HANGGANG SA MULING PAGDILAT
CHAPTER 37Riel's POV
October 11 ngayon at isang linggo na lang ay pupunta na ulit kami ng Manila para sa nakaschedule na operasyon ko sa 18. Hindi ako namomroblema sa pag-atake ng sintomas ng sakit ko dahil sa mga ibinigay na gamot ni Dr. Febre sa akin.
Pero... habang papalapit ang araw na 'yon ay hindi ko mawari sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko.
Itinatak ko sa isipan ko na hindi ko dapat masyadong alalahanin iyon, pero ano bang magagawa ko kung palagi iyong nasasagi sa isipan ko?
Ang tanging rason na naiisip ko ay hindi na naman talaga iyon maiaalis sa taong mayroong karamdaman.
It might not as serious as the other illnesses pero sabi ko nga, it's in the brain, at sabi rin ni Doc Romero, hindi namin iyon dapat isawalang bahala. Ang utak ang isa sa mga importanteng organ sa katawan, if it's not functioning well, para na tayo niyang lantang gulay.
Desisyon ko naman 'tong patagalin pa ang agony ko e. Hindi ko dapat 'to pinoproblema dahil ginusto ko 'to. This is my preparation for the possible things that might happen during or after the surgery. Mas mabuti nang handa, kaysa, sumuong sa laban ng walang dalang sandata.
Finals ngayon at abala kami para sa huling exam. I'm with June, na nagsunog ng kilay almost all day ngayong linggo para lang sa exam, at si Yuki na kinasal lamang last September 14.
"Hoy!" Pagpansin sa akin ni Yuki. "Ang lalim na naman ng iniisip mo." Dagdag pa niya.
"Sorry!" Pagpapaumanhin ko dahil sa pag-iisip ko na naman tungkol sa surgery next week.
Itinuon ko na lang mula sa aking kwaderno ang aking atensyon.
"Si Red, ano? Magkakasama rin kayo mamaya! Para namang hindi kayo magkasama sa iisang bahay niyan e!" Pagbibiro ni Yuki kahit alam kong iniiwas niya lamang iyon patungkol sa sakit ko.
"Tsk. Tsk. Tsk! Nagtatampo na sa 'yo ang bahay ninyo! Hindi ka pa bumibisita ngayong buwan." Ani June.
Simula kasi noong umuwi kami galing Palawan ay sa bahay na namin ni Red, na bigay nina Mama, ako umuuwi. Ipinagkatiwala ko ang pamamahala noon kay June, dahil naroroon pa rin naman sina Kuya Melvin, Ate Rose, Eli at Eri. May bago nga rin pala kaming border ngayon, si Kuya Ralph. Pero, hindi ko pa siya gaanong kilala.
Nabubusy ako sa pag-aasikaso sa asawa ko e, at syempre sa pag-aaral. Lol!
"Oo nga pala, ano?" Tugon ko.
"Pati iyon, matagal mo ring nasagot. Tsk. Tsk. Tsk." Naiiling na saad ni June.
Sorry June. Lately kasi parang lahat ng bagay ay pinag-iisipan ko ng napakalalim. It's like I'm on my adulthood and that, decisions should be think of thoroughly.
"O siya! Siya! Mag-aral na lang nga tayo! Kailangan nating paghandaan ang exam. Buti na nga lang at kayo 'yong nakagrupo ko e. Ang swerte ko!" Masayang anunsiyo ni Yuki. Napapalakpak pa ito sa sobrang saya.
"Tss. Sabihin mo, swerte mo't ikaw 'yong pinili namin." Ani June na naiiling. Pero hindi iyon pinansin ni Yuki.
"Pero! Pero! Riel! Tama na nga muna kasi ang pag-iisip tungkol kay Red, ha? Hula ko, kanina niya pa nakakagat ang kanyang dila dahil siya ang iniisip mo. Gawin mo na lang siyang inspirasyon mamaya sa exam." Saad ni Yuki sabay kindat sa akin.
Napatango na lang ako sa sinabi niya.
"Teka June! Nagtatampo ka ba sa akin?" Nang maiproseso ko ang lahat ng sinabi niya kanina.
I think I'm really spacing out again.
"H-Hindi 'no! Best friend mo rin kaya ako!" Tanggi nito. Pero, ayon sa pagkakasabi no'n, totoo ngang nagtatampo ang kaibigan ko sa akin. "Mag-aral na lang nga tayo! Kailangan natin 'tong makuha, sayang 'yong mataas na grade, nararamdaman ko kasing President's Lister ako!" Aniya.
BINABASA MO ANG
A Night In Harmony- [BL Series] [Completed]
RomanceEveryone feels love but not everyone knows the real definition of it. There are many ways to express or to show our love to someone not only in a romantic way to the person you are in love with, but to your love ones and to everyone. Love is an emo...