Kabanata 9

77 9 0
                                    


Pagkatapos naming mag-usap ay nagpalipas muna kami ng oras habang nakaupo sa may malaking bato. Wala na akong pakialam ngayon kay nanay kung makita man nila akong kasama ko si Sander.

"Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Natigilan ako sa tanong niya.

"Nagkasalubong lang kami," maikli kong tugon. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Isa pa ayokong malaman niya na binalak kong magpakamatay. Tumahimik na siya kaya't tumayo na ako.

"Hali ka." Hinila ko siya patayo. Isiniksik ko ang maliit kong daliri sa kanyang mga daliri saka ito itinaas sa ere. Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang mga daliri ko sa kanya na para bang sa kanya lang maaring humawak sa aking kamay.

"Saan tayo pupunta?"

Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa aming bahay. Hindi ko na siya itatago sa ngayon.

Masaya man dahil sa pagbabalikan namin ni Sander ay agad itong napalitan nang lungkot nang makarating ako sa bahay. Nadatnan ko si tatay na nakaupo sa balkonahe habang humihithit ng kanyang tobacco, si nanay naman ay nasa kusina. Masikip ang dibdib ko nang walang makuhang salita mula sa kanila, nakakapanibago na hindi nila ako pinagalitan o tinanong kung saan ako nanggaling. Tiningnan lang nila ako kahit nakita na nilang kasama ko si Sander. Hindi ito ang normal na reaksiyon ni nanay at tatay.

Gusto kong muling umiyak, wala silang kaalam-alam na kung hindi dahil kay Knee Yoz ay wala na akong buhay sa ngayon. Tama nga lang ang ginawa kong nakipagbalikan kay Sander. Impyerno ang buhay ko rito at sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na saya.

Saglit akong naligo at umalis ng bahay. Gutom ako dahil wala pa akong kain simula pa kagabi pero ayokong manatili roon. Nadatnan ko pa si Sander sa pwesto niya kanina. Hindi halata sa kanyang naiinip siya sa paghihintay sa akin.

Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo at masayang lumapit sa akin. Nakangiti rin akong kumapit sa kanyang braso.

Pagpasok pa lang namin sa gate ay agad na natuon sa amin ang atensiyon ng mga estudyante. Maging pagpasok sa classroom ay napuno ng asaran at hiyawan ng aming mga kaklase.

"Sabi ko na nga bang may comeback!" sigaw ni Edison. Lumapit siya kay Sander saka tinapik-tapik ang balikat nito.

"Congrats bro!" Nang-aasar na ngumiti si Arnold kay Sander at bumulong. Hindi ko alam iyon pero agad siyang binatukan ng aking nobyo saka nagtawanan.

Napatingin ako sa pwesto ni Rita at Andra na nakatingin din sa aming dalawa ni Sander.

"Akala ko ba seryoso ka nang iwanan mo si Sander?" ani Andra.

"Mahal ko eh!" Nahihiya pa akong ngumiti. Nahagip nang paningin ko ang pilit na ngiti ni Rita na parang may hindi siya nagustuhan.

"Sinong marupok?" nang-aasar pa si Andra pero walang nakuhang suporta mula kay Rita.

"Pasensiya ka na kagabi a," si Rita.

"Wala 'yon!" Awkward siyang ngumiti sa akin kaya't nagtataka ako.

"Siyanga pala, dala ko yung gown na isusuot mo." Matamlay niyang inabot sa akin ang damit na nakabalot sa plastick. Nag-alinlangan pa akong kinuha iyon "Babalik na ako sa practice," paalam niya. Sinundan ko siya nang tingin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil pinahiram niya ako ng isusuot para bukas.

Nagkibit balikat din si Andra nang bumaling ako sa kanya. Bakit ba pakiramdam ko ay may hindi magandang nangyayari? "Nag-away ba sila ng mommy niya dahil sa akin?" tanong ko kay Andra pero umiling lang ito.

Tumango lang ako. Sana nga sa bahay lang ang problema niya at hindi ako kasali sa pagbabago ng kanyang kilos.

Kailan ko pa ba napapansin ang kakaibang kilos ni Rita? Hindi ko na matandaan at hindi ko siya maintindihan.

Loosing Hope (Lonely Soul Series #1) - Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon