Chapter 26

23 3 0
                                    


"M-MOMMY..."

The silent and peaceful ambience of the garden was intruded by a shaking voice.

"Y-yesha? W-what are doing here?" hindi makapaniwalang bulalas ni Glaissa nang makita ang anak.

It's been a few months since Yesha left, and now, there she is, standing in front of her mother, nanabik at umaasa na yakapin man lang ng ina ngunit hindi iyon nangyari. Bagkus ay pagkagulat at disgusto ang mababakas sa mga mata nito. Pero kahit ganoon ay halos hindi maalis ng ginang ang mga mata sa anak. She was observing her.

Yesha's thin body, her pale skin, her tired eyes, and a little bruises on her arm. She looks so.... sick.

"I missed you, Mom," mahina, emosyonal niyang tugon.

But her mother didn't even move an inch, even her expression still the same. Lifeless.

Even after months, you still haven't changed... mom. You still don't want me. Your eyes tells me so.

Her mother scoffed, "Do you expect me to say 'i missed you too?' Well, dream on, Yesha."

Pagkatapos noon ay bumurit na ito ng alis. Naiwang nakatayo si Yesha. Nasasaktan. Pinaghandaan na niya ang ganitong tagpo ng ina, ngunit hindi naging sapat ang paghahandang iyon upang maibsan ang saktan na nararamdaman.

Ilang buwan na ang lumipas mula nang pinaalis siya sa pamamahay na ito, ngayong muli na siyang nakabalik ay sisimulan na namang harapin ang hirap na ipaparanas ng pamilya niya. Handa siyang harapin iyon. Pero may nagbago. Kung dati ay alam na alam niya kung bakit niya ito ginawa at tiniis, ngayon ay nangangapa na siya ng dahilan.

She wants her family to love her, yes, but does it required her to suffer. Isn't love and acceptance should be given without asking for something back. Bakit sa lahat ng tao ay mukhang siya lamang ang nagpapakahirap upang mahalin. She's a raped child, but does it mean that she have to bare the consequence of her father's fault. She think it's not. But then, she only knew this way to woo her parents. If she'll be hurt again, so be it.

May pag-aalinlangang pumasok siya sa loob ng bahay. The house look the same, nothing changed, even the arrangements of furnitures, colors, and paintings. Above all, the feeling of emptiness and loneliness is still here. Dragging people emotions down. And the feeling of her, not belonged.

Malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago tumuloy sa kaniyang kwarto. Her things are already there, tinulungan siya sa driver ng ama na siyang sumundo sa kaniya. Yes, her father sent a driver to fetch her. Busy daw iyon kaya't hindi nakapunta. Her room looks the same, it's just that here things are no longer there anymore. Her books, papers, and writing books are nowhere to seen. Siguro ay pinatapon na iyon.

Malinis na rin ang kwarto, walang makikitang alikabok kahit saang sulok. Mukhang pinaghandaan nga ama ang pagdating niya. Dala ng matinding pagod ay humiga siya sa kama saka ipinikit ang mga mata, nagbabalak na natulog.

"Yesha... Yesha, gising na."

Marahang idinilat ni Yesha ang mga mata, bumakas ang gulat nang tuluyang nasilayan ang nakangiting mukha ng kinikilalang ama.

"Nandito ka na pala, Dad, sa'n ka po galing?" marahang aniya, tila kinakabahan, hindi alam kung ano ang ikikilos.

Mukhang napansin iyong ng kaharap dahil sa bahagyang pagkunot ng noo nito, ngunit agad ring ipinagwalang-bahala. "Sa opisina lang. Ano, nakita mo na ba ang iyong ina?"

"Opo."

"Ano ang naging reaksyon niya?" kyuryuso nitong tanong.

"Nagalit po. Hindi niya yata gusto na bumalik ako rito," nakayukong Ani Yesha.

When She Closed Her Eyes (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon