The New Beginning

9 2 0
                                    

Nalaman ng mga kamag-anak ni Burato na nanalo sya sa lotto. Agad silang nagplano ng masama laban sa kanya para makuha nila ang pera at mga ari-arian nya. Isang araw lumabas sya ng bahay. May dalawang lalaki na lumapit sa kanya. Tinanong kung sya ba si Burato. Pinilit syang isama ng dalawang lalaki. Kaya napilitan syang I-throw yung dalawa. Tsaka sya pumasok sa bahay para kumuha ng baril. Paglabas nya ay may pangatlong lalaki na sumunod sa kanya kaya binaril nya ito pagpasok nito sa gate. Namatay ang dalawang lalaki na naithrow ni Burato. Samantalang nakaligtas naman yung nabaril nya dahil sa tyan lang ito tinamaan ng 9mm na baril ni Burato. Dahil nabigo silang dukutin si Burato, nag-isip sila ng panibagong plano. Sa pagkakataong ito ay mukang magtatagumpay sila. Naisipan nilang takutin ang nanay ni Burato. Binantaan nila ito na papatayin nila ang buong pamilya nila kapag hindi sya sumunod sa mga iuutos ng mga kamag-anak nila. Ang mga kamag-anak nila ay ang dalawang tita ni Burato. Mga kapatid ng nanay nya. Nakipagsabwatan din sila sa isang pastor sa church nila Burato. Pagkalipas ng ilang araw ay nakipagusap ang pastor na si Paul kay Burato. Tinanong nito kung may-alam syang condo unit na pinapaupahan. Nagmagandang loob naman si Burato. Sinabi nya na doon nalang sila tumira sa condo unit nya. At wag na silang umupa. Kaya tumira nga si Paul at ang kanyang pamilya sa condo unit ni Burato. Pero naiwan doon ang ilang mahalagang bagay na pagmamay-ari ni Burato. Isang araw ay nagpunta si Burato sa condo unit nya. Pero ayaw na syang papasukin ni Paul. Ang sabi nito sa kanya ay hindi na kay Burato ang condo unit. Sa kanya na daw ito. Pero sabi ni Burato paano nangyari yon eh hindi naman nya binibigay o binebenta sa kanya ang condo unit. Basta daw. Sa kanya na ito. At wala na ang mga gamit ni Burato sa loob ng unit. Kaya umalis nalang si Burato at nagpunta agad sa bangko. Pagdating nya sa bangko chineck agad ni Burato ang kanyang mga account pero sarado na daw ito dahil patay na daw ang may-ari. At pinag-iingat sila sa impostor. Kaya tinanong ni Burato ang nanay nya para malaman nya kung ano ba ang dapat gawin. Pero ang sabi nito sa kanya ay wala na syang magagawa dahil kinuha na daw nya ang lahat ng pera ni Burato at ibinigay na ito sa mga tita nya. Kinwento nito sa kay Burato na tinakot sya ng dalawa para gawin ito. At ngayon nanganganib daw sya na makulong kapag nalaman ng bangko na peke ang mga papeles na sinubmit nila sa tulong ng abogado para makuha ang pera ni Burato. Sa madaling salita. Pinalabas nilang patay na si Burato sa tulong ng abogado at ng mga pekeng dokumento para makuha nila ang pera nito. Kaya ang sabi ni Burato ay bukas na bukas din ay pupunta sya sa bangko para sabihin ang totoo. At pupunta sya sa pulis para magdemanda. Pero habang natutulog si Burato ay may pumasok na mga lalaki sa kwarto nya. Pinosasan sya ng mga ito at isinakay sa ambulansya. Dinala sya ng mga ito sa isang bahay. Isa pala itong home care center at mga paramedic pala ang mga lalaki. Pinalabas naman ng mga tita ni Burato na nanabaliw ito kaya sya dinala sa home care center. Nakipagkutsabahan din sila sa isang psychiatrist para magawa ang mga planong ito. Kahit sabihin ni Burato sa namamahalang ng home care ang totoong nangyari ay hindi sya pinaniniwalaan nito at nakikita nyang pinagtatawanan lang sya ng mga nurse at staff ng home care. Binalak nyang tumakas pero naisip nya na kapag ginawa nya yon ay lalo lang syang malilintikan. Dahil siguradong kapag nagtangka syang tumakas ay makakapatay sya ng bantay sa home care. Siguradong kayang pumatay ni Burato dahil ilang beses na nya itong nagawa. Kaya naghintay nalang sya na palabasin sya. Pero lumipas ang ilang linggo at wala paring nangyayari. Hanggang lumipas ang ilang buwan. Pero hindi parin sya nakakalabas. Pinalabas lang sya noong nakipagkasundo sya na hindi na sya magsusumbong sa mga pulis. At kakalimutan na ang mga nangyari. Dahil kung hindi, ay dadalin na nila sya sa mental hospital. At malamang na mahirapan na syang makalabas doon. Kaya walang nagawa si Burato kundi sumunod. Pinapainom din sya ng mga gamot similula ng pumasok sya sa home care. Kaya dapat daw nyang ituloy ang pag-inom nito sabi sa kanya ng tita nya. Kahit paso na ang reseta. Kung ayaw daw nyang mapunta sa mental hospital. Ngayon, sumali nalang si Burato sa networking company. Hindi na kasi sya makapagtrabaho ng normal. Pero hindi ginagalingan ni Burato sa networking. Gusto nya na sakto lang sa pangangailangan ang kitain nya dahil baka kunin na naman ng mga tita nya ang pera at ari-arian nya. Katulad ng nangyari dati sa pera at sa condo unit nya na binigay kay pastor Paul bilang reward sa pakikipagsabwatan nito sa mga tita nya. Bumagsak man si Burato ay pilit parin sya babagon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Burato 3 New Beginning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon