SIV 1.

52 1 1
                                    

Ayan nanaman ang Valentines day, nagkalat ang mga couples.

Nagkalat ang mga #PumapagIbig!

Nagkalat ang mga lalaking may dalang rosas at tsokolate para sa mga minamahal nila.

AND I REALLY REALLY HATE IT!

"Hoy, Wag mo sabihing mag mu-mu-mukmok ka nalang diyan buong araw!" Sabi ng bestfriend kong si Shaina.

Kinuha ko yung unan at nagtalukbong ng kumot "Ayokong lumabas, Mabi-bwiset lang ako!"

"Hoy Joymee! Ikaw babae ka, Napaka bitter mo! Ampalaya day ba ngayon?" Sabi niya habang pilit inaalis yung kumot na nakatalukbong sakin.

Inalis ko yung kumot na nakatalukbong sakin at hinarap siya. "Porke may ka date ka lang, ganyan ka? Eh pano naman ako? Ako na single lang?! Pinapalabas mo ako ng bahay para makasama kita tapos iiwan mo din naman ako pag dumating na yung boyfriend mo! Edi kawawa ako? Ano nalang ang iisipin ng mga tao? Loner ako? Na sila may ka Holding Hands While Walking habang ako may Eating Food While Walking ALONE? Ano? Sumagot ka bestfriend! Sumag--"

*bogshhh!*

"Aray! Best! Bakit moko binato ng unan?!" Napahawak nalang ako sa parte ng ulo ko na binato ng unan.

"Dinaig mo pa ang ampalaya sa ka-bitteran!! Kung magiging ganyan ka forever, tatanda kang dalaga! Dyan ka na nga!" Binuksan niya ang pinto ng kwarto ko.

"Teka lang best!" Pag pigil ko sa kanya.

"Oh bakit?"

"WALANG FOREVER!!"

"Tangina mo!" Sabay labas niya ng pinto.

Sino ba kasi yung umimbento ng Valentines day na yan?! Makakatulong ba yan sa ekonomiya ng bansa? Makakapag pa-wala ba yan ng droga?! Hindi diba?! HINDEEEE!

Pumasok si Mama sa kwarto ko, "Anak, umuwi na si Shaina"

"Alam ko ma, pinalayas ko"

"Aba bakit naman?! Nag-away kayo?"

"Hindi po ma, joke lang. Hayaan na nya yun, may ka-date lang yun kaya umalis na" Naupo ako sa kama, at tumabi naman sakin si Mama.

"Ikaw, wala kang ka-date?"

Nagulat ako sa tanong ni Mama.

"Wala ma! Ayoko nun! Ang corny" Pagda-dahilan ko.

"Sus! Ang sabihin mo, wala lang nagkakagusto sayo kasi napakasungit mo!"

Aray ko naman! Kailangan talaga ipamukha?!

"Mama ba talaga kita? Sakit ma ha! Oo na, wala ng nagkakagusto sakin. Hindi ko naman kailangan yun, kaya ko namang mabuhay ng walang lovelife" napahinto ako sa pagsasalita at napatungo.

"Tsaka, sino nga ba naman kasi ang magkakagusto sa isang babaeng katulad ko? Masungit na, isip bata pa" malungkot kong sabi.

Totoo naman kasi, shempre kahit na ayokong magkaron ng lovelife, may part parin sakin na gusto ko. Honestly, na-iingit ako sa bestfriend ko dahil ang ganda ng lovelife niya.

Buti siya maganda ang lovelife, samantalang ako, maganda lang. Hays.

"Anak, mag bihis ka. May bisita tayo. Wag ka ng magmuk-mok diyan, maganda ka anak. Kamukha mo ako diba? Makakahanap ka rin ng True Love in God's perfect time. Basta't huwag magmamadali, pwede magkaron ng kasintahan, pero hanggang dun lang muna. Always put yourself first, love yourself more, darating din ang guy na deserve mo" Sabi ni mama sabay halik at labas ng kwarto.

Malas man ako sa pag-ibig, ang swerte ko naman na nagkaron ako ng Mama na isang katulad niya. Napakadaming wisdom words and advise! Grabe.

Anyways, magbibihis na ako dahil may bisita raw na darating.

NOTE:
-True Love in God's perfect time-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Shades Of ValentinesWhere stories live. Discover now