"Kailan mo gusto ikasal?" Tanong ko sa kanya.
"Hmm... siguro pag 28 na ko. Eh ikaw?" Tanong niya sakin pabalik.
"Hmm... siguro pag 28 ka na" banat ko sa kanya. Bigla syang natawa.
"Loko!" Sagot niya habang nakangiti sakin na tila kinikilig.
"Pero seryosong tanong na? Anong ideal mong kasal? Ahm ano ba? Church wedding? Kwentuhan mo naman ako." curious na tanong ko sa kanya.
"Bat mo naman biglang natanong?" Nagtatakang tumingin siya sakin habang kumain ng ice cream.
"Para maplano ko na yung kasal natin" sagot ko sabay kindat. Nasamid sya bigla sabay tawa.
"Oh bakit? 6 years na tayo... wala ka bang balak magpakasal sakin?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Meron syempre! Badtrip ka agad?" Nakangiti lang siyang nakatingin sakin. Nawala tuloy ako sa mood.
"Uyyy love wag ka na magalit natuwa lang ako sa tanong mo eh bati na tayo" sabay kiss niya sakin sa pisngi. Napangiti tuloy ako bigla.
"Oo na sige na magkwento ka na dali" sabi ko sa kanya habang pinapanood siyang kumain ng ice cream, hays andumi talagang kumain ng batang to.
"Yeheeyy! Gusto ko church wedding love, tas may nakakalat na petals sa aisle habang naglalakad ako tumutugtog yung 'incredible tonight'" halos maghugis puso yung mata niya habang nagkwekwento sakin kaya medyo naexcite ako sa kwento niya.
"Ano pa? Ayun lang?" Interesadong tanong ko sa kaniya.
"Ahmm... gusto ko mahaba yung gown ko tas color blue yung flower na dala ko." Sagot niya ulit na parang iniimagine niya pa ito.
"Ayun lang?" Taka kong tanong sa kanya.
"Yeah, di ko pa masyadong naiisip yan pero yan yung mga gusto kong mangyari" sabi niya habang patuloy pa ring kumain ng ice cream.
"Tara na nga, ubusin mo na yan malelate na tayo." Natatawang sabi ko sa kanya.
-------------
After 4 yearsEto na yung araw na pinaka hihintay niya...
*Np: incredible tonight*
You're wearing that dress I like
Those heels make you six feet high~Bumukas yung pinto ng simbahan. Natigilan ako. Nakakasilaw, sobrang ganda niya. Dahan dahan lang ang paglakad niya na tila dinadama ang bawat hakbang sa mga piraso ng bulaklak na nasa daan niya. Habang hawak ang asul na tumpok ng mga bulaklak. Abot tenga ang ngiti na tila ba'y eto na ang pinaka masayang araw ng kaniyang buhay. Bigla kaming nagkatitigan. Napangiti ako, kasabay ng pagpatak ng aking luha.
Malapit na siya sakin ng bigla kinuha ng katabi kong lalaki ang kamay niya. Nang marinig ko ang hiyawan ng mga tao pagkatapos gawaran ng halik ang pinaka mamahal kong babae, ay umalis na ko. Sino ba namang tangang tao na pumayag na maging best man sa kasal ng babaeng mahal niya.Ang pinangarap niyang kasal, ay tinupad niya, sa iba