Epilogue

118 7 0
                                    

Kung di pa kayo nakakain, kumain na kayo.Gawin na ang dapat gawin kasi isa itong napakahabang chapter :)

Binalaan na kita bahala ka na sa buhay mo. 

Enjoy reading <3

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

9 years later.

"Ma'am Severano nandito na po ang nakararami, sisimulan na po ba?" rinig na tanong ni Shamaira sa labas ng opisina. 

"Wait lang po ah, hihintayin ko lang po si Mommy" magalang na tugon ni Shamaira sa kumakatok sa opisinang kinatatayuan niya ngayon. 

"Masusunod po ma'am Maira" tugon din pabalik ng organizer ng event na ito bago umalis para ibalita sa mga kasamahan ang desisyon ni Shamaira. 

"Mommy naman, asan ka na ba?" naiinip na bulong nito sa sarili habang kinocontact ang ina. 

[Nasa may gate na'ko 3 minutes nandiyan na din ako] kaagad na bungad ng kanyang ina pagkatapos sagutin ang tawag. 

Hindi na nakaimik pa pabalik si Maira dahil agad na siyang binabaan ng ina siguro dahil sa ngamamadali na ito. 

Ilang minuto makalipas ay may narinig siyang muling pagkatok sa opisina agad din namang bumukas iyon at iniluwa noon ang kanyang mga kaibigan sa halip na ang kanyang ina na inaasahan niya. 

"Hoy Princess Shamaira Severano anong klaseng mukha yan?" bungad na tanong ng kanyang kaibigan na si Jade. 

"Oo nga, bakit parang hindi ka masaya na nandito kami ha?" gatong pa ni Scian, isa pa sa kanyang mga kaibigan. 

Napailing naman si Maira dahil sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan niya. 

"I'm just expecting na si Mommy na ang dadating, kakausap ko lang kasi siya kanina" pagpapaliwanag niya sa dalawa. 

"Ahhh" sabay na tugon naman nina Scian at Jade. 

"At bakit naman hindi ako magiging masaya? Eh nandito na nga kayo eh!" pahabol niya pa. 

"Teka, nga pala bakit kami lang ni Scian ang nagkasalubong papunta dito? Nasan na yung kakambal ko?" nagtatakang tanong ni Jade at hinahanap pa niya si Jace sa loob ng opisina. 

"Oo nga, nasan na ang malditang yun?" dagdag pa ni Scian at nakihanap na din. 

"She's performing later, nakalimutan niyo na ba?" 

"Ayy oo nga pala! Kaya nga pala maagang umalis sa bahay kanina makikipagmeet up pa nga pala sa band members niya" sagot ni Jade at nakampante na kaagad ng maalala niya na ang lahat. 

"Ayy oo nga, kaya pala parang namukhaan ko kanina si Jace doon kasama yung bebe niya" pag-agree ni Scian. 

"Matanong ko lang Jade, bakit hindi ka sumali sa banda na yun? Mahilig ka din namang kumanta ah?" out of the blue na tanong ni Maira sa kaibigan. 

"Oo nga! Ang ganda kaya ng boses mo! Siguradong ipapasok ka'din naman ni Jace dun. Tapos yun parang twin goals!" pagchi-cheer up ni Scian kay Jade. 

"Hehe, mahilig akong kumanta pero mahiyain kasi ako eh. Ayoko magperform sa madaming tao di katulad ni Jace. Parang kung kakanta ako, dapat yung mga kakilala ko lang ang makakarinig" pagpapaliwanag ni Jade. 

"Pero sayang naman" pagpipilit pa ni Scian. 

"Huwag mo nang pilitin Scian, suportahan na lang natin si Jade sa mga desisyon niya" pagsasaway ni Maira. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon