"L-love.. kanina ka pa ba d'yan??"
"Anak, a-anong mga.. narinig mo?"
"Lahat nay! Lahat narinig ko!" Sigaw ni Vanessa habang pulang-pula na ang kanyang mukha sa matinding emosyon. Pagkatapos sumagot kay Melissa ay kay Sander naman siya galit na galit na nakatingin. "Ikaw! Wag mo 'kong matawag-tawag na love! Manloloko ka napakasama mo! Sinungaling!"
Nilapitan niya si Sander at gaya ng kanyang inaasahan, sunod-sunod na sampal, tulak, at dabog ang kanyang inabot mula kay Vanessa.
"Hayop ka! Napaka-baboy mo! Napakasama mo!! Ano bang mga pagkukulang ko ha!? Ano bang kasalanan ko sayo bakit mo 'ko sinaktan ng ganito!?!"
"Vanessa anak huminahon ka! Hindi solusyon na saktan mo si Sander!" Pag-awat ni Melissa at ginawa niya ang kanyang makakaya para pigilan si Vanessa sa pananakit sa fiance nito. Alam niyang dapat sana hayaan niyang magpalabas ng galit ang anak niya pero ayaw rin niya naman na lalo silang magkasakitan. Hindi masusulusyunan ang kanilang away kung ganun ang mangyayari. "Anak makinig ka naman sa'kin mag-uusap-usap tayo, tumigil ka na!"
Ngunit masyadong malakas si Vanessa na tila ito'y nasasapian na. Sa tindi ng kanyang galit at ayaw talagang magpapigil, winaksi niya si Melissa at sinabing, "Isa ka pa! Akala ko ba kakampi tayo?! Akala ko ba lahat gagawin mo para sa'kin para di ako mapahamak, para di ako masaktan?!"
"Vanessa, tama na-"
"NANAY KITA PERO ANONG GINAWA MO!!" Sigaw ni Vanessa habang iyak siya nang iyak. "Pare-pareho kayong lahat, pinagmukha n'yo kong tanga!"
"Vanessa wag mo nalang pagsalitaan ng ganyan si inay Lisa. Nanay mo pa rin siya!" Payo pa ni Sander.
"Ah sige magkampihan kayo kasi kayo yung nasaktan diba? Kayo yung biktima na pinaikot-ikot at pinagkaitan ng katotohanan!?"
"Vanessa, wag makitid ang utak, please.." Pagpapaki-usap pa rin ni Melissa. "H-Hindi mo pa alam ang buong kwento kaya kung pwede ba huminahon ka muna at mag-usap tayo nang maayos."
"Nay malinaw na sa'kin ang lahat! Ano pa bang hindi ko narinig!?" Giit ni Van. "Si Sander nambabae.. si Diane Martinez ang babae niya, ang boss namin na sobra kong pinagkatiwalaan! Samantalang ikaw, alam mo na pala ang katotohanan pero tinago mo kasi natakot ka na malaman ko ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao ko.. na anak mo ako sa ibang lalake! Hindi kay itay Marco! Anak mo ako sa dati mong boss, kay sir Romualdo Martinez! Magkapatid kami ni Diane!"
Natahimik na si Melissa dahil parang wala na siyang magawa upang bawiin ang lahat ng nangyari. Inisip niya nalang na sana may kapangyarihan siyang burahin ang mga nalaman ni Vanessa at bumalik nalang sila sa dati nung safe ang kanyang sikreto. Pati si Sander wala na siyang ibang masabi. Dahil kung tutuosin hinintay niya talaga ang araw na ito, na magkaalaman na talaga.
"Ano natahimik kayo? May kailangan pa ba akong malaman?? Baka may sikreto pa kayo d'yan?" Galit pa rin na pagtatanong ni Van. "Paano kung hindi ko narinig ang pag-uusap n'yo ngayon, habangbuhay nalang ba akong magiging tanga at maniniwala sa mga kasinungalingan n'yo?! Wala kayong planong sabihan ako hangga't mabaon nalang sa hukay ang lahat?"
"Anak, sasabihan naman talaga kita tungkol sa tunay mong ama.. ayoko lang talagang masaktan ka."
"Ah ngayon hindi ba ako nasasaktan nay? Natutuwa ba ako sa mga nalalaman ko? Buti nalang pinayagan akong mag-early out sa trabaho kanina kasi sumama yung pakiramdam ko. Gusto ko ring magka-usap kami ni Sander. At ito ang madadatnan ko dito.. ang mga kasinungalingan ninyo!? Galing pa mismo sa mga taong pinakamamahal at pinakapinagkakatiwalaan ko!? Paano n'yo 'to nagawa sa akin, nay?? Sander?? Paano kayo nakakatulog sa gabi??!"
Halos hindi na makahinga si Vanessa at pati ang kanyang boses ay napapaos na. Hindi naman makalapit sina Melissa at Sander sa kanya dahil parang mag-wa-wild na talaga siya.
BINABASA MO ANG
Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)
FanficSTRONG-MINDED. SOPHISTICATED. PASSION and CAREER-DRIVEN. Ganyan mailarawan si Diane Martinez, ang boss ng Martinez Company. TIMID. SMART-BUT-SLOW. CONSERVATIVE. Ganyan naman niya i-describe ang kanyang ordinaryong empleyado na si Vanessa. But there'...