VS

2 0 0
                                    

"Nakakagutom makabili nga muna ng pagkain" sabi ko sa sarili ko habang papayo ng lakad sa mga tropa ko. Nasa fieldtrip kasi kami. Kakaiba yung lugar. Parang tiangge na ewan, ano bang klaseng fieldtrip to? Habang lumilibot yung paningin ko, may napansin akong stall na kakaiba. Di ko namalayan na nakapasok na pala ako dun. Lumapit ako sa pigura ng isang lalaking nakatalikod. Parang kasing edad ko lang.

"Anong kailangan mo?" Biglang harap nya. Natigilan ako bigla

"Ahm ano... kasi... naghahanap kasi ako ng makakain. Maling stall ata napasukan ko sorry" papalabas na sana ako ng biglang may pumukaw ng atensyon ko. Ang daming art materiaaallsss!! Shuta sarap magstay dito habang buhay, bakit ba hindi ko agad napansin na puro artmats dito? Ang vintage kasi ng aura dito eh sobrang cool.

"Kala ko ba aalis ka na?" Sabi ni kuya boy. Pagkalingon ko sa kanya, nakatitig lang sya sakin. Ngayon ko lang natitigan itsura nya. Ang amo naman ng mukha neto sana ol. Katamtaman lang yung kulay nya. Medyo singkit din tas pang goodboy yung hairstyle. Ang light lang ng atmosphere sa kanya. Naka white shirt lang sya na may tatak enden jagger pants tas vans white yung sapatas. Ang linis nya tignan. So tumabi agad ako sa kanya para makipagchikahan. Dun ko lang din napansin na nag ooil painting pala sya. Shutanginames! sobrang galeng!

"Pengeng talent" bigla kong nasabi habang nakatitig sa painting nya. Pag tingin ko sa kanya tumawa sya. Sheett hangkyutie nawala yung mata nyaaaaa!! Sarap iuwi char.

Lumipas ang oras ng magkakwentuhan lang kami. Marami rin syang tips na binigay sakin. Puro tawanan lang kami para lang kaming naglolokahan. Nang mapatingin ako sa labas... nagulat ako nang makita ko yung mga klasmeyt ko.

"Sheyt fieldtrip nga pala namin nakalimutan ko. Mukhang pauwi na kami. Salamat sa pakikipagchikahan at sa mga tips." Nagmamadali akong inayos yung mga gamit ko. Bumili rin kasi ako ng watercolor brush... remembrance lang.

"Saglit." May inabot sya sakin na kapiraso ng vellum feeling ko 1/4 ng vellum. At dahil nagmamadali ako ipinasok ko nalang sa bag ko yung inabot nya.

"Nice meeting you! Punta ka ulit dito kita tayo" sabi nya habang nakasmile... kainis ang kyut nya ngumiti.

"Di ako papayagan... 17 palang ako eh! HAHAHA Salamaaaatt!!" Natatawa kong sigaw sa kanya.

-----------------------------

Nasa loob na kami ng bus pero hinihintay pa namin yung iba pa naming kaklase. Siguro alam na nila yung dahilan kung bakit dito kami nagfieldtrip sa parang tiangge na place. Pero iba yung sa alam kong dahilan... yun ay para makilala ko siya.

Nang makumpleto kami nagsimula na kaming bumyahe pauwi, tsaka ko naalala yung binigay nya sakin na papel. Binuksan ko yung bag ko para kuhain yung papel... natigilan ako habang tinititigan yun. Nipaint nya ko... ng hindi ko alam. Eto yung time na manghang mangha ako sa dami ng artmats sa stall na yon. Ang galing nya talaga magpaint... parang abstract dahil nga mabilisan lang pero nakuha pa rin yung pagkamangha sa mata ko. Habang tinititigan ko yung painting... may napansin akong may kung anong nakasulat sa baba. Letter "~ℒ" pacalligraphy yung sulat. Natigilan ako bigla

"Shuta! Nakalimutan ko itanong yung pangalan!" pabulong kong sabi sa sarili ko habang patuloy na umaandar yung bus.

Nadagdagan na naman yung mga bagay at pangyayare na buong buhay kong pagsisisihan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vintage StoreWhere stories live. Discover now