craziest movie i've ever watched (one shot)

47 0 0
                                    

Sakit sa ulo…

Nakakastress…

Nakakapagod…

Nakakaubos ng luha…

Nakakaloka…

Nakakamatay…

Wait! Pakidelete nung last! Exaggerated naman ata masayado. Pero feeling ko ‘yan ang nakukuha sa love… feeling ko lang ha? Di ko pa naexperience to have a relationship eh pero ewan ko sa kokoti ko kung sang lupalop ng universe niya napulot ang mga thoughts na ‘yan. Siguro dun sa napapanood kong mga love stories sa t.v. hahaha! Si Mommy kasi, palaging nanunuod ng mga madramang you know, mga love stories na alam naman nating lahat, di nangyayari sa totoong buhay.

Puro lahat imagination.

Pero siguro, goodbye na muna ako sa mga thoughts na ganyan. Basta ang alam ko, waaaahhh!!! Ang gwapo niya… ang gwapo, gwapo, gwapo niya para sa…

“Miss Delsagno, would you like to answer my question?”

Hindi pa ako nakapag-iling o nakapagtango…

“ok. Here it goes…blah blah blah…”

Patay na! lahat napatingin sa ‘kin. Pag sinabi kong lahat, lahat talaga… as in… pati siya! My nerves! Nakakahiya pag hindi ko to nasagot. Baka maturn off siya.

At un nga! Dahil magaling ako, I answered the question but unfortunately… ang layo nung answer ko sa tamang sagot. Ano ba naman ang laman ng utak ko pagdating sa Geometry. Everybody in the world hates it. Exaggerated na naman? ALMOST everybody in the world hates it lang naman. Peace!

At siya naman ung “siya” ng intro ko. Si Zach. Kulang ang words sa dictionary para idescribe siya. Ayan na naman ako… exaggerating na naman. Hmm.. basta siya ung gwapo, charming, gentleman, matalino. Ung matalinong, alam mo un? Academic ung inaatupag at lalampa lampa sa sports… hahaha!

Sa kanya nalusaw lahat ng mga inborn thoughts na nakadikit sa ulo ko. Para bang siya ung matagal ko ng inaantay na manggagamot ng sakit kong ‘to. Hahaha!

Pero Malabo sigurong magkakaroon kami ng happy ending tulad sa mga movies na pinanonood ni Mommy. Kasi nga, Good boy siya na hindi alam ang salitang “ligaw” at ung salitang “girlfriend”. Alam mo ‘yun? Inosenti sa lahat ng bagay kaya naman para sa mga babae, FOR YOUR EYES ONLY siya. Hanggang asa nalang SILA. I mean, KAMI.

“Lianne…”

Mygaaawwwhhhdddd!!!!!!!! Ahem ahem! Lunok ng malalim…

“Uhmm. Ano un Zach?”

grabe, parang part of my speaking ung word na “uhmm” pagkausap ko siya.

“ung tshirt mong pinahiram sa ‘kin? Nadumihan ko eh.”

Ahh, un bang tshirt na pinahiram ko nung intramurals dahil napunit ung damit niya  nung nagtry siyang maglaro ng volleyball.

“ahh hindi. Ok lang. magaling naman ung labandera sa bahay eh. ano. Uhmm.”

Sabi ko nga dba… part na siya ng pagsasalita ko.

“zonrox lang katapat nun.”

Yowdiee!!! Nakompleto ko ung sentence ko sa harap niya

“hindi anne, eto oh. Sayo nalang tong tshirt ko. Exchange nalang tayo. Nakakahiya namang isauli kong sobrang dumi. Take it na.”

Grbe! Ung pawis ko, pumatak na sa sahig. wala na akong nagawa. Tumango na ako agad at kinuha yun. Nagsmile lang siya. Parang mahihimatay na ata ako nito!

And one time, kagrupo ko siya sa English activity namin. And since always open to others ung bahay namin (except thieves and murderers siyempre), dun na kami gagawa ng activity. Actually project un eh, movie making. Kaya ayun, sampu kami lahat. Dahil Christmas Break naman, no worries kami dahil marami pang time. Ganun naman dba tayo? Pag maraming time, chika chika muna and bondings. Treasure the time with each other nga dba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

craziest movie i've ever watched (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon