<99> DNA Results

44 3 0
                                    

Maira's POV

Dumating na ang pinakahinihintay na araw ng mga grade 10 students na kagaya ko. February 8 na, ang foundation day ng Memorial High. Ngayon din gaganapin ang JS Prom namin. Kaya naman todo prepare kaming mga kababaihan para mamaya. 

"Hoy anong mas magandang style ng buhok kulot o straight?" nagpapanic na tanong ni Jade sa aming tatlo. 

Nandito sila Jade, Scian, at Jace sa kwarto ng bahay namin ni Mommy. Hindi na naman kami pinapasok, lahat naman ng grade 10 eh. Binigyan kasi kami ng time para mag-ayos. 4:45 pm dapat nandoon na kami sa school dahil 5 pm ang simula ng Prom namin. Walang end time, kung gusto mo na umuwi edi go! Kapag ayaw mo pa, edi stay! Ganoon lang kasimple. 

"Di mo na naman kelangang mag-ayos ng buhok, ayos na ayos ka na sa paningin ng James mo" pang-aasar ni Scian dito. 

"Oo nga I agree ate, kahit pa nga basahan ang suotin mo okay na okay lang sa boyfie mo" panggagatong ni Jace. 

"Sinong tangang magsusuot ng basahan sa JS Prom?" pambabara ni Jade sa kapatid. Nagtawanan naman kami sa pinagsasabi ni Jade. 

Mukhang nahawa na siya sa boyfriend niya.

"At isa pa hindi ako nag-aayos para sa kanya, gusto kong disente ako tinggnan sa Prom! At hindi ko siya boyfriend!" pagtanggi niya pa sa katotohanan. 

"Sinong pinagloloko mo?" malokong singit ko sa pag-uusap nila. 

"Talaga naman ah!" pagtanggi niya muli. 

"Eh mag-ano kayo?" tanong naman ni Scian at kunwaring sinasakyan si Jade. 

"Hindi kami magkaano-ano" tugon nito. 

"Baka naman wala pang label kaya hindi niya alam kung magkaano-ano sila" sabat ni Jace. 

"Ay tumpak" 

"Bingo" 

"Kaululan" 

Magkaiba-ibang reaksyon namin sa sinabi ni Jace. 

"Makes sense" patango tango pang saad ni Jace. 

"Oh siya dapat ngang magpaganda ka! Baka mamaya magkalabel na kayo!" tuwang tuwa na sambit ni Scian. 

"Label his face" pagtataray ni Jade kaya naman kami ay sabay sabay na pumalakpak. 

"Amazing!" puna pa naming lahat. 

"Anong pinapalakpakan nyo? Para kayong mga tanga" 

"Ngayon ka lang nag-english na hindi mali ang grammar ate!" pagsagot ni Jace sa kakambal at patuloy na pumapalakpak. 

"Kakaiba talaga ang isang Jade" ani Scian at pumapalakpak padin. 

"Oh ikaw bakit ka pumapalakpak?" tanong naman sa'kin ni Jade. 

"Huh? Ako pumapalakpak? Hindi kaya!" pagtanggi ko kasi totoo naman. 

"Eh ano yang ginagawa mo? Sumusuntok?" sarcastic na tugon nito at itinuro padin ang mga kamay ko. 

"Pumapatay ako ng lamok Jade! Wag kang assuming! Ganito talaga pumatay ng mga lamok ang mga magaganda" pagsagot ko sa kanya. 

"Bakit hindi namin alam yun?" sabay sabay nilang tanong pabalik sa akin. 

"Kasi hindi kayo maganda!" 

****

Dahil hindi pa dumadating ang mga gown namin sa bahay, napagpasyahan muna naming magshopping sa pinakamalapit na mall. Wala lang bonding moments lang naming apat. Mahaba pa'din naman ang oras. Magtatanghali pa lang kaya! 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon