Prologue.
Before I fall inlove, gusto ko mapatunayan kung may forever pa ba talaga.
Sa panahon kasi ngayon pati forever may expiration date na parang nagpapa-unli ka lang sa cellphone tapos bukas o sa makalawa expired na.
Hindi parang ulam, na kapag sawa ka na eh basta basta mo na lang pababayaan na lang at hinahayaang mapanis.
Gusto ko before I fall inlove, I want to be sure of the guy I'll love.
Gusto ko siya na ang una at huli ko.
Ayoko yung "boypren-boypren" lang.
Gusto ko siya na yung siguradong mamahalin talaga ako at makakasama ko habang buhay.
Pero paano pa ako ma-iinlove kung sa una pa lang takot na kong sumubok at mahulog?
Nakakatakot masaktan, hindi ko ata kaya..