PAGKATAPOS kumain ay nagpaalam na si Luke kina Primrose. Nilipad ang isip niya sa bagong impormasyong nakuha niya mula mismo sa mga ito. Tama nga ang kutob niyang may amnesia si Kairie kaya hindi siya nito maalala at ang nakaraan nito. Iyon rin ang dahilan kung bakit nagbago na ang lahat sa sarili nito. Nang makumpirma niya iyon kanina ay kumirot pa rin ang puso niya at tila gustong kumilos ng mga braso niya upang yakapin ng mahigpit ang mahal niya. But he calmed himself and stay still. He knew he can't do that because Kairie might freak out and get out of his life, again. Hindi niya kakayanin iyon. He just have to wait for her to remember him again. At iyon ang gagawin niya. Ang unti-unting ipaalala rito ang nakaraan nito, upang makabalik na ang dating Kairie.
His brows furrowed and feel pissed when he recalled the name of Prim's mother. Criselda ang pangalan ng mama nito. Posible kayang ang Criselda na iyon ang tunay na ina ni Kairie?
Hindi niya malilimutan ang ina ni Kairie. Napag-usapan na nila ito noon ng kaibigan niya. She was mad at her biological mother. Hindi na kasi ito bumalik sa buhay ni Kairie matapos siyang ihatid sa mansyon ng tunay nitong ama noong bata pa ito. Ang ama nito na kahit kailan ay hindi naman ito itinuring na lehitimong anak.
Kumabog ang dibdib niya ng maalala noong gabi bago umalis ng lasing si Kairie sa condo niya. Pumunta ito roon ng dis-oras ng gabi ng malungkot at magulo ang isip. May dala itong alak at saka siya niyayang uminom. Nagtatataka man ay pinagbigyan niya ito. He immediately sensed his best friend was having a big problem.
Something clicked inside his head. He knew where he heard Criselda! And he gritted his teeth when Kairie's drunken, agonized voice echoed in his mind..
"Lokey, b-bumalik siya.. H-hindi ko siya kailangan k-kaya pinaalis ko na siya."
"Kai.. Who are you talking about?," naguguluhang tanong niya. Nang akmang tutungga na naman ito ng alak ay pinigilan niya ang kamay nito. Humagikhik muna ito at ibinaba ang baso.
"Shi... Criselda Rosales, shino pa ba? Ang magaling kong ina na.. iniwan ako sa tatay kong ayaw naman sha akin!," then she laughed bitterly again. His heart went out for her. Alam niyang masakit ang pinagdadaanan nito.
"How did she meet you again?"
"I don't know. Bigla na lang siyang nagpakita sa labas ng mansyon.. I won't ever forget her face.. The face of the woman who leave me behind and gave me a miserable life," then she started to sob.
Agad niya itong kinabig upang yakapin. Nasasaktan siya sa kalagayan nito. Kairie doesn't deserve this. Mula pagkabata nito ay sinasaktan na ito ng mga magulang nito, hindi man pisikal, ngunit emosyonal. Kairie cried freely at his chest. "Miserable life? Why are you still thinking that way, baby Kai? I am here, always. I promised to make you happy, right? Did I fail?"
Mabilis itong umiling. "N-no, Lokey. Ang makilala ka lang yata ang nag-iisang magandang bagay na nangyari sa buhay ko. T-thank you for always being there, baby Loke," then she laughed softly, but still there's bitterness in it.
"Are you still mad at her? C-criselda?," he softly asked. Nakayakap pa rin ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito.
"I.. don't know, Lokey. I miss her, but I'm stll hurting everytime I remember how she just gave me away to my father.."
Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata ng maalala iyon. His heart is aching again. Gusto niyang puntahan muli si Kairie sa rehearsal studio upang yakapin ito ngunit ayaw naman niyang maguluhan ito at mailang sa kanya.
Bakit ang mama nito ang una nitong naalala paggising nito pagkatapos ng aksidente? Iyon ang katanungang gumugulo sa kanya. He needs to find more answers.
Habang nasa elevator pabalik sa hotel suite niya ay dinukot niya ang kanyang cellphone at mabilis na nag-dial. Ilang ring lamang at sumagot na ang tinatawagan niya.
"Hello. I want you to investigate on Criselda Rosales. I'll e-mail you the little details I know about her, and make sure you'll find something as soon as possible. Gusto kong malaman kung paano niya natagpuan noon si Kairie, at kung bakit niya itinago ang totoo," determinadong utos niya sa private investigator niya. "Okay, bye."
Huminga siya ng malalim at napaisip muli. Kaunti na lang, Luke. Babalik na rin si Kairie..
BINABASA MO ANG
My Lost and Found Love
RomanceFor two years, Lokey is in a quest of searching Kairie, his best friend and secret love. Nasangkot sa isang car accident si Kairie two years ago at simula noon ay hindi pa rin nakikita ang katawan nito. Kairie's father, even her stepsister accepted...