PROLOUGE

40 5 1
                                    

"Anak. Bumangon ka na diyan at papasok ka pa"

"Opo Mama... (Hikab). babangon na po". Nag unat muna ako bago ako maligo pagkatapos ay isinuot ko na ang aking uniporme. Naglagay lang ako ng konting pulbo at liptint.

Hikab....

Hayyyyssssss...kaantok.

Kainis. Kung bakit ba naman kasi siya namatay. Napuyat na nga ako,,,,,,,,masama pa loob ko.

Alam mo yung feeling na mas chinicheer mo pa yung Second Male Lead kaysa sa Main Male Lead sa binasa mong libro?

"Kumain ka na anak at nang makapasok ka na sa Iskwelahan mo. " tumango naman ako kay nanay bilang sagot sa kaniya.

Papunta na ako sa unang klase ko ng may bigla na lang nanghablot sa braso ko.

"Sinabi ko naman sayo na wag ka munang magpapakita sa akin Babes dahil nagtatampo pa ako sayo. "

Tanga ba siya? Duh..... Kapal ng mukha neto. Kabaliktaran naman ang ibig niyang sabihin.

Napatingin tuloy sa gawi namin ang mga ka-students namin.

"Bakit? Boyfriend ba kita para sundin ko? Tiyaka..... Bakit ka andito? Suspended ka pa diba? " tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad sa classroom.

Nahuli ko lang naman siya sa akto na binubugbog ang isang 1st year. Siyempre bilang school president hindi itinotolerate ang mga ganitong gawain. Kung hindi ko pa siya napigilan ay baka mapatay niya pa yung first year. Mas swerte pa ang lokong to at suspension lang ang inabot. Perks of being the only son of the owner of this school. Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nahuli ko siya. Mga siyam na beses na ata.

Tsk....

Nakakailang hakbang pa lang ako ng may humigit na naman sa akin.

"Ano ba naman Von! Tigilan mo nga ako. Magbagong buhay ka na. Pati ba naman ako papatulan mo?"

Sa halip na tumigil siya ay ngumisi lamang siya ng malapad.

"Mapapa sa akin karin Babes ."Kinindatan niya muna ako bago siya naglakad palayo

Edi wow.. in your dreams.

Gwapo sana kaso ubod naman ng sama ang ugali. Papansin pa. Tsk..

Pagkatapos ng klase ko ay dumiretso na ako sa Student Council Office namin. Marami pa kaming kailangang gawin at asikasuhin. Malapit na kasi ang University days kaya sobrang busy na namin.

Ako na lang ang naiwan dito dahil pinauwi ko na ang mga kasama ko. Kita ko na kasi ang pagod sa kanila kaya naman sinabihan ko na silang mauna nang umuwi.

Niligpit ko na ang mga pinaggamitan namin para makauwi na rin. Napatingin ako sa relo ko, Shocks..... Mag aalas diyes na! Magagalit na naman si mama dahil nalipasan nanaman ako ng gutom.

Wala ng mga estudyante sa oras na ito. Hanggang 9:00 pm lang kasi ang huling klase dito sa University.

Naglalakad na ako sa hallway ng bigla kong naramdaman na parang may nagmamasid sa akin.

Mejo madilim pa naman dito at iilang ilaw na lang yung bukas.

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang naramdaman ko at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

Ramdam ko na rin na unti-unti nang lumiliit ang distansya namin kaya naman tumakbo na ako ng mabilis.

Lumingon ako sa gawi nila. Oo, nila dahil dalawang tao ang humahabol sakin. Hindi ko sila mamukhaan dahil nakasuot sila ng mga itim na damit at maskara.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapagod ako.Namalayan ko na lang na dito ako sa may 2nd Flr ng pool area dinala ng mga paa ko.

Wooh.... Inhale.... Exhale.........

Naramdaman ko na lang na may tumulak sa akin.

