Nagising akong walang Adrian sa tabi ko. Nang bumaba ay kita kong nag-agahan ang dalawa at rinig na rinig ko ang tawa ng kababata niya.
“Oh? Kagigising mo lang din?” inaantok na tanong ni Ate Regine. Kinausap niya ako kagabi sa kwarto bago siya pumunta sa kwarto niya.
“Opo,” sagot ko. Gusto kong idagdag na hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakahintay kay Adrian na pumasok sa kwarto kahit na nagpaalam naman na siyang hindi siya matutulog sa kwarto namin.
Tumango siya. “Let’s have a breakfast,” aya niya. Alam kong nakita niya sa gilid ng mga mata niya ang nakikita ko pero pinili niya ang malayong pwesto sa dalawa.
“Let’s swim later, uuwi na naman tayo mamaya,” suggestion niya. Feel ko ay nagiging okay na siya sa akin kahit na hindi naman talaga siya nagsabi na hindi niya ako nagustuhan para sa pamangkin niya pero nakakatakot ‘yung una kong kitasa kaniya.
Tumango lang ako bilang sagot. Siya na ang nag-order para sa amin. Pagkatapos kumain ay umakyat na kami para magbihis. Pagbaba namin ay saka ring paglabas ng dalawa galing sa isang kwarto. Pero wala akong nakitang gulat sa mukha ng dalawa.
Parang maliligo rin ang dalawa dahil sa suot ng babae at naka-topless lang si Adrian.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanila ng pumasok sila sa elevator. Hindi ako sumunod sa kanila at naghintay na lang na makalabas si Ate Regine.
“Seriously? You’re wearing that kind of outfit? Maliligo tayo rito. We’re not going to church, now change,” sabi niya ng tingnan ang suot ko. Okay naman ang suot ko. Wala naman akong nakikitang mali rito.
Pinagtulukan niya ako papasok sa kwarto kaya wala akong nagawa at kuhanin ang card para mabuksan iyon.
“Let me choose your outfit, kaya ka napag-iiwanan,” sermon niya. Kinuha niya ang bag ko na maraming damit. Iyong mga binili niya.
“Try this one, this will look good on you, faster.”
Kinuha ang sinabi niya at pumasok na sa cr. Sumusuot naman ako ng mga revealing clothes kaya lang ay halos hindi ako comfortable kapag iyong ang sinusuot ko.
Napatingin ako sa kabuuan ko sa harap ng malaking salamin sa cr. Tama nga ang sinabi niya pero parang hindi ako makakaligo ng maayos dito dahil baka matanggal lang ito sa akin. Hindi kalakihan ang hinaharap ko pero masaya naman ako sa kung anong meron ako.
“You nailed it! Now let’s go. May ibubuga ka naman pala. You should start study about fashion,” komento niya ng makalabas ako.
Kinuha ko ang scarf na binili niya rin sa akin at binalot iyon sa katawan ko. Hindi naman siya nagreklamo at lumabas na. Wala siyang see-through dress na nakikita ko palagi sa mga pelikula. Siguro sanay na sanay na siya. Hindi naman daw siya model pero ang ganda ng katawan niya.
“Dito na lang ako,” sabi ko. Nasa buhangin lang ako sapat na para maabot ng dagat.
Nagulat na lang ako ng biglang liparin ng hangin ang scarf ko na nasa balikat ko. Lumalayo iyon sa akin. Gusto kong tawagin si Ate Regine pero nasa malalim parte na siya ng dagat.
Mas lumalayo pa ang scarf dahil sa hinihipan ito ng hangin papalayo. Wala akong choice at dahan dahang naglakad papunta kung nasaan ang scarf. Abot ang kaba ko ng nakitang mas lumayo pa ito. Abot hanggang leeg na ang dagat.
“Wait up, Miss, I will get it for you.”
Napatingin ako sa likuran ko ng may magsalita. Hinawakan niya ako sa kamay para hilahin para makabalik sa dalampasigan.
“Let me get it,” sabi niya ng nasa buhangin na ako. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa takot. Nakita kong mabilis lang niyang nakuha ang scarf ko at pumunta sa tabi ko.
“Are you okay?” hindi ako makatango sa tanong niya dahil nanginginig ako at parang nawalan ako ng boses sa ginawa ko.
“Breathe in, breathe out, relax yourself,” saad niya at hinawakan ang kamay ko.
“Fuck! Who told you to touch my wife?”
Hindi ko na narinig masyado ang sinabi ng lalaki dahil hinang hina ako at parang wala akong marinig.
“You are finally awake.”
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko pero pumikit din agad ng makita ang matalim na tingin ni Adrian sa akin.
“Open your eyes and eat,” malamig niyang sabi bago ko marinig ang pagsara ng pinto. Nang buksan ko ang mga mata ko ay may pagkain ng nakahanda at may mga prutas sa mesa.
“Manang ako na po,” sabi ko kay Manang ng kunin niya ang mga damit ko para malabhan na.
“Ano ka ba iha, kaya na namin ‘to, magpahinga ka lang diyan,” tugon niya at kinuha na ang mga labahan sa kwarto namin.
Kahapon pa lang kami nakauwi sa bahay at kanina paggising ko ay wala na si Adrian. Sabi ni Manang ay maaga raw itong umalis. Kaya pagkatapos kong maligo ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kasi ayaw naman akong payagan ni Manang na tumulong sa kanila.
Kinuha ko na lang ang phone na binili sa akin ni Adrian dahil sa bored na ako. Nag-friend request ako kay Adrian kagabi at agad naman niyang in-accept kaya iyon na lang ang pagkakaabalahan ko.
Wala namang masyadong nakaka-ingganyo sa timeline niya kaya bumaba na lang ako.
“May gusto po kayo?” mataray na tanong ng isa sa mga kasambahay.
“Wala, ako na lang kukuha,” sagot ko rito.
Nahihirapan pa rin akong mag-adjust dahil sa halos lahat ng nandito ay nag-aabang lang sa gagawin ko. “Manang pwede ba akong umalis?”
Gusto ko lang lumabas, siguro ay pupunta lang ng park. Gusto ko kasing pumunta ng park noon pa kaya lang ay hindi ko magawa.
“Kay Sir ka po magpaalam Maam kasi baka kami pagalitan.”
“Baka busy ‘yun, Manang.”
Natulog na lang ako maghanpon kasi ayaw kong tawagan si Adrian. “Kanina ka pa?” tanong ko ng makita siyang nasa mesa na at kaharap na naman ang laptop niya.
“I will leave for one week, we have a business trip. Manang said you want to go out. You can go out but only with Rick,” bigla niyang sabi.
“Aalis ka? Sino kasama mo sa business trip?” tanong ko at umayos ng upo.
“Kimdrea. There’s a card here, you can use these,” sabay pakita niya sa isang black na card.
Kimdrea? Iyong kababata niya?
BINABASA MO ANG
Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETED
RomanceWARNING!!!! MATURE CONTENT!!! COMPLETED!!!!! What would you do, if one day all people will chose throw you out of their life? Irene a 24 years old young lady has been unluckily suffering life's challenges too much but she still wanna keep on fight...