Paghinto pa lang ng sasakyan, alam kong pogi ang lalabas dun. At syempre hindi ako nagkamali, with that looks na masyado kong kinakikiligan. Haaaay, why so gwapo mahal?
Syempre dahil pilya ako, nagtago muna ako. Gusto ko lang sya panoodin maglakad, magsalita, tapos ngumiti tyaka magmukha na ding ewan sa kahahanap sa akin.
Ewan ko ba? Siguro nga ganun talaga pag mahal mo yung isang tao no? Kahit halos araw-araw ko naman na syang kasama hindi pa din ako nagsasawang titigan sya, panoodin sya tapos mahalin sya.
Ang swerte ko.
Sinuot nya ngayon yung binili kong polo sa kanya, ang gwapo talaga. Naging favorite na din daw nya yun eh. Jusko! Tapos maong na pants, tyaka rubber shoes at yung pangmalakasan nyang Supreme na beltbag na hindi naman nakalagay sa bewang kundi sa dibdib.
"Nasan ka na ba?" tanong nya sa akin mula sa kabilang linya.
Mga 15 mins na kaming nagtataguan, naka kunot na sya ng noo. At senyales na yun na naiinis na sya, pero hindi naman nya ako magagawang iwan. Mahalagang okasyon kaya saming dalawa 'to.
"Wait, malapit na!" sabi ko sa kanya.
Pinatay ko muna yung tawag saka ko kinuha yung binayaran kong bulaklak. Bakit maganda lang ba ang nakakatanggap ng bulaklak? Pwede din naman yung kasing pogi nya di'ba?
"Pogi!" tawag ko sa kanya.
Lumingon lingon pa sya sa paligid, saka ako lumitaw sa gilid nya na may dalang isang boquet na red roses.
Hindi ko mabasa yung expression nya, kung maiinis ba? o magagalit? o mahihiya? o kinikilig. Iniabot ko sa kanya yung regalo ko tapos niyakap ko sya.
"Happy Anniversary Mahal ko." bati ko sa kanya habang yakap ko lang sya.
Bukod sa gwapo na sya, ang bango-bango pa. Pwede po bang dito na lang ako tumira ha?
Wala akong pake sa dami ng taong nakaka kita sa amin sa mall, di ba ganun naman talaga kapag mahal mo isigaw mo ng tama. Well, kahit mali isisigaw ko pa din kasi mahal na mahal ko sya.
"Para kang sira," yun lang ang narinig ko sa kanya, tapos niyakap na lang din nya ako. "Happy Anniversary Love."
Hindi ko alam kung anong problema sa amin ni Tadhana, bakit ngayon lang nya ibinigay sa amin ang pagkakataong mahalin ang isa't isa ng walang hahadlang na ibang tao? Ganun ba kasi kasi na compatible na pati Universe mahihiya kasi hindi na kami mapaghihiwalay? Sorry, soulmate ko 'to eh.
"Hawakan mo yan," pagpupumilit ko sa kanya. "Regalo ko yan sayo eh,"
Pilit nyang isinosoli yung bulaklak sa akin kasi mas bagay daw yun sa akin, well ayoko. Sorry na Mahal. Naiilang sya alam ko, hindi ko alam kung hindi sya sanay o dahil sya lang talaga ang nagbibigay ng ganitong bagay sa mga babae nya noon.
"Tigilan mo ako ah?" pagmamaldita ko sa kanya, habang nakapila kami sa sinehan. "Sayo yan, ako ang nagbigay. Para sayo!"
Napakamot na lang sya ng ulo, kasi pag nagmaldita naman ako hindi naman na sya pumapalag. Ako pa? Spoiled ako sa kanya, pero hindi lagi. Minsan lang, lalo na pagdating sa mga bagay na dapat naman talagang sa kanya.
Paglabas namin ng sinehan, hinawakan ko agad ang kamay niya saka kami naglakad palabas sa mall. Hindi na kami tumuloy sa paborito naming kainan dahil sya naman daw ang may inihandang surpresa sa akin.
Pagdating namin sa bahay, may set up na candle light sa gitna. Madaming kalat ng petal ng bulaklak mula pintuan hanggang dun sa table. Tapos madaming candles na sinindihan sa buong bahay.
"Wow naman," natatawa kong puri sa effort nya at ng mga kasabwat. "Infairness ah, ang galing talaga magkalat ng mga kasabwat mo!"
Natatawa na lang din sya sa sinabi ko, kasi kilala ko din naman kung sino sino ang kasabwat nya. Pinaupo nya ako sa upuan, tapos kumuha sya ng dalawang wine glass tyaka nilagyan ng wine.
Kahit magulo na yung buhok nya, ewan, nagayuma lang yata talaga ako nitong mokong na 'to. Araw araw ko pa din kasing itinatanong sa sarili ko, bakit ngayon lang? Edi sana matagal na kaming masaya, edi sana hindi na kami nagsayang ng panahon sa iba, kung ang ending kami lang din naman talagang dalawa di ba?
"Love, do you still remember?" tanong niya sa akin saka naupo sa tapat kong upuan.
That smile, yung ngiti at mata nya na magkakambal yata kasi parehas may sparkle. Kinikilig na naman ako, pambihira naman Madeline.
Natatawa akong uminom ng red wine, "Alin? Kung gaano ka katorpe?" tanong ko sa kanya matapos kong uminom.
Ewan kong natatawa lang din sya sa naaalala nya, o dahil sa sinabi kong torpe sya. "Ang yabang naman, hindi ako torpe."
"Tigilan mo ako mahal, ilang beses mo ng inamin yun." sabi ko sa kanya. "Tapos ngayon babawiin mo?"
Ganito nga siguro kapag natagpuan mo yung soulmate mo no? Wala kayong ibang gagawin kundi tawanan ang mga bagay na ginawa nyo noon kesa pag awayan?
"That night, sasabihin ko naman na kasi dapat talaga yun." sabi nya sa akin, "naunahan lang talaga ako ng kaba!"
"Yeah, I know!" sabi ko."Alam mo?" tanong niya sa akin. "Bakit hind na lang ikaw nagsabi?"
"Baliw!" sagot ko sa kanya. "Panong hindi ko malalaman, dis-oras yun ng gabi tapos tatawag ka para kumustahin ako? Tyaka hello, babae ako!"
Noon kasi mga bata pa kami, magkakilala na kaming dalawa. May mga pagkakataong alam naming dalawa, pero sadyang hindi lang pinagtutugma. Hanggang sa hindi na nga kami pinagbigyan ng tadhana dahil sa tuwing magtatagpo ang landas namin at sinusubukan na baka naman pwede na, pero sinusupla pa din talaga ng 'hindi pwede.'
"Oo na," sabi nyang napipilitan pa. "Halos ilang beses ko namang sinubukan ah, pero wala talaga!"
"Dumaan pa tayo sa iba't ibang pagkakataon at tao," sagot ko na lang din sa kanya. "Pero look at us now, wala naman tayong magawa kundi tawanan ang lahat ng kapalpakan natin sa buhay."
"Salamat na lang din kasi pinagbigyan na tayo," nakangiti niyang sabi sa akin. "Salamat love, pumayag ka pa din." saka niya hinawakan ang kamay ko.
I hold her hands tight too, were both wearing our promise ring. Matutupad din ang pangarap kong makasal sa kanya, sa isip-isip ko habang nilalaro ng thumb ko yung singsing din nya.
Is this what they call home?
"I love you Rowan," sabi ko sa kanya straight sa mata nya, para naman kiligin sya ng konti. "as wide as the sky!"
continue ko pa?? :D
-MaNiLa 4/18/2020 10:43am