ɪɴ ᴛʜᴇ ɴᴀᴍᴇ ᴏꜰ ʟᴏᴠᴇ
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ꜰᴏᴜʀ
⟮ ᴅᴀᴛᴇ ⟯
『 ʀᴇɴᴢ ᴋʏʟᴇ ꜱᴀʟᴠᴀᴅᴏʀ'ꜱ ᴘᴏᴠ 』
Nakapasok na kami sa bahay, saka ako umakyat patungong kwarto ko.
" Dito ka lang sa salas, huh? " bilin ko kay Ace.
" Bakit hindi ako pwede pumunta sa kwarto mo? Ikaw nga ang nagsabi na papapuntahin mo ako sa kwar to mo " sagot niya sa akin.
Bwesit bakit ko ba kasi sinabi yun sa kanya?! Nababaliw na talaga ako.
Naunang umakyat ang kumag sa kwarto ko, ang kapal talaga ng mukha. Aakyat na sana ako sa kwarto ko ng biglang
" Sana ol " napaigtad tuloy ako sa sinabi ni Mandy.
" Ano ka ba?! Bakit ba palagi ka nalang sumusulpot? " sigaw na tanong ko kay Mandy.
" Saan kayo galing huh?! Nag-date kayo noh? " tanong ni Mandy sa akin na halong nang-aasar.
" Anong date? Date ka diyan? Hindi noh. " sagot ko sa kanya.
" Uhm, hindi raw.. Mom, si Kyle nakipagdat- " naputol ko ang sasabihin ni Mandy gamit ang kamay ko sa pagtakip ng bibig niya.
" Ano yun Mandy? Nakipag-date si Kyle?! " tanong ni mom kay Mandy na halong tumatawa.
" Mom " nginusuhan ko si mom habang nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ni Mandy.
" Uhmm,Hrhmm " pagpupumiglas ni Mandy. Binitawan ko na rin si Mandy.
" Mom, si Kyle nakikipag-date " sumbong niya kay mom na hinihingal na para bang hinahabol.
" Sino ang ka-date mo Kyle? " tanong ni mom sa akin.
" Ang ka-date niya Mom ay yung lalaking pumupunta dito " sumbong na namn ang babaeng to.
" Sino, yung si Mr.Ace ?! " tanong ni mom sa akin. " Totoo ba yun Kyle? "
" Pero hindi naman date na yung may kain- kain, bigay- bigay flowers tsaka kiss- kiss " sagot ko kay mom. " Parang ganun lang "
" Alam mo Kyle, hindi naman sa pinagbabawalan kita, nagtatanong lang naman ako. Kung sino man yang mamahalin mo ma-babae man o ma-lalaki susuportahan kita " naiyak tuloy ako sa sinabi ni mom.
" Thank you mom " niyakap ko si mom ng napakahigpit.
" Pero yung totoo, boyfriend mo na ba siya? " seryosong tanong ni mom sa akin.
" Mom, hindi ko siya boyfriend noh, at tsaka nag-pasama lang naman siya sa akin mamasyal " sagot ko kay mom.
" Hindi pa nga kayo boyfriend, pero malapit na " pang-aasar ni Mandy sa akin. " Hindi mo siya boyfriend pero gusto mo siya noh? "
" Anong gusto? Tumahimik ka nga diyan " suway ko sa kanya at pumunta na sa kwarto ko.
" Goodluck Kyle, kanina pa yan naghihintay " pang-aasar muli ni Mandy sa akin
YOU ARE READING
In The Name Of Love - Bxb [ Ongoing ]
Teen Fiction•⟮ ᴍᴘʀᴇɢ ⟯• •ꜱᴇᴀꜱᴏɴ ᴏɴᴇ• An identical twin brothers namely, Axcel Zachary Constantino is Jung Sung-hyun and Renz Kyle Salvador is Jung Seongyeon. Son's of a President in the country of Korea but got alienated from their real family because of someon...