Anak ng tipaklong!!!!! Muntikan na ako dun. Mabuti na lang at nakahawak ako sa railings.

Tumingin ako sa bababa, kung malalaglag man ako ay swimming pool ako didiretso.

Masakit pa rin ing impact nun sa katawan ng isang tao.

"Andito ka lang palang malandi ka. Pinahirapan mo pa kami". Boses babae ang nagsalita.

"Luh,,, wala akong nilalandi dito Miss."

"Anong wala? Lagi na lang nakabuntot sa yo si Von. Wala na siyang oras para sa akin. Babes pa talaga ang tawagan ninyo ha?! Kaya malandi ka talagang babae ka!!!"

"Aray ko!!! Masakit yan Miss" . Bigla ba naman niyang pinagtatadyakan yung kamay ko na nakakapit sa railings.

"Hindi ko kasalan kung si Von mismo ang lumalapit sa akin. Pagsabihan mo yang boypren mo na tigil-tigilan nga ako" taenang Von yan. Mapapahamak pa ako sa kalandian niya.

"Lagi na lang ikaw. Ikaw na lang ang bukambibig ni Von kahit magkasaman naman kami palagi. Binigay ko na nga ang sarili ko sa kaniya pero ikaw pa rin ang nasa isip niya"

Anak ng.....Kadiri.

"Mas maganda kung mamamatay ka na lang para di ka na makita pa ni Von". Tinadyakan ng walang hiyang babaeng to ang kamay ko!

Hindi ko na kaya sobrang sakit na ng kamay ko. Sa tantiya ko rin ay may bali na rin ang ilang daliri ko sa kamay.

Nakaainis naman kasi! Bakit ba ako nadamay sa kalandian ni Von!

Unti-unti ng dumulas ang mga daliri ko sa railings.

Ipinikit ko na lang ang mata ko.

Whooh! Siguradong mababalian ako ng buto nito.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Ouch!!!!!!! What the fuck!!!!!!!"

Luh! Ano itong naririnig ko?

Bakit hindi ko maramdaman ang tubig sa katawan ko?

"Kamahalan ayos lang po ba kayo?"

Kamahalan? Luh? Anung nangyayari? Nasa langit na ba ako? Bakit ang ingay? Madami din bang namatay na kasabay ko?

Nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko

"Hulihin ninyo ang babaeng yan. Baka may masama siyang balak sa Emperador".

Emperador? Ano to? shot puno?

Automatic naman na napadilat ako sa mga narinig ko.

Ang ganda naman dito sa garden na ito at napakaraming tao dito. Alam ninyo yung mga naka gown at naka suit ganern? Tapos may mga knights pa.

Ano bang lugar to? Ganito ba itsura ng langit?

"Ano pang hinihintay ninyo hulihin ninyo na ang babaeng yan!"

Lalapitan na ako ng mga Knights pero bigla na lang silang huminto.

"Miss, sino ka at bakit ka biglang nalaglag mula sa langit? Nakasalalay ang buhay mo sa magiging sagot mo".

Napatulala na lang ako nang makita ko kung sino ang nagsalita.

Hindi pwede ito na. Nanaginip lang ako. Bakit Andito si Von sa langit?! Masamang damo siya kaya di siya bagay dito.

"Miss, are you deaf? Bakit hindi ka makapagsalita?".

"Von, ikaw ba yan?"alanganing tanong ko sa kaniya.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Pasalamat ka at maganda ang mood ko ngayon Miss."

Lumingon siya sa kanan ko at tinawag ang nisang kawal.

"Caiden. Sabihin mo nga sa babaeng to ang buong pangalan ko".

Anu daw?!! Caiden???!!

"Masusunod kamahalan. My lady, our king, Calixto Von Rhummele"

Hala!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Sila lang naman yung Male lead at Second Male Lead sa librong binasa ko kagabi.

The Girl who fell on the Emperor's lapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon