CHAPTER 30: PAG-AALALA

34 5 0
                                    

Samantala, sa kasagsagan ng Foundation day, abala naman si Marika sa pagcocompute ng mga grades sa loob ng Faculty Room. Nang may hindi inaasahang bisita ang kumatok sa pinto.

Tyler: "Good morning!! Ma'am!!"

Marika: "Good morning ka jan. Hindi kita estudyante."

Tyler: "Mukhang busy ka ata? Pati pa ba, para sa susunod na linggo ang mga kino-compute mong mga grades?"

Marika: "Hindi, Tyler. Lahat ng ito, para lang sa buong semester na ito. Tsaka malapit na rin ang Christmas party ng mga estudyante ko, kaya tinatapos ko na i-compute lahat para makasama ko naman silang mag-enjoy."

Tyler: "Kung sabagay, maganda din naman ang naisip mo."

Marika: "Sya nga pala, ba't ka pala nandito sa school?"

Tyler: "Nalaman ko kasi na Foundation day ng School na ito. Kaya bumisita lang ako para tingnan ang mga nandirito."

Sandaling hindi nagsalita ang dalawa hanggang sa may maalalang sabihin si Tyler.

Tyler: "Naalala ko, magrereport pala ako sayo tungkol sa trabaho ko tuwing gabi."

Marika: "T-Tyler?! Nahanap mo na ba sya?!! Sabihin mo?! OK lang ba si Jett?!"

Tyler: "Ang totoo, hindi pa. Pero ayon sa mga impormasyon na natanggap ng mga kasamahan ko, biglang nagsi-alisan ang mga kalbo sa mga binabantayan nilang mga gusali at lumipat silang lahat sa isang malaking building malapit sa Industrial area ng siyudad. Balita ko, sobrang daming mga nakabantay na tao ang andun sa lugar na iyon. Hinala ko, baka nahanap na nila ang taong nagmamay-ari sa lakas ng Minokawa at sana man lang, hindi si Jett ang tao na yun."

Marika: "T-Tyler?! A-Anung mangyayari kay Jett sakaling siya ang nagmamay-ari sa Minokawa na tinutukoy mo?!"

Sandaling tumahimik si Tyler at iniisip ang mga posibleng mangyari kay Jett. Kinabahan at lalong nag-alala si Marika dahil sa nakikita nyang pananahimik ni Tyler.

Marika: "Tyler, pakiusap?! Anung mangyayari sa kanya?!"

Tyler: "Tatapatin na kita, Marika. Wala din akong kasiguraduhan kung mabubuhay pa si Jett ng matagal o hindi, sa oras na madiskubre ng mga mangkukulam na sya nga ang Minokawa. Pero ang alam ko, kung kailangan nila ang kapangyarihan ng Minokawa, hindi siguro nila hahayaang mamatay si Jett ng basta na lang. Ngunit nag-aalala ako na kapag hindi na nila kailangan si Jett, maaring itapon na lang siya na parang isang sirang laruan sa basurahan."

Marika: "Tyler! Kung ganun, gumawa ka ng paraan! Kailangan mong mahanap si Jett! Sakaling siya ang hinahanap ng mga Mangkukulam na Minokawa, kailangan mo siyang iligtas!! Dahil kapag hindi mo sya nahanap...........mababaliw si Reysha at malulungkot din ako dahil namatayan ako ng estudyante. Ayokong sa unang taon ng pagiging guro ko, ay mamatayan ako ng estudyante."

Napansin ni Tyler ang sobrang pag-aalala ni Marika kay Jett. Kaya lumapit sya at niyakap nya ito upang mahimasmasan si Marika.

Tyler: "Marika, wag kang mag-alala. Mahahanap din namin sya. Uuwi syang maayos at buhay. Ipinapangako ko yan."

Marika: "S-Salamat Tyler."

Niyakap din ng mahigpit ni Marika si Tyler dahil sa umaasa sya na mahahanap si Jett ng ligtas. Agad ding lumayo si Marika kay Tyler.

Marika: "Uhh...Pasensya na pala. Mukhang nadala ako sa emosyon ko."

Tyler: "OK lang, Marika. Ehh....alam mo, umaasa din ako na, alam mo na? Kagaya pa rin ng dati. Pero gaya ng sinabi ko, kailangan ko nang matalo ng tuluyan ang mga Mangkukulam na iyon. Kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, mahanap si Jett at matalo ang mga Mangkukulam."

Ang Misteryosong Pagkawala Ni Jett (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon