PAHINA 21

11 1 0
                                    

HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 21/40

Riel's POV

Ika-23 ng Agosto, Sabado. Huling araw na ng School Fest.

Andito kami ngayon sa Music Room para i-practice ang mga kakantahin namin sa closing. Somewhat, ginawa naming sekreto ang mga kakantahin para sa closing, para maexcite lalo ang mga kamag-aral namin.

Naimbitahan din namin ang mga banda na meron ang school kapag nagkakaroon ng mga Battle of the Bands. They're practicing on their own, kaya't wala na kaming problema roon.

Kami... Kami ang dapat mag-ensayo, kasi hindi naman kami ganoon kagaling. We're an amateur band, although, magagaling kami sa kanya-kanyang instrumentong aming hawak, hindi pa rin kami makakasabay sa mga batikan sa larangan ng pagbabanda at musika.

Pero... sabi ng mga kabanda ko, all bands are the same. Maganda ang musika, kapag nagkakaisa ang bawat miyembro nito.

Hindi iyon, dahil sa maganda ang boses ng bokalista; hindi iyon dahil sa ang husay magtipa ng mga bassist at ng guitarist; hindi iyon sa galing ng pandining ng keyboardist; o kaya nama'y hindi iyon dahil sa bilis ng kamay ng drummer sa paggawa ng ritmo.

Lahat ng iyon ay wala kung hindi nagkakaisa ang puso ng mga tao, sa likod ng isang banda.

"Ang lalim ng iniisip ni Riel, o!" Ani Lizbeth.

Hindi na nga talaga mawawala sa akin ang pag-di-daydream. Isinisingit ko na lang nga ang tungkol sa banda.

Sa pagkanta kasama ang banda, ako nakakalimot sa mga nangyari sa mga nakaraang araw. Marami akong iniisip this past few days dahil sa mga sinabi sa akin ni Iris. Doon ko nakumpirma ang mga nangyayari sa pagitan namin ng bestfriend ko.

It was the day after my birthday. Akala ko, makocontain lang ang utak ko ng mga isipin tungkol sa nangyari noong gabing iyon sa pagitan namin ni Red. And then, I am flustered by the sudden turn-out of events.

Akala ko, after my birthday, masaya akong haharap sa mga tao... kasi mahal ako ng boyfriend ko... kasi marami pa pala akong masasandalan... kasi may rason pa ako para magpatuloy sa buhay.

Galit na galit ako sa'yo, Riel.

Hindi ko noon naramdaman na mayroon palang hinanakit sa akin si Iris. At ang tanga ko, kasi ngayon ko lang iyon napagtanto.

Pero... Wala naman akong magagawa, 'di ba? We're both in his heart...

Sa una hindi ko makuha ang sinasabi niya. I'd thought, she's just upset about something else with me. Pero... both in his heart? Yeah, maybe because I'm Brett's best friend. Mahal naman talaga ako ni Brett e, as his bestfriend nga lang.

Alam ko na hanggang doon lamang ang extent ng pagmamahal sa akin ni Brett. Lagi niyang pinaparamdam sa akin 'yon. Oo nga pala... lagi niyang iyong pinaparamdam sa akin. Kaya nga... nahulog ako sa kanya.

Oo, Riel... He's in love with the both of us.

Is that even possible?

Natigil ako sa pag-alala sa mga nangyari noong huwebes, dahil sa kamay na pumatong sa aking balikat.

Napadako ang tingin ko sa aking kaibigan na palaging nariyan sa tuwing kailangan ko ng masasandalan. Mga bagay na hindi ko maaaring ibahagi sa aking kasintahan.

Ayokong magkaaway sila ng kanyang pinsan.

"Kailangan niyo nang magkausap ni Brett." Bulong nito sa akin.

Marahan lamang akong tumango sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko ba. Matapos kong malaman ang katotohanan, narealize ko na tamang hindi ko na itinuloy ang nabuong damdamin sa matalik kong kaibigan.

A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon