Warning: discrimination, violence
-<>-
"Gustong-gusto ko na hindi ka paniwalaan noong sinabi mo yun sa akin," panimula niya mula nang iginiya ko siya papunta sa hardin namin. Umupo kami na magkakaharap sa isa't-isa, ang mesang gawa sa rattan ang pumapagitna sa amin.
Nanatili akong tahimik para pakinggan ang kaibigan kong ikinuwento kung anong nangyari sa kanya sa mga panahong hindi kami nag-uusap. Hulyo na at huli kaming nagkausap ay noong Mayo pa. A lot happened at that time.
"Nalaman ni Papa ang ginawa ni Victor," huminga siya nang malalim bago nagpatuloy, "Kaya bago pa ako nakapagsabi sa kanya, kinansela na niya ang kasal," may namuong luha sa mga mata ng kaibigan ko at doon ko lang napansin ang pagod sa mga mata ni Isay at kung gaano kamaga ang mga mata niya dahil sa kakaiyak. Agad niyang tinabunan ang mga mata niya at sinubukang pakalmahin ang sarili.
"Ano bang pagkukulang ko sa kanya, Babing? Hindi ba sapat ang pagmamahal na binigay ko sa kanya noon pa? Anong meron sa ibang babae na wala ako? Naging mabuti naman ako sa kanya, di'ba?"
Napaawang ang bibig ko nang narinig ko siyang nagtanong 'non. Agad ko siyang dinaluhan at nilapit ang upuan ko sa tabi ni Isay, "Huwag kang magsabi ng ganyan, Isay. Hindi mo naman kasalanan ang nangyari," hinagod ko ang aking kamay sa likod niya.
She told me everything that happened on that month and her decision to move schools. Nasayangan ako kasi huling taon na namin pero naiintindihan ko naman kung bakit. Sabi niya'y para hindi na siya abalahin pa ni Victor kung may balak man ang lalaking magpakita pa kay Isay. Isa pa, maraming alaala si Isay sa unibersidad namin, mahirap yun na kalimutan kung magpapatuloy pa siyang pumunta roon.
"Tsaka, pasensya na, Babing. I have wronged you so much. Ang dami kong masasamang sinabi sa'yo pero hindi ko naisip na mabuti ang intensyon mo," aniya at kinuha ang mga kamay ko habang tinitignan ako sa mata.
Bumuntong-hininga ako, "Ayos lang naman yun. Ang importante, humingi ka ng tawad," her words did hurt alright but there's no point in being so hurt about it now. Gaya ng sabi ko, mabuti na lang at humingi siya ng tawad at natuto.
Nginitian ko siya, "Magiging maayos din ang lahat," dagdag ko.
"Ikaw, kamusta ka na?" tanong niya sa akin kaya kinalas ko na ang hawak niya sa akin at hinawakan ang kaliwang kamay ko.
"Mabuti naman. Wala namang gaanong nangyari," iniwas ko ang mga mata ko sa kanya at tinignan ang mga kalapit na rosas na nasa vase.
"Ano nga palang nangyari sa iyo roon sa Buluan? Hindi ka nagkwento," sabi ni Isay kaya tumingin ulit ako sa kanya, "Magkwento ka na!" ngayon ay nahaluan na ng saya ang boses niya.
BINABASA MO ANG
It Was Perfect (Flora Series #2)
Historical FictionA family reunion made Angela Samaña's family fly from Manila to Cabawan, Cebu that summer. Faced with a strange familiarity of the place, Angela makes a peculiar discovery about one of her possible past lives. Settled in and headphones on, Angela t...