Chapter 5

1 1 0
                                    




Panibagong araw, panibagong alaala.


Pasukan na naman makikita ko na naman ang mga pagmumuka ng mga taong nais akong durugin.



"Miss Solar may nagpapabigay po." sabay abot sakin ni kuya guard.

"Kanino po galing?" nakangiti kong tanong.

"Ayaw nya pong ipasabi e." Tumango lang ako at ngumisi lang si kuya.

"Ang ganda naman ng friend ko! May admirer" Aga mang asar ni Vae ha.

"Bye na!" pagpapaalam ko ng nakangiti at pumasok na sa room.

Nag- eye contact lang kami ni Regine dahil agad siyang umiwas ng tingin.

Patago kong sinilip ang laman ng paper bag.

At nakita ko ang mga supplies para kay Luna at para kay Princess.

Napangiti agad ako at iniisip na magpasalamat kay Jun bago umuwi.








Habang nagiintay ako sa may gym dahil malapit yon sa parking lot ng school ay lumapit si Jake.



Kinuha ni Jake ang paper bag at sabay sabay nilang tinignan ang laman neto.

"So may anak ka na pala?" pagtataray na tanong ni Thea.

Pilit kong kinukuha ito dahil baka masira at sabihin ni Jun na hindi ko ito iniingatan.

"Ibigay mo na yan pre." Biglang may hindi pamilyar na boses akong narinig.

"Oh! Sya na ata ang ama Jake!" Pagtapik ni Thea kay Jake at sabay tawa nila ni Julia.

Lumingon lang ako sa kanya at nagulat.

"So?" Pagsagot nya sabay hablot sa paper bag.

Hinila niya na rin ako at sumunod din dahil baka kung saan pa umabot.

"Anong ginagawa mo Nathaniel? Pano kung kumalat yon!" pagsigaw ko kay Nathaniel, TanTan kung tawagin isa sa pinakamasungit at pasaway na student.

"Kesa patuloy kang kawawain don." sabay hagis nya ng paper bag at umalis na.

Na realize ko bigla ang ginawa niya at nagpasalamat.

"Thank You!" sumenyas siya ng okay habang nakatalikod.

Dali dali akong bumalik sa pwesto ko kanina at nasaktuhang kausap ni Vae si Jun at Regine.

"Ayun oh!" pagturo ni Regine sakin.

"Saan ka galing bakla ka!" pananaway naman ni Vae.

"Thank You Jun!" nagulat si Jun sa sinabi ko at biglang nagbago ang ihip ng hangin.

"Okay!" pag sagot nya ay bigla na silang sumakay ng sasakyan at bumusina, senyas na aalis na sila.



"Anong nangyari te?" pagtataka ni Vae.

"Si Nathaniel!" napabaling agad siya ng tingin.

"Anong meron kay TanTan?" close niya kasi yon kasi hindi naman siya ung baklang bigay na bigay kaya may mga close din siyang lalaki.

"Nilapitan ako kanina, alam mo naman ang tropahang Julia walang pagod mang api!" hindi niya kasi naabutan na kasali sila Jake at Thea sa mga nang gagaso sakin.

"Oh tapos?" pagtatanong niya.

"E diba te puro pambata at pang aso laman netong paper bag kaya sinasabihan nila akong may junakis na!" tumango tango lang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blue Dead LeavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon