Chapter 12

2.7K 78 2
                                    

Nakatulala lang ako habang iniisip kung ano na ang ginagawa ng dalawa ngayon. Alam kong magkaibigan lang ang dalawa pero hindi ko maiwasang mag-isip ng mga ganito.

“Huwag kang ma-stress, Rin. Wala lang iyon,” pilit kong pagpapagaan ng loob ko. Nandito ako sa kwarto nakabihis na. Hinihintay ko na lang si Rick na dumating. Sinabihan ko na siyang gusto kong lumabas ngayon.

“Ma’am nandito na si Sir Rick,” sabi ng kasambahay. Kinuha ko na lang ang maliit kong bag at lumabas na. Kasya naman ang phone at ang binigay na card ni Adrian. 

Sa totoo lang wala naman akong gustong bilhin kaya lang ay gusto kong pumunta sa bahay ampunan pagkatapos bumili ng mga pwedeng ibigay sa mga bata.

“Naabala ba kita?” tanong ko ng makababa na. Naabutan kong nakaupo si Rick hinihintay ako.

“Not at all, where do you want to go? What will be our destination for today?”

Natawa ako sa sinabi niya. Parang ang dami naming pupuntahan. “May bibisitahin lang,” sagot ko. Nahihiya akong sabihin na pupunta kami sa bahay ampunan pagkatapos dahil baka sabihin niya ay nakikigaya lang ako sa asawa ko.

Asawa ko. Parang hindi ako sana na tawagin na asawa ko si Adrian dahil hindi ko maramdaman na may asawa na ako. Alam ko naman na ang nakasulat lang talaga sa kontrata ay ang bigyan ko siya ng anak pero hindi ko mapigilang mapaisip na sana kahit gan’un ay maramdaman ko namang may asawa ako.

Parang naging sweet lang siya sa akin noong hindi pa kami kasal. At noong hindi pa dumating ang kababata niya.

“Kumain ka na?” tanong ko. Tumango lang siya at tumayo na.

“Let’s go?” nang makalabas kami ay nagulat ako na may isang sasakyan din na inihanda sa garahe.

“Bakit dalawa?” naguguluhan kong tanong habang nakatingin sa mga bodyguard ni Adrian na nakahilera sa labas nito.

“Don’t mind them. Hindi mo naman sila makikita mamaya, they are just following orders,” napatango ako sa sinabi niya.

Pumasok kami sa naunang sasakyan. May kasama rin kaming dalawang bodyguard sa sasakyan namin. “Sa pinakamalapit lang na mall,” sabi ko. Gusto kong matawa sa sinabi ko.

Parang nagco-commute lang ako kung sabihin ko iyon, kaya lang ay seryoso ang mga kasamahan ko.

Nagulat ako ng marinig ang tunog ng phone ko.

“Hello,” sagot ko sa mahinang tinig.

“Why didn’t you update me about your day?” malamig na tanong ng nasa kabilang linya.

“Ahh… sorry nakalimutan ko. Pupunta lang kami sa mall ngayon,” tugon ko. Nakalabas na kami sa subdivision. Hindi ko alam kong ilang minuto ang biyahe pero mabilis lang naman siguro dahil sa malapit lang naman na mall.

“You are not planning to tell it to me, aren’t you? If I didn’t call you, hindi mo pa sasabihin sa akin,” akusa niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Akala ko ba busy siya dahil sa business trip nila bakit may oras pa siyang pagalitan ako?

“Sa bahay lang naman ako kanina, ngayon pa nga lang kami nakalabas,” inis kong sabi at pinatay ang tawag. Tahimik lang ang mga kasama ko at walang sinasabi.

Pinatay ko rin ang phone ko. Mabuti pa hindi ko na lang ‘to dinala. Masisira pa ang araw ko eh.

“Huwag mong sagutin ‘yan Rick,” sabi ko kay Rick ng doon tumawag si Adrian.

“Sasagutin ko lang at baka lumipad pa siya pabalik dito kapag hindi ko nasagot ‘to.”

Eh ‘di mabuti. Iba lang naman ang pinunta niya roon. Hindi na ako umalma at napatingin na lang sa labas. Traffic kaya medyo matagal makausad ang sasakyan.

Napaka-ingay din ng busina ng mga driver na hindi kayang maghintay kung kailan giginhawa ang daan.

Kanina pa tinatawag ni Rick ang pangalan ko pero hindi ako nag-abalang lumingon.  “He said, if you won’t answer him, we will have to go back to your house.”

Agad akong napalingon kay Rick sa pananakot niya. Mabilis kong kinuha ang phone niya para sagutin si Adrian.

“Oh?” pagalit kong sabi. Takutin ba naman akong hindi makaalis.

“If you won’t power on your phone I will make sure you stay in the house until I return,” malamig niyang sabi. 

Binuksan ko agad ang phone ko para matigil na siya. “Tapos na, pakasaya ka riyan,” I sarcastically said then ended the call.

Nang makarating kami sa mall ay agad akong pumunta sa grocery section. Dito ko na lang uubusin ang pera ni Adrian. Baka sabihan pa akong gold digger.

“Iha, ang ganda mo naman,” biglang sabi sa akin ng isang ginang. Nasa tabi ko lang si Rick nagtutulak ng cart pero parang wala ka namang kasama kasi halos hindi mo marinig ang boses niya.

“Thank you po,” nahihiya kong pasasalamat.

Umalis na agad ako sa section na ‘yun dahil nahihiya ako sa sinabi niya. Hindi naman talaga ako kagandahan. Simple lang din ang suot ko. Pero ito ang binili ni Ate Regine. Kaya ang lakas ng dating kasi may alam siya sa fashion. Ako kung anong matipuhan lang. Hindi na ako tumitingin pa kung anong bagay sa akin.

“Hala, balik muna pala tayo sa bahay,” wika ko kay Rick. Gusto kong kasama si Manang kapag pupunta kami sa bahay ampunan kasi wala naman akong kilala roon.

“Oh!” sagot ko ng tumawag na naman si Adrian.

“Why are you mad? When it should have been me angry at you.”

“Wala, sinagot ko na o ano pa? May gagawin pa ako,” sagot ko. Pinuntahan na ni Rick si Manang.

Hindi ko alam kung ilang taon na si Rick at parang Rick lang ako ng Rick sa kaniya. Hindi naman kasi niya ako sinisita.

“What are you busy of?” galit na tanong nito. Narinig ko ang mahinang lagaslas ng tubig sa kabilang linya. Siguro ay naliligo siya.

“Manlalaki, kaya pwede ba ini-istorbo mo ako,” pabalang kong sagot sa kaniya.

“Who told you to flirt with other guys?” malamig niyang tanong. Dinig na dinig ko ang galit sa boses niya. Galit din ako sa’yo kaya, quits lang tayo.

Ikaw kaya ang naunang lumandi. Unang araw pa lang natin hindi mo man lang iyon binigyan ng respeto. Kahit na kinabukasan ka na lumandi at kumalantari ng ibang babae.

“Boyfriend ko,” pang-aasar ko rito pero parang ako pa ang naasar ng marinig ang boses ng babae sa kabilang linya.

“Adrian let’s sleep, it’s already midnight,” malanding boses ng kababata niyang si Kimdrea kuno.

“Putangina kayo!” sigaw ko. Wala akong pake kahit may mga bodyguard na nakikinig sa akin. Pinatay ko ang tawag at tinapon ang phone likuran ng sasakyan.

Billionaire's Crucial Wife (R18) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon