“Almost Forever”
How can I forgive someone,
Who have hurt me deep.
How could I let go the memories,
That in my mind I truly cherish.Mika’s POV
“If there’s another life, hahanapin mo ba ako?” Tanong ko kay james habang nakaupo kami sa tabing dagat. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya dahil ang likod ko ay nakasandal lamang sa dibdib niya. Marahan kong inilapat ang aking ulo sa kaniyang balikat at ipinagsiklop ang aming mga kamay.“Of course. Hahanapin kita.” Sagot niya at hinigpitan ang pagkakahawak ng aming mga kamay. Naramdaman ko ang labi niyang lumapat sa aking noo saka niya iniangat ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.
“Paano kung masaya kana bago mo ako mahanap ulit?” Tanong ko ulit. Iniangat ko ang aking ulo upang makita siya. Bumaba naman ang tingin niya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Ngumiti siya bago magsalita.
“Hindi ako magiging masaya hanggat hindi ikaw ang kasama ko. The only genuine happiness I can feel is when I’m with you. So paano mo masasabing magiging masaya ako sa susunod na buhay kung wala ka?” Saad niya nang hindi inaalis ang titig sa akin. Ramdam ko ang sinseridad at purong katotohanan sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. “Eh ikaw, magiging masaya kaba kapag wala ako?”
Napatitig muna ako sa kaniya saglit bago natatawang pinisil ang kaniyang pisngi. “Yes! I’ll be very happy kapag wala ka.” Biro ko sa kaniya. Natawa ako ng makitang natulala siya bago sumimangot ang kaniyang muka. Mag-sasalitana sana siya ngunit inunahan ko na siya. “How could I live without you and your cuteness babe. Hahaha, im just teasing you. You’re the only one I have, saan kapa makakatala ng isang lalaking dadalhin ka sa isang private beach para lang makapag-review ng midterms?hahaha!” Masaya kong sabi sa kaniya. Nakikita ko naman ang madiin niyng pagkagat sa kaniyang labi upang pigilan ang pag ngiti ngunit sa huli ay wala siyang nagawa.
Matagal pa kaming nanatili sa tabing dagat. Para kaming mga batang nakawala sa hawla kung makapag habulan, napapasigaw nalang ako sa tuwing tumitibalsik ang tubig sa aking katawan habang mabilis na tumatakbo. Pagkatapos naman ay nagkilitian pa kami at walang tigil na biruan. Napangiti ako habang tinitingnan ang maamo niyang muka habang natutulog, at paulit-ulit na bumabalik sa aking mga ala-ala ang masasayang sandali kanina.
‘If one day you found someone new,
I wish that time will heal me too.
I only want is your happiness,
Even it can break me into pieces.’“I wanna comeback here james,babe.” Sabi ko. Matamis akong ngumiti saka yumapos sa kaniya. Sinusulit naming tanawin ang ganda ng dagat dahil maya-maya ay aalis na kami. Inali niya ang braso niyang naka yapos sa akin at pumunta sa likod ko upang yakapin ako ng mahigpit. Naramdaman ko din ng ipatong niya ang baba niya sa aking balikat.
‘Walang pinag bago. Simula noong una ay hindi nag-bago ang nararamdaman ko sa tuwing magkasama kami. Walang nag-bago sa bilis ng tibok ng puso ko sa twing maglalapat ang kahit anong parteng katawan namin. Ramdam at alam kong ganoon din siya, dahil sa tuwing magkakadkit kami ay nararamdaman ko ang pag-taas ng mga balahibo niya. Ganoon ang epekto na nagagawa ko sa kanya, at panatag ako dahil alam kong hindi siya magbabago.’
Ilang araw pa ang lumipas at mid-terms na namin mamaya. Madalang din kaming mag-kita noong nakaraang tatlong araw dahil naging busy na din siya sa pag re-review ng mga case niya dahil sunod-sunod ang mga quiz nila. Minsan, pumupunta siya sa condo ko para sumabay sa pag-rereview ko. Kapag may free time naman kami ay lumalabas kami at namamasyal. Minsan din ay doon ako sa condo niya natutulog lalo na kapag hindi talaga kami makapag text or chat dahil sa sobrang busy.
To: james
I’ll be taking my mid-terms now babe! Waah! Kinakabahan ako omg!Ini-update ko muna siya habang nasa bathroom ako at nag-aayos. Kailangang presentable ako at fresh para naman hindi ako ma stress mamaya kapag nag e-exam na. ‘Arte lang ‘bat ba’. Habang nag-aayos ako ng buhok ay nag-vibrate ang cellphone ko.
YOU ARE READING
Almost Forever (part 1)
RomanceA strong relationship, A strong romance, But can they win the challenge of the destiny? If the heaven's the one who want them part?