Chapter 38 ✔

34 9 17
                                    

"What the hell?!" Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya. Ayaw tanggapin ng utak niya ang nalalaman niya ngayon mula kay CK.

"Yeah! That was hell. Napakasimple kung tutuusin ang offer ko sa kanila. Pero hindi pa nila nagawa." His face became serious. "Are you that important to them?"

"Why are you asking that to me?! Of course I'm important! I'm their only dughter kaya bakit nila ako ipapagbenta sa isang katulad mo ha?!"

'Anak nila ako kaya importante ako sa kanila. Kaya nga hindi sila pumayag na maangkin ako ng lalaking 'to eh.'

"You are that important that's why I ordered my men to kill them."

"'Yun lang ba ang dahilan kung bakit mo sila pinatay?" maluha-luhang tanong niya. Pinipigilan niyang 'wag maiyak dahil ayaw niyang magmukhang kawawa at talunan sa harap ng kanyang kalaban.

"Hahahaha! I can't believe you, sa dinami-dami ba naman ng sinabi ko hindi mo pa rin makuha ang sagot?"

"Sa dami ng sinabi mo, hindi na maproseso ng utak ko lahat 'yun! Kingina ka!" sigaw niya.

'Totoo naman eh. Sa dami ng sinabi isa lang ang tumatak sa isip ko. 'Yun ay ang offer ni CK na magpakasal kaming dalawa kapalit ng pag-angat muli ng aming business na lugmok pala sa mga panahong 'yon.'

Alam niyang ayaw pumayag ng Papa at Mama niya dahil siya ang kaisa-isang anak nilang babae. At lagi nilang