kung sinabi niya matagal na.

"So... may the best man win?" Sabay abot ko sa kanya ng aking kamay. Kinuha niya naman ito at umalis na.

Naiwan kami ni Josh doon sa dalampasigan. Unti-unti na ring nagsisiuwian ang mga taong nanonood doon sa program kanina.

Inalok ko siya na maglakad-lakad muna, para huminahon siya. Wala pa rin siyang imik magmula kanina nang umalis si Riley. 10 PM na pero andito pa rin kami sa dalampasigan.

"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Tanging tango lang ang naisagot niya sa akin. I won't force him to talk. Alam ko na naguguluhan siya sa mga nangyayari. Maging ako. It's just 3 days since Riel, dumped me. Yung sakit ramdam ko pa rin. Pero kapag andyan si Josh, nakakalimutan ko.

"Hayaan mo lang ang puso mo na alamin kung sino talaga ang mas matimbang. Matatanggap ko kung ano man ang magiging desisyon mo. I'm sure, Riley will do the same." Napalingon siya sa akin na may ngiti.

"Thanks, Eli." Saad niya.

"Para saan? Wala naman akong ginawa ah." Tugon ko.

"Basta." At ngumiti na siya.

"At last! Kala ko hindi ko na makikita yang nakangiti mong mukha. Totoo yung sinabi ko kanina. Wala pa ako doon, pero nararamdaman ko na nagkakaroon ka na ng puwang sa puso ko. Riel is still there. I just need to accept that 'we' will never happen anymore." Tanging tango na lang ang natatanggap ko sa kanya.

"Just let your heart choose, Josh. Just like what Riel did. Magkaibigan kayo. I know, maiintindihan mo yun." Si Riel, talaga ang example ko. Argh! Tama naman kasi e. Puso ang pairalin. "Tara, baka mapagalitan na tayo e."

Inilahad ko ang aking kamay sa kanya nang makatayo ako. Tumingin siya sa akin. Tanging ngiti ang ibinalik ko sa kanya. He blushed and slowly gave his right hand to me.

-----

Riel's POV

Naging usap-usapan ang nangyari kagabi. Sabagay, hindi ko naman sila masisi, dahil maging ako'y nagulat din, sa nangyaring pag-amin ng best friend ni Josh, sa harap ng maraming tao.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon