FIFTY-THREE

952 26 2
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Matapos naming mag-breakfast ay nagpaalam ako sa parents ko na aalis muna ako. This won't do, I really need to do something to fix us. I realized na hindi sa lahat ng hindi pagkakaintindihan namin ni Kenzie ay siya lang ang nag-eeffort na magkaayos kami. Ang relasyon, upang magtagal dapat nagkakaunawaan kayong dalawa. I don't wanna lose Kenzie forever, I want him beside me forever, and I will do whatever it takes just to be with him... forever.

Ilang beses akong napalunok at huminga ng malalim. Nasa harap na ako ng pintoan ng unit niya pero parang ayaw gumalaw ng kamay ko para pindotin ang doorbell. Kinakabahan ako sa totoo lang dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nagpunta ako rito na walang ibang baon kundi ang kagustohan na magkaayos kami. But I came unprepared, kung ano ang sasabihin ko, kung paano ako magpapaliwanag?

I took a deep breath for the nth time, gathering all my guts before I press the doorbell. In just a few seconds, the door opened. Pakiramdam ko nanigas ako sa kinatatayoan ko nang lumantad sa aking harapan ang isa sa pinakagamagandang lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. Nangunguna siya sa mga Kuya ko.

Magulo ang buhok, may suot na eyeglasses, at nakapambahay lang pero ang hot pa rin niya tignan. Talagang kahit anong kaniyang isuot ay gwapo pa rin siya. Kahit nga siguro mga damit na hindi nalalayo sa isang basahan, kapag isinuot niya at magmumukhang maganda. Ganoon ang datingan ng isang Kenzie Chiu.

"What are you doing here?" He asked with a cold voice. Kahit ang mga mata niya ay nakikita ang lamig. Walang ka rea-reaksyon ang kaniyang mukha habang nakatitig ng diritso sa aking mga mata.

His cold treatment made a sudden bang on my chest. Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko inaasahan ang pinapakita niya sa akin ngayon. Maybe because umasa ako na okay lang siya dahil pinapasabi niya sa akin kagabi kung gaano niya ako kamahal. Then why is he treating me so coldly? Why is he showing me a blank expression?

"I'm sorry."

Sa dami ng dapat kong sabihin, iyon ang unang lumabas sa aking bibig. Kasunod niyon ay ang unti-unting pagbagsak ng mga luha mula sa aking mga mata.

"I'm very very very sorry sa nakita mo no'ng um-attend ako ng birthday ni Jay. I'm very very sorry kung naging makitid ang utak ko at hindi ko nilawakan ang pang-unawa ko. Hindi ko naisip na... para sa akin lang din 'yong pagmo-monitor mo sa akin ng palihim. I should've understand and appreciate what you did instead of getting mad and thinking that you didn't trust me." I paused. "Sa may school gate. Alam kong nakita mo na magkasama kami ni Darwin. I hope hindi mo naisip na okay lang ako, na wala lang sa akin 'yong misunderstanding natin. God knows how badly I want na maayos tayo, " sambit ko sa pagitan ng mga hikbi.

I wipped my tears away.

"Maiintindihan ko kung galit ka sa akin, tatanggapin ko. I'm sorry, Dada, if it took me few days bago ko natanggap sa sarili ko na kasalanan ko. I'm sorry kung bumalik ako sa dating ako na feeling ko ako 'yong palaging nasa tama, na kung ano ang gusto ko ay masusunod. I'm so sorry if I've caused you pain. Sorry." Napayuko ako matapos magsalita.

At least... at least I've explained myself and I've accepted my fault. Kahit hindi niya ako mapatawad agad, at least nasabi ko ang gusto kong sabihin.

"Apology accepted."

Dahan-dahan akong napatigil sa pag-iyak nang marinig ang sinabi niya. Unti-unti kong inangat ang aking mukha and to my surprise, I meet his eyes na ngayon ay kumikinang na ulit. Parang sa isang-kisap mata lamang ay naglaho na parang bula ang lamig sa kaniyang mga mata.

"What?" ang tanging nasambit ko.

Bahagya siyang natawa. "I'll accept your apologies."

"Pinapatawad mo na ako?" wala sa sariling tanong ko na mas ikinatawa niya.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon