"Luna!!!!" narinig kong pag tawag ng kapatid ko sa bago kong alaga.
"Ate si Luna parang naiyak" Kumaripas ako ng kilos dahil baka biglang iwan ako agad ni Luna.
"Cess ikaw na bahala kay Luna ha! Papasok na ko." Iniwanan ko ng pagkain para kay Luna si Cess. Tumango naman siya at humalik na ko dahil aalis na ko.
Wala si Vae ngayon dahil nga wala siyang gana at para daw siyang may sakit.
Pagpasok ko ay may nakita kong pamilyar na motor.
Teka? Parang alam ko kung kanino to.
"Anong ginagawa natin dito?" Pagtataka ko dahil napakadilim.
"May tao sa bahay e" Aakma siyang humalik at lumayo ako.
"Ha? E ano naman?" Kinakabahan na ako dahil alam kong hindi maganda ang mangyayari.
"Alam mo na" Sabay ngiti nya. Kapal ah.
"Walang wala? Tigilan mo." Bababa na sana ako at tatakbo pero nahawakan nya ko.
"Tanga ka ba? Wala kang mapupuntahan dito. Pa- isahin mo na ko. Nakakapamg- init naman to ng ulo e" Gusto kong umiyak dahil araw araw na nga nya akong ginagawang laruan pati ba naman ngayon?
"Wow ha? Hindi ka ba nagsasawa?" Sabay siring ko.
"Kulit e!" hinablot nya ako at sinimulan na ang dapat hindi simulan.
Gusto ko nang umuwi. Gusto kong humingi ng tulong.
Makalipas ang ilang minuto, natapos din.
"Masaya ka na?" pagtataray ko.
"Hindi. Tara sa bahay." talagang hindi pa kuntento.
"Uuwi na ako!" iniintay ko tumawag si mama para naman magising siya.
"Aga pa hindi ka pa nga hinahanap e." sabay tawa nya na para bang masaya yung nangyari.
Saktong tumawag si Vae.
"Oo ma pauwi na." iniba ko ang usapan at napalingon sa kanya.
"Narinig mo? Hinahanap na ko!" Pagtulak ko sa kanya.
"Panira." Pinaandar na nya yung motor at umaakma pang dadalhin ako sa kanila.
Tinadyakan ko yung motor at biglang nasira. Nagulat din ako pero okay lang.
"Hindi ko kasalanan yan. Aalis na ko!" At tumakbo na ko para makaalis sa piling nya.
"Arte mo!" Sigaw nya pa.
Napayuko at naiyak dahil naalala ko ang bagay na hindi dapat maalala.
Biglang may umakbay sakin.
"Sabay ka? Dala ko motor ko ngayon." tinaas nya pa ang dalawa nyang kilay at tila ba parang nangaasar.
BINABASA MO ANG
Blue Dead Leaves
RandomShe's like a leaf that is slowly falling from the tree. Just like the leaves in the season of autumn. She's slowly getting tired of her blue life. Regrets will be in everyone soon.