1 : Meet Him

36 2 0
                                    

"Make it fast"  utos ko sa taong nasa gilid ko

"Ito na nga o binibilisan na. " sagot nya habang sinusunod ang utos ko.

"Ang init pa rin e. " reklamo ko habang nakatingin sa labas ng classroom namin.

"uy Baekhyun manahimik ka.  Kanena pa kita pinapaypayan,  nangangalay na ako.  Ikaw na nga magpaypay sa sarili mo. " sabay lagay ng paypay sa desk ng upuan ko at saka lalabas.

"Channie,  san ka pupunta? " tawag ko sa kanya.

"Sa private room ng grupo,  baka andun na sila,  kanina pa tayo andito. "  kinuha nya bag nya at tuluyan ng lumabas. Ako naman patayo na rin ng bigla syang bumalik at may nakakalokong ngiti.

"Di ba type na type mo si Aly?  Andun sya o nag iisa,  baka gusto mong puntahan? " timuro nya yung nakaupo sa bench malapit sa office ng Student Council.  Nakayuko at abala sa pagbabasa ng libro.  Ako naman ay namangha sa aking nakita..

"Ganda talaga nya Yeol nu. " ba't kasi ang hirap nyang ligawan.  Araw - araw kasi ganito lang ang nagagawa ko,  minimemorized kada anggulo ng mukha nya,  singkit na mata,  matangos na ilong,  mapupulang labi,  makinis na mukha at mataas na pilik mata.

"Pormahan mo na kasi.  Sige ka baka maunahan ka pa at di ka na makaligaw sa kanya.  Ikaw rin ang magsisisi. " at tuluyan na nga syang umalis.

"Hi Baek.  Ang gwapo mo talaga. " sabi ng mga babae habang dumadaan sa harap ko.  Kanya-kanyang pa cute e.  Sana si Aly naman ang magpacute sa'kin.  Which is alam ko namang malabong mangyari kasi nga INIS na INIS yun sa'kin.  Hahaha.  Ang sarap rin naman kasing inisin ng babaeng yun.  Ang daling mapikon.  Lapitan ko nga ng ma badtrip.

"Alessandra Jane Sandoval. " bungad ko sa kanya syempre may ngiting kasama.  Sya naman di man lang ako tiningnan at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa. Kukuha na sana sya ng headset sa bag nya peru pinigilan ko..  Masisira kasi plano ko. 

"Aly,  sabi ng ex mo gumanda ka raw lalo. " galit yan sa ex nya.  Di pa rin ako pinansin. 1 more and it will blow.

"Pwede ka ba daw nyang maka date mamaya? "  syempre di yan totoo. Ito na. Tumingin sya sa'kin at tumaas ang isang kilay.  Ako di ako pa titinag,  nginitian ko sya para lalong mainis. 

"Ano,  payag ka? " tanong ko,  tumayo sya at nilagay sa loob ang aklat na binasa nya kanina.

"Sa susunod Mr.  Byun Baekhyun,  kung wala ka rin naman matinong sasabihin,  wag mo akong kausapin hah.  Baka sa susunod di na ako makapagpigil at patayin na kita,  itapon ang katawan mo sa Amazona River nang makain ng mga gutom na mga piranha dun ang katawan mo.  Nakakainis ka! " and that is I got her temper.  Inirapan nya ako at umalis.  Ang sarap talaga galitin,  lalong nawawala ang mata.  Biglang may nahulog na parang papel. Tyempo naman na dumating ang grupo.  Meet my friends :

Suho - ang leader namin at ang pinakamayaman.  Mahilig nya kaming ilibre at may mala anghel na mukha.  Titigan mo lang parang nasa langit kana peru wag na wag mo yang galitin.

D. O - ang tahimik sa aming lahat peru pag kami lang,  ang lakas gumawa ng kalokohan. Mahilig magluto.  Close na close yan kay Kai. Agawin mo na lahat sa kanya,  wag lang ang Kai nya.

Kai - ang pinaka "cassanova" sa'min. Playboy kumbaga.  Walang tinatagal na relasyon yan kasi nga ayaw na daw nyang masaktan ULIT.  Maraming naghahabol dyan kasi nga ang galing sumayaw.

Sehun - ang pinakabata sa'min,  humahabol din sa kagwapohan ni Suho.  Magaling din sumayaw peru medyo bulol sa pagbigkas ng "s." Pagpasensyahan nyo na lang kung may sasabihin yan na di maintindihan.

Chanyeol - ang palangiti ng grupo,  "Happy Virus" ang bansag sa kanya kasi palaging masaya.  Mahirap e figure out kung may problema sya kasi nga dinadaan nya lahat sa ngiti nya.

Kris - ang pinaka attentive sa'min,  kung may kailangan kami o problema. He looks like a father to us. Hindi nya dinadaan sa salita ang pag aalala nya bagkus dinadaan nya to sa gawa.  First impression mo sa kanya ay cold,  seryoso at di palangiti. Peru pag nakilala mo na,  malalaman mong mali pala.

Chen - ang TROLL KING.  Mahilig sa kalokohan. May mga sinasabi yan na aakalain mong totoo peru JONGDAE pala.  Maalaga yan samin at matapang dahil hindi naniniwala sa multo di katulad ni Tao.

Tao - ang kaakibat ni Kris sa pagiging fashionista.  Ang daming borloloy nyan sa katawan.  Mahilig mag selfie at magpost sa SNS.  Magaling sa wushu peru takot sa ipis at multo.  Ang hilig mag aegyo.

Lay - Ang pinaka makalimutin samin.  Iwan ko sa kanya bat ang bilis makalimot. Magaling sumayaw tulad ni Kai. May malalim na dimples na nakaka attract talaga.

Xiumin - sya ang pinaka hyung samin peru pag tiningnan mo sa mukha parang sya ang pinaka maknae sa grupo.  Medyo mahilig sa siopao kasi yun daw ang paborito nya.

Luhan - ang pinaka sporty sa'min.  Kasali nga sya sa soccer team ng school at sya pa ang captain.  May maliit na mukha at sa unang sulyap mo sa kanya,  aakalain mong babae dahil sa mga features ng mukha nya na parang babae.  Manly kumilos at mabilia tumakbo.

Lahat naman kami may talent na di makakailang magaling talaga.  Hehe yabang men.  Since elementary magkakabarkada na kami.  Nakatira lang naman kami sa iisang village at fortunately dun din nakatira ang pinakamamahal kong si Aly.

"Mr. Byun mukhang binadtrip mo na naman ang prinsesa mo a. " sabi ni Suho sabay gulo ng buhok ko

"Ba't kasi di nalang pormahan ng maayos dinadaan pa sa cute.  Tingnan mo ko,  isang kindat ko lang sa babae,  bumibigay na. " pagmamayabang ng Cassanova namin.

"Hindi ako katulad mo Kai nu. Masyadong playboy sa mga babae.  Seryoso ako magmahal. " sagot ko sa kanya

"Paglutuan mo na lang ng paborito nya,  di ba alam mo magluto nun.  Nang sa ganun mapasaya mo si Aly. " sabi ni D. O na abala sa paglalaro ng COC sa phone ni Kai.

"Uy hyung,  wag mo i lowbat yang phone ko ah baka magtext si Kaila,  di ko mareplayan. " sabay tingin sa nilalaro ni D. O

"Alam mo hyung,  para di na magalit ti(si) unnie Aly ta'yo (sa'yo). I-libre mo na lang ng bubble tea para happy. " nagpapayo bunso namin kahit bulol.  Hehe

"Para namang makikinig si Baekhyun sa inyo.  Ako nga na laging kasama nyan mapa kwarto o kahit saan,  binabalewala nga sinasabi ko.  Kayo pa kaya.  Haha" sabay derp ni Chanyeol

"E puru naman kasi kalokohan sinasabi mo Yeollie e.  Mag advice ka naman ng matino.  Yung parang ma ho hook sa ka gwapuhan ko ang babaeng yun.  " sagot ko ng biglang sumingit si Baba.

"Guys,  ahm kailangan muna naming umalis kasi nag text si coach na may practice for basketball daw at tsaka Luhan pinapatawag ka ng coach mo,  may sasabihin daw tungkol sa nalalapit na Intrams dito sa school natin.  So alis muna kami kitakits nalang sa tambayan mamaya. " paalam ni Kris

Umalis na silang anim Kris,  Luhan,  Chen,  Tao, Xiumin at Lay.  Kami nalang anim ang andito at kinukulit na naman nila ako sa pagiging torpe ko.  Ano magagawa ko,  umaatras dila ko pag siya ang kaharap ko.  Ano ba ang dapat kong gawin para maligawan ko na sya??

****

Dito muna guys.  Read,  vote,  comment plss..  Love lots :* xoxo

KaiLasPen

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

50 Days With Him- BaekHyun FanFiction (SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon