Em Em POV
First day ko ito ngayon as a college student , Medyo kinakabahan ako syempre iba nato sa Senior Highschool this is it last na tong stage sa pag aaral.
Pakilala ko muna Sarili ko, btw Iam Jay-em Montes or Em Em tawag nila sakin . BSHM ang course na kinuha ko ngayon college para konektado sa strand ko nung SHS ako which is Culinary Arts.
Marunong ba akong magluto? Hinde. Wala na kase akong choice nung SHS ako kase late enrollee ako dahil lumipat kame ng bahay ni papa. Ok lang den naman ang course ko kase di naman sya naka focus sa luto lang more in Hospitality Industry, so its a matter of acceptance nalang heheSo back to reality , Kaka pasok ko lang sa gate at ang dami naming freshies , at yung iba hinde naman fresh charot syempre wag tayong manlait ng kapwa kase bad yun sabe ni papa Jesus.
So kapag college naman e di na required mag uniform kaya kanya kanya sila Fashion Show dito sa school . depende nalang siguro sa course if may sarili kayong uniform like, Tourism , Nursing at kame na may kitchen Uniform na susuot lang namin syempre every time na may laboratory kame .
Ang lawak nitong school grounds , Di naman sa pag mamayabang isa ito sa mga Magagandang school dito sa Pilipinas , syempre mahal ang tuition e .
Bali ang kasama ko nalang samin ay ang papa ko which is nag wowork sa company ng kung ano man every night naman sya umuuwe kaya nag kikita pa kame . Si Mommy nasa Canada kasama si Kuya dun naman sila nag wowork yearly umuuwe sila to visit samen ni papa . Ako nalang naman nag aaral samen kaya di na sila nahihirapan na bayad ung tuition ko hahahahaha
Naglalakad ako sa school grounds para mag libot libot kase wala pa talaga kong kakilala yung mga kaibigan ko iba iba kame ng school na pinasukan base sa mga courses namin thats life talaga need to separate lalo na pag kailangan but we still keep in touch lalo na pag may mahalagang event sa buhay namin.
Ang daming booth kase first day e, may oras pa naman ako mag libot kase mamaya pang 9am ang klase ko , at mag 8am palang. Maaga akong pumunta talaga ng school para makapag libot libot .
Ang gaganda naman ng mga booth nato pero syempre ayoko ng makisingit pa nakakahiya naman.
" Uy miss dito ka may free keychain kame " sabe saken ni ate na nag aalok ng kung ano ano. At tinawag nya akong miss .
Ay sabihin ko lang pala hehe yes Iam gay. and muka akong babae? Sabi nila nakuha ko kase sa mommy ko yung maliit na muka ang yung skin tone nya na maputi at di naman din ako ganoong katangkadan . Pero di ako nag dress as girl di kase ako komportable dun and di den mahaba buhok ko. parang mid length lang sya korean hairstyle na humaba ng konti ganun. Maliit den ilong ko kaya peyborit kurutin ng mga kaibigan ko dati . Di ko masabi na maganda ko? or more likely cute ganun siguro lagi ako nakakatanggap ng compliment na ganun.
" wow ang cute naman " sabe ko sa babae na nag aalok saken ng keychain na pakwan na merong muka . I find it cute kase at mahilig ako sa pakwan lalo na pag malamig huhuhu
" Mas cute ka " Sabe nung lalaki na kasama nila .
Nag blush ako dun hahahaha kaya napa yuko nalang ako at nag sabi ng thank you .
" Freshmen kaba? Pahabol na tanong ni kuya saken
" Opo " sagot ko
" Ah anong course mo? " tanong naman nya
" BSHM po"
" Ay nicee! Parehas tayo ng department dun yun building naten " Turo nya at agad ko naman nilingon .
" Kapag talaga sa course naten required na may itsura no. bawal panget sa course naten e hahahahahahaha joke " biro nya
well totoo naman sinabe ni kuya kase gwapo sya e at matangkad pa." Btw ano pala name mo" tanong nya
" Em em po" Sagot ko nalang
" Hi Em Em ako si Josh at eto naman si Jenny" Turo nya sa babae na nag alok saken ng keychain.
" Ay hello po" kaway ko naman .
" Thank you po dito " Pasalamat ko sakanila at ngumiti nalang bago umalis at mag patuloy ng lakad." Ok See u " Sagot ni Josh
-------
Nakakatuwa kase back to school na. Nakakamiss den kase yung pumapasok sa school .
Naglalakad nako para hanapin yung room namin kase mag 9am na . Kumain lang ako kanina sa canteen namin at dumeretso na sa building namin at nag hanap ng room .
Ah okay eto na yung room namin. Room 201 nakakapagod den kase mag lakad at ang init sa labas . Dito nako sa room namin kase may aircon.
May mga ilang kaklase ko na ang nauna dito sa room namin konti palang naman siguro mga nasa 8 palang kame tao dito.
Dahan dahan akong umupo sa bakante upuan medyo malayo sa kanil kase nakakahiya baka sabihen feeling close ako .
May 3 babae na magkakasama sa bandang gitna tas 4 na lalaki sa dulo.
Nag dadaldalan lang sila ganyan pero di naman sobrang maingay.Yung apat na lalaki naman medyo nag tatawanan kase nag lalaro ata sila ng games sa phone nila.
Ako naman naupo nalang at nag suot ng airpods at nakinig nalang ng kanta .
"Cause im not gonna be the one to get hurt " ~~~ NewJeans - Hurt Mahilig ako sa kpop . Sa mga di naman nakikinig try nyo pakinggan kanta nila R&B style at di maingay pakinggan good choice sa mga nag eexplore ng kanta. Nag promote bigla hahaha
Diko namalayan na dumadami na pala yung mga nagpapasukan sa room namin. base sa sched na binigay samen 30 kame sakto sa room 15 Males 15 Females.
At may katabi na nga ako ng di ko manlang alam .Lumipas pa ang ilang minuto nakumpleto na kame sa room at saktong 9am pumasok na yung prof namin . Babae sya muka syang bata .
" Hi Class Goodmorning, Iam Ms. Alyana Dela Cruz , I Will be your Adviser this Sem and your prof in International Cuisine 1 . Also im 28Yrs. old im new here in this school , I graduated at ****** In the course of Tourism and Management. "
Pakilala nya samen with a smile , mahahalata mo sakanya ang pagiging tourism graduate dahil sa postura nya magandang ngiti at mahinhin na kilos." I also want you guys to introduce yourself here in the front and why this course is your choice. " dagdag pa niya.
At nagsimula na nga magpakilala ang lahat isa isa. Ok lang saken mag pakilala sa harap sanay na ko dyan lagi nalang ba naman kaya wala ng rason para mahiya at isa pa college na tayo.
" Ok ikaw naman uhmm Mr. or Ms.?? Im sorry ikaw na naka kulay brown na oversized. " Turo saken ni Maam. At tinawag nako" Hello Maam and classmates good day. Iam Jay-em Montes or pede naman Emem nalang tawag nyo saken and kaya kopo ito tinake na course dahil feeling ko po ma eenjoy ko ang field na to. "
Simpleng sagot ko dahil ayoko naman sabihen na dahil po na late ako ng enroll nung SHS kaya wala nako choice na kunin yung course na to. Pero feeling ko naman matututunan kong mahalin tong course nato.
" Sorry Maam Im late " Biglang may boses na nagsalita galing sa pinto . Napatingin ang buong klase sakanya.
At pag lingon ko. Shems nalaglag panty ko kahit nakabaligtad . Charot ang gwapo nya maputi, mapungay mata makapal ang kilay, at tamang toned ng katawan lang .at gwapo den ng boses nya kaso medyo mukang suplado sya.
" Ok dahil sakto tapos na den tong si Mr.?? Montes imm sorry can i ask .." pag aalinlangan na tanong ni maam saken
" Yes maam Iam gay po and my pronoun is He/Him " Sabay ngiti at lakad pabalik sa upuan . Although im gay i like padin na ganun ang pronoun ko kase wala naman talagang kaso saken yun.
" Ohhh Okay Thank you Mr. Montes ikaw naman magpakilala Mr. Late Guy" sabi naman ni Maam.
YOU ARE READING
HE IS A GAMER
Humor" Please go here to pick up my dog tags" " The Airdrop is Coming " Tingnan natin kung saan aabot ang Love Story ng ating cute na bidang si Em Em at ang Typical Gamer Boy na si Fred . It is a Boyxboy love story!