Puyat! 'yan si Athena! Lagi naman! Magtaka kayo kung maaga siyang natulog! Napaungol siya ng marining niya ang cellphone niya na ring ng ring. Kanina pa ito tumutunog pero hinahayaan lang niya ito. Gusto pa niyang matulog.
Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng kalampag ng pinto.
"Uggghhh!"
"Athena! Gumising ka na diyan!!! May naghahanap sayo dito sa labas!!!" Sigaw ng nanay niya sa kanya!
Sino naman kayang naghahanap sakin? Isip-isip niya.
"Ano ba Athena andito si Fr. John!" Muling bulyaw sa kanya ng nanay niya.
"SHIT!" Napamura siyang bigla ng maalala na may usapan nga pala sila ng kaibigan niyang pari na sasamahan niya ito sa kasal niya sa Nasugbu. Dali-dali siyang bumangon. Halos mahulog na siya sa kama niya.
"Gising na po! Saglit lang po!" Sigaw niyang pabalik sa nanay niya. Nagmamadali siyang naligo, buti na lamang at naihanda na niya ang susuotin niya para ngayong araw na ito. Isa itong pink fitted floral dress. Tinernohan niya ito ng sandals na may silver straps na may design na seahorse na may makikintab na diyamante at may pink din na outline.
Cute! Ito ang deskripsyon para sa suot niyang sandals. Noong nakita niya ito sa mall ay hindi siya pumayag na hindi niya ito mabili. Gustong gusto niya talaga ang sandals na ito.
Kita ang hubog ng kanyang katawan na hindi maikakaila na pinagpala ito pero hindi naman bastos tignan. Nag lagay lang siya ng pulbos, mascara at lipstick. Inayos din niya ang kanyang kilay. Nag blower na din siya ng buhok at naglagay ng clip sa kanyang ulo. Pagkatapos niyang mag ayos ay bumaba na siya agad. Alam niyang mainipin ang nag-hihintay sa kanya.
"Bless po!" bati niya sa kaibigan niyang pari.
"Bless you! Naku Thena! Kung di pa gigisingin eh! Tara na! Late na tao. Sige po una na kami!"
"Sige po! Pagpasensiyahan niyo na ang anak kong yan! Ingat po kayo!" Sabi naman ng nanay niya!
"Bye Nay!" Sigaw ni Athena sa kanyang nanay bago sumakay ng sasakyan.
Kasalukuyan nilang tinatahak ang daan patungong Nasugbu. Ang kasama niyang pari ay matagal na niyang kakilala. Simula pa lamang ng siya ay highschool ay kilala na niya ito. Siya ang naging Spiritual Director nila sa samahan nila noon sa simbahan. Mabait ito at generous. Bata pa ito, nasa mid 30s pa lamang ito at matipuno.
Hindi maikakaila ang paghanga niya sa kaibigang pari dahil sa bokasyon nito. Mayroon itong motto na give forward imbes na give back. Ibig sabihin ay pag tinulungan ka noong wala ka pa ay tumulong ka naman sa iba pag nakaluwag ka na.
Naging mabilis lamang ang biyahe nila papuntang Cale Ruega sa Nasugbu. Hindi ito ang unang beses na isinama siya ng kaibigan ang katunayan nito ay lagi siyang isinasama pati narin ang iba pa nitong mga kaibigan. Hindi ito nagsasama ng iisa lamang, ang dahilan nito ay para iwas sa issue. Tama nga naman ito. Mahirap na baka mamaya ay pinag-tsitsismisan na siya kahit wala itong ginagawang masama.
"Ako lang po ang kasama niyo?" tanog ni Athena kay Fr. John. Nagtataka kasi siya dahil wala na silang ibang dinaanan.
"Oo, hindi raw makakasama si Hera nasa Manila daw siya. Pati na rin si Artemis, may trabaho daw." Paliwanag sa kanya ng kaibigan. Sina Hera at Artemis ay naging kaibigan na din niya dahil ni Fr. John. Nakilala niya dahil minsan ay sila sila din ang isinasama.
"Aahh.. Kaya pala!" Sagot nama nito.
"Gatecrasher ka na naman! Hahaha!" Biro sa kanya ng pari.
"Aba, kayo po eh!" sagot nito pabalik sabay dila.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na din sila sa Cale Ruega. Sobra siyang namangha, hindi niya akalain na sa tagal ng panahon na hindi siya nakapunta dito ay mas lalo pa itong gumanda. Todo ang picture niya sa mga halaman na mistulang mga plastic sa ganda. Gawang-gawa ito.
"Ang ganda!" bulalas niya na ikinalingon naman ng pari sa kanya.
"Nakapunta ka na dito hindi ba?" takang tanong sa kanya ng pari.
"Nakapunta na po pero ang ganda talaga!" Halos kuminang ang mga mata niyang sabi sa pari. Ito ang isa sa mga nagustuhan sa kanya ng kaibigan, hindi ito maarte at isip-bata. Pero pag nagseryoso ay mapapanganga ka na lamang sa mga salitang lumalabas sa bibig nito, parang isang matanda ang kausap mo.
"Mag-ikot ka muna diyan pag nagmisa ako! Sandali lang naman iyon, mga 45 mins tapos na. English yun kaya madali!" sabi sa kanya ng kaibigan nito.
"Madali kase mamadaliin niyo dahil wala na kayong baong English! Hahaha!" sabay tawa pa nito. Tumawa din ang pari na kausap nito pagkatapos ay tinalikuran na siya.
Nag-ikot ikot siya sa paligid. Ninanamnam ang katahimikan at ganda ng lugar.
Parang ang sarap tumira dito. Sabi niya sa sarili niya. Kung dito din kaya ako magpakasal? Bobo mo talaga Athena Kendi! Wala ka ngang boyfriend, ni manliligaw, kasal agad? tsktsk! Malala ka na talaga! Pati sarili mo kinakausap mo na! Well palagi ko naman ginagawa to. Naupo siya sa isa sa mga benches doon. Napabuntong hininga! Sana ganito na lang lagi katahimik at kapayapa ang buhay ko. Ang sarap tumira dito! Napangiti naman siya, isang magandang ngiti.
Di rin nagtagal ay bumalik na siya sa chapel kung saan nagaganap ang seremonyas ng kasal. At sobra siyang humanga sa Choir na kumakanta doon. Mga bata pa ang mga ito. Choir din siya pero alam niya sa sarili niyang di sila kasing galing ng mga batang ito. Kasalukuyang kumakanta ang mga ito ng All of Me ni John Legend na ngayon ay sikat na sikat na kanta.
WOW! Mangha niyang sabi sa sarili niya!
Hindi rin nagtagal at natapos na din ang kasalang naganap. Bakit siya naka-dress? Kasi kasama sila sa reception! Kakain sila!
BINABASA MO ANG
that gate crasher
Romanceit was just a deal with my friends and then i get myself into dealing with her instead.