Chapter 36 ✔

34 10 30
                                    

SHE'S STILL recovering from her gunshot wound.

Hindi pa rin siya makapaniwalang naitakas siya ni Rocky sa lungga ng mga Agents na 'yon.

FLASBACK!

Pagkalabas na pagkalabas ni Nix sa kwarto niya ay nagtaka siya.

'Ano bang problema ang sinasabi nila?'

Pinilit niya tanggalin ang posas niya sa kamay nang biglang may pumasok sa kwarto niya.

"Rocky?" takang tanong niya.

"Hey, Madame!" Patakbong lumapit si Rocky sa kanya at may nilabas na susi sa kanyang bulsa.

"What are you doing here? Baka may makakita sa'yo!"

Tuluyan ng natanggal ni Rocky ang posas. "Don't worry, Madame. Nasa Department silang lahat ngayon." Mas lalo siyang nagtaka. "We need to get out of here. This is not the right time to explain," dagdag pa ni Rocky. "Here." May iniabot sa kanya si Rocky na mga damit.

'My clothes!'

"Magbihis ka na. Kaunti lang ang oras natin dito."

Inabot niya ang mga damit. Bumaba siya sa kama at...

"Can you turn around? Magbibihis nga ako, 'di ba?" she said sarcastically and Rocky chuckled and turn his body around.

Mabilis siyang nagbihis kahit masakit ang katawan niya.

"I'm done." Pumihit paharap sa kanya si Rocky.

"Here." Pati ang cellphone, baril at lahat ng gamit niya ay binigay sa kanya.

"How did you get these?"

"I'll explain it to you later, Madame. Let's go." Inalalayan siya nito palabas. Maingat silang naglakad at ang nakapagtataka ay bakit hinahayaan nilang makita sila sa CCTV.

"Don't worry, Madame. If you think we'll be caught on CCTV, you're wrong."

Napangiti siya dahil alam niyang napagplanuhan na ni Rocky ang lahat bago ito gawin.

"Diyan ka dumaan. Pagkalabas mo diyan, lumiko ka sa kanan at makikita mo ang isang itim na kotse." Iniabot ni Rocky ang susi ng kotse sa kanya. "Get out of here. Dumiretso ka sa hideout, nando'n na ang mag-ina. I'll follow you later, I just need to do something."

May tiwala siya kay Rocky kaya sinunod niya ang sinabi nito.

Naglakad siya palabas at hindi ininda ang sakit at hapdi ng kanyang sugat sa tagiliran.

Pagkalabas niya ay may isang itim na kotse na nakaparada.

'Ito na siguro 'yon.'

Lumapit siya dito at saka binuksan. Nakaalis siya sa lugar na iyon na hindi kasama si Rocky pero alam niyang susunod ito sa kanya.

Tinahak niya ang daan patungo sa kanilang hideout.

END OF FLASHBACK!

Kaharap niya ngayon ang asawa at anak ni Arch Martin, ang pinuno ng Zarinto Group.

"Sino ka ba talaga? Ano bang kailangan mo sa amin ng anak ko?" Kanina pa siya tinatanong ng ginang. Iyak ng iyak ang anak niya samantalang ang ina niya ay halatang nilalakasan lang ang loob para hindi magmukhang takot.

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon