"Ang aga-aga nakabusangot na naman yang mukha mo." sabi ni Karlo kay Drake habang nagliligpit ng higaan nila.
"Eh pa'no bang hindi, pinapapunta na naman ako ng boss ko sa Cavite." tugon naman ni Drake sabay kamot ng ulo.
Pagkatapos iligpit ang higaan, pinuntahan ni Karlo si Drake sa kusina na patuloy pa rin sa pag-aalboroto nito.
"'Lika nga dito, ki-kiss ko na ang bebe ko.."
"Tumigil ka nga. Eeeew.." sabay punas sa pisngi kung saan sya hinalikan ni Karlo.
"Ba't amoy corned beef, yuck!""Diba ulam natin nung isang araw." sabay ngisi para mang-asar.
Lalo pang sumimangot ang mukha ni Drake, "KADIRI KA KARLO!"
"May adobo pa 'yan, yung ulam naman natin kahapon. 'Lika dito, sa kabilang pisngi mo naman." sabay umaktong nagtitinga.
"Ayoko! Lumayo ka nga, yuck!!!"
At naghabulan na ang dalawa sa mumunti nilang unit ng condo sa Makati.Dalawang taon na ring magkarelasyon sila Karlo at Drake. Dahil sa kakulitan, ganito nila madalas simulan ang kanilang araw. Sinusulit nila ang bawat sandaling magkasama sila.
Pareho silang nagta-trabaho. Si Karlo ay isang call center agent at si Drake naman ay isang field engineer. Dahil parehong busy sa trabaho, sa gabi na lang sila nagkakasama.
"Kaaaaarloooo! Bakit mo inubos 'tong asukal natin?! Marami pa 'to kahapon ah." sigaw ni Drake habang hawak ang mug at bakanteng container ng asukal.
"Sorry lab, bili na lang ako after ko dito." tugon naman ni Karlo mula sa shower.
"Wag na, late na 'ko!" sigaw ni Drake bago umalis.
Sumilip naman sa pintuan ng shower si Karlo at sumigaw, "Lab wait lang! Iki-kiss pa kita!"
Habang nasa byahe pa-Cavite, di maalis ni Drake ang lalong pagkainis.
"Di na nga naalala birthday ko, panay pa ang pang-aasar!" patuloy na isinisigaw nya sa kanyang isipan.Buong shift ni Drake, laman ng isip nya ang mga bagay na 'to.
Sa kabilang banda naman, nasa palengke si Karlo para mamili.
"Oh Karlo, wala ka bang trabaho? Ang aga mo ah", sabi ng tindera sa suking tindahan ni Karlo.
"Nag-leave po ako, kailangan pong maghanda ng maaga eh." sagot naman nya habang kumukuha ng condensed milk.
"Magluluto ka? Sinong may birthday?"
tanong ng tindera habang sinusuot ang kanyang apron.Inabot naman ni Karlo ang mga bibilhin nya. "Ay hindi ho, trip ko lang pumapak ng condensed milk. Haha! Opo, magbe-bake po ako ng cake for my boyfriend. Birthday nya po kasi."
"Loko ka talaga! Ganun ba. Oh sya bigyan kita ng discount, pabirthday ko na sa kanya." habang binibilang ang mga presyo ng pinamili ni Karlo.
"True ba? Lakas maka-Aling Puring ah. Haha!" pabirong sabi ni Karlo bago sila magtawanan ng tindera.
Kinagabihan pag-uwi ni Drake ay bumungad sa kanya ang makalat na unit nila ni Karlo. Mga tambak na hugasin sa lababo, kalat sa sahig, at mga basura sa lamesa.
"Karlo!!! Yari ka talaga sa'kin pag-uwi mo!" isip nito.
Habang nagtatanggal ng sapatos, narinig ni Drake ang isang awit mula sa kanilang kwarto.
"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday, Happy birthday... Happ--"
Habang naglalakad papalapit kay Drake si Karlo buhat ang isang cake, nadulas ito sa mga tapon ng tubig sa sahig. Nalaglag ang cake sa sahig na agad naman nyang dinampot.
"Wala pang five minutes!" sabay tingin kay Drake na 'di mawari ang itsura. Magkahalong inis at gulat ang naramdaman ni Drake, pero nagbago 'to nang magsalita si Karlo.
"Sorry lab. Ang pangit ng simula ng birthday mo kanina pa lang. Sorry din sa asukal, kailangan ko kasing i-prepare kagabi yung frosting. Pati sa kalat, medyo kinulang ako sa oras eh. Ang hirap pala mag-bake.." sabay kamot ng ulo.
Dahan-dahang lumapit si Karlo kay Drake, dala pa rin ang out of shape na ngayong cake. "Sorry lab sa katangahan ko, haha."
Teary-eyed, hinawakan ni Drake si Karlo sa pisngi at sinabing, "Kala ko nakalimutan mo. Sorry din lab, for doubting you. For two years, you never failed to surprise me.."
And from that, they slowly kissed.
"Sige nga tikman ko nga 'tong ginawa mo." sabi ni Drake bago kumurot ng piraso ng cake.
Pagsubo nito ay agad nya ring inuluwa, "Ergh! Bakit ang alat!?"
Sa pagkagulat, agad ding nalaman ni Karlo ang dahilan,
"Ah.. Eh.. Sorry lab, asin yata yung nalagay ko."
BINABASA MO ANG
Happy Birthday To Me?
RomansaA short story of how thoughtfulness and appreciation blends together in a relationship.