World 7

54 0 0
                                    

            Tama nga si Lee kasi nung pagbalik namin sa school maya-maya lang ay natapos na ang meeting ng faculty at bumalik na kami sa normal na class.

      Sumabay ulit sa amin ni Min maglunch si Lee pero syempre di naming kinekwento kay Min ang tungkol sa adventure namin kanina dahil alam kong sesermonan ako ng bestfriend ko kaya sabi k okay Lee gawin naming secret yung nangyari kanina at he agreed naman sa sinabi ko

               Pagtapos ng class ay dumiretso na ako sa main gate dahil baka naghihintay na yung driver ko doon pero paglabas ko ay di ko matanaw ang sasakyan naming tapos maya-maya pa’y may pulang bmw na huminto sa harap ko pero alam kong di namin sasakyan yun kaya inignore ko lang ang paghinto nito at umatras ako ng konti dahil baka may susunduin din ito sa campus. Pero nabigla ako dahil lumabas mula sa driver’s seat si Drex

    Maglalakad sana ako palayo ng bigla kong marinig ang boses nya

“Hey Amber where are you going? Your dad asked me na sunduin ka!”

   Bago pa ako makapag salita ay kinuha nya na ang shoulder bag kong nakasabit sa balikat ko at binuksan ang passenger seat ng sasakyan nya

            Wala akong choice kundi sumakay dahil sabi nya order daw ni dad yun. Habang nagmamaneho sya ay nakalingon lang ako sa bintana at walang imik until he cleared his throat, kaya napatingin ako sa kanya

“are you alright?” tanong ko pero seryoso lang ang mukha nyang nakatingin sa daan. Ang singkit talaga ng mata nya.. tapos yung labi nya ang pula pula.. kahit na medyo kinulang sa height si drex...... ay shit Zia anu ba hwag mo ngang puriin ang lalaking yan, nakakalimutan mo naba. Iniwan ka nya..

“Uhm Amber!”

        Sabi nya sa kanyang pinaka cold and husky na boses

“pwede ba kitang ligawan?”

     Para akong binanlian ng pinakamalamig na tubig sa buong mundo, dinaig ko pa nag ice bucket challenge kahit hindi na sikat. Nakatitig lang ako sa kanya at tila nafroze ang buong katawan ko dahil sa tanong nya, naramdaman kong huminto ang sasakyan pero wala parin ako sa tamang pag-iisip, parang naghina ako, di ko alam pero parang kinikilig ako o naiinis di ko maintindihan yung nararamdaman ko. Natutuwa and at the same time nag-uusok sag alit ewan ko ang weird!

          Di ko alam ang isasagot pero naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako ditto, at di ko namamalayang nakalabas na pala ng sasakyan si Drex

“we’re here”

     Sabi nya habang hawak ang pinto ng passenger seat, andito kami ngayon sa martial arts lesson ko. Habang binabali bali ko ang buto ko sa pagbugbog sa coach ko ay di ko maiwasang mapatingin kay Drex at nakikita ko syang seryosong lang na nakatingin sa akin at sa tuwing ngingitian nya ako ay gaganti naman ako ng irap sa kanya

                   Tapos ng martial arts ay dumiretso kami sa firing, and this time sya daw ang magtuturo sa akin. So? Marunong sya? Kelan pa, tinuruan nya ako ng tamang paglalagay ng bala sa baril ko. Oo tama, may sarili na akong baril regalo din ni daddy, tinuruan nya rin ako paano maglinis nito at kung paano ang tamang pagbaril. Napapayakap na sya sa akin at nadidikit ang pisngi nya sa pisngi ko evertyime itatapat nya ang hawak kong baril sa target pero di ko nalang pinansin dahil alam kong  part yun ng pagtuturo nya sa akin.

           Matapos ng mga lessons ko ay dumiretso kami sa mansion, di na ako pinagrereport ni dad sa office magfocus nalang daw ako sa mga bago kong activities, pagdating sa bahay ay naiisip ko parin ang tanong ni Drex at speaking of Drex andito parin sya sa bahay ayaw syang paalisin ni mommy at nakaupo sya sa sofa ako naman agad akong dumiretso sa piano ko na nasa gitna ng mansion naming. Kapag stress ako tumutugtog ako stress reliever ko na to eh!

         Nag-umpisa akong pindutin ang piano at feeling nakawala lahat ng stress ko ang sarap sa pakiramdam, nakakagaang

“canon in D”

    I heard drex’s voice kaya napahinto ako

“bakit ka huminto? Ituloy mo lang alam kong stress reliever mo yan! I’ll just listen!”

Nakangiti nyang sabi. Tsk! Kabisado nya parin ako ganun? baliw ba sya? Di na ako ang Amber na pinagmukha nyang tanga so instead na ituloy ko ang canon in D na tinugtug ko ay tinugtug ko nalang ang for elisse, nakakainis ._. bakit ba di pa sya umuwi ano pa bang ginagawa nya dito

“nahatid mo na ako, ano pang kelangan mo?”

“youre answer!”

       Diretso nyang sabi kaya napatingin ako bigla sa kanya, yung tingin na parang papatayin ko na sya

“haha kidding amber, im still here coz’ im waiting your dad may pag-uusapan kami!”

“Mafia!”

Cold kong sabi at mukhang nashock sya sa sinabi ko

“what?”

“I said mafia, now tell me pano naengaged ang pamilya ko sa mafia at ikaw?” tanong ko sa kanya habang unti unti akong papalapit sa kanya

“Di ako ang dapat na magsabi sayo nyan Amber, why don’t you ask your dad!”

“bakit ko pa sya hihintayin kung andito ka na naman, you ask me kung ano ang dapat mong gawin para mapatawad kita right?”

“yes”

Mabilis nyang sagot sa tanong ko

“then tell me, anong kinalaman ng pamilya ko sa mafiang narinig ko at anong kinalaman mo sa pamilya ko!”

Pinatong nya ang dalawa nyang kamay sa magkabila kong balikat at tiningnan ako ng diretso

“listen to me amber-“

 Pero bago pa sya natapos ay narinig ko ang boses ng dad ko

“drex kanina ka pa ba?”

   Napabitaw sa akin si Drex at agad na tumingin kay daddy

“no tito, kakarating lang din po namin”

       Niyaya na sya ni daddy sa office nito at ako eto, di ko parin nakukuha ang sagot na hinahanap ko. Bwiset naman e! Tumugtug nalang ako ulit at nang mapagod ay nagpalit na ako ng damit at napaalam na kila Min muna ako, punahatid naman ako sa driver papunta kila min, tamang tama naman dahil wala kaming class bukas dahil aayusin daw yung school naming at buong araw ang gagamitin para matapos kaagad

“ganun kadami ang nabago sa life mo?”

       Gulat at di makapaniwalang tanong sa akin ni min habang nakaupo kami sa kama nya, nakwento ko na lahat sa kanya mula umpisa hanggang sa kanina

“at ano namang plano mo dun sa tanong ni Drex?”

“min galit ako sa kanya at bakit ako papayag na ligawan nya. Mamatay muna sya”

“teka nga friend diba nga bata pa kayo when he left at sabi nya sumusulat sya tinanong mo ba ang parents mo about dun sa letters? Baka naman natatanggap nila pero di mo nababasa!”

      Well may point si Min, paano nga kung ganoon ang nangyari? Paano kung tinatago lang pala nila sa akin ang lahat?

“as if naman may courage ako para gawin yun!”

“best mage eighteen ka na at kung tinago man nila yun sayo you have the right para malaman yun. Mamaya nyan sinusumpa mo si Drex for leaving you habang si Drex nagpapadala pala ng letters sayo at andun ang eksplanasyon sa lahat ng nangyari sa inyo. Alam mo yun!”

        Natauhan ako sa sinabi bi Min, kahit papaano ay gumana ang bright mind ng aking butihing bestfriend kaya pagkauwing pagkauwi ko kinabukasan ay agad kong hinanap si mommy pero dineny nya lang lahat. Pero baka naman wala talaga. Baka naman niloloko na naman ako ng Drex, pinapaasa, nagsisinungaling lang sya wala talaga syang sulat besides bakit naman magsisinungaling sa akin ang mommy ko.

             Mas may tiwala ako sa parents ko kesa sa taong nangiwan sa akin! Bakit ba kasi ako nagpadala sa mga sinabi ni Min e! Nakakaasar!

Entering His WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon