"Ano ginagawa niyo diyan?" tanong ko nang makapasok ako sa room.
Galing kasi akong canteen dahil nagpabili sa akin yung president namin ng isang kartolina para daw pang cover sa mga karton na gagamitin naming props para sa contest.
Naabutan ko naman ang mga kaklase kong nakadungaw lang sa bintana at nagaabang ng mga dumadaan sa hallway.
Nangunguna pa si Lyka sa pagsilip.
Lalagpasan ko na sana sila nang tawagin ako ni nito.
"Uy Lealhyn, sali ka dito dali!" Aya nito.
Inabot ko muna ang nabili kong kartolina sa president namin bago naglakad papunta sa bintana kung nasaan sila.
"Anong meron?" tanong ko.
"Ay teh! Ganito kasi- sandali nga! Ynah ano ba?! Crush mo ba ako ha?! kanina mo pa dinidikit mukha mo sa face ko nakakadiri kaya! Baka mamaya magkapalit pa tayo ng mukha edi nalugi pa ako? Panget panget mo eh!" Pag-iinarte ni Charles.
"Grabe ka naman! Ang arte mo ha, feeling babae!" sagot naman ni Ynah at naglakad palayo.
"Maarte talaga ako dahil kung titingnan nila, mas mukha pa akong babae keysa sa'yo noh! Dugong!" habol ni Charles at humarap ulit sa'min.
"Anyway, ganito na nga... May naiisip kasi kami ni Tone kanina sa cr, Diba lastmonth sa ABM tayo naghanap ng mga chupapi? Naalala mo?" Panimula ulit ni Charles.
"Malamang teh naalala niya yun! Sino ba namang makakalimot doon? Eh muntik ng maguidance section natin dahil doon sa plano mo na yun!" singit ni Tone.
"Shh! Hindi pa ako tapos diba? Eksena teh? Eksena tayo dito ha? Papansin ang peg ganon?"
Hindi na namin napigilang magkakaklase ang matawa dahil sa pagbabardagulan ng dalawang bakla na ito.
"So ayun nga! Naiisip namin na since hindi tayo nagtagumpay sa ABM, baka nasa STEM na nga yung para sa'tin diba??? Imaginin mo yun, Magiengineer mga jowa natin? Oh diba ang kabog!" malanding pagkukwento ni Charles.
"Sabi ng friend ko sa STEM kaya lang naman daw sila nag STEM kasi magandang pakinggan." singit ni Robert, bading din.
"Yun nga yung point beh! Magandang pakinggan! Kaya nga once na nakasungkit tayo ng STEM student, edi maganda din pakinggan kapag tinanong nila tayo ng Anong strand ng boyfriend mo? Oh diba! Palibhasa kasi si Tone walang taste eh psh!"
"Oh bakit ako? Nananahimik na ako dito ah!" Inis na sagot ni Tone kay Charles.
"Ano na nga gagawin? Puro kayo bardagulan eh! Hindi na namin malaman kung ano ba yung gagawin natin." Mataray na sambit ni lyka habang inaayos nito ang ariana grande niyang headband.
"Ay teh! Kapag dugyot version ni Ariana Grande, hindi allow magreklamo ha! Charoot, labyu beh! So ayun ganito na"
"Ilang minutes nalang, breaktime na ng STEM and siyempre diyan sila sa hallway natin dadaan. Kasi alam mo na nagpapapansin sila sa'kin, Charot! So ayun dito sila dadaan and makikita natin sila. Ang plano bago lumabas ang stem students, Magsasabi tayo kung ano yung type natin sa isang lalaki, then kapag may lumabas sa kanila na saktong sakto sa type na gusto mo, Need mong magpapansin sa kaniya until the day na mapansin ka niya, and kapag nangyari yun, Congrats! May bebe kana, may math tutor ka pa!"
"Paano kapag may crush talaga ako sa STEM? Bawal na siya lang yung pipiliin ko?" tanong ko.
"Ay! Ay! Ano yan haaaa? Sino sa STEM ha?" nakangiting tanong ng mga bakla.
BINABASA MO ANG
IT'S NOT A LOVE STORY ( MASSCOM #2)
Teen FictionLealhyn Jade Hernandez is an optimistic student with a simple living, good grades and vigorous friends. She has a crush on a STEM student named Sky Daxten Arollado, a notorious ghoster of his earlier school. It all started when her classmates asked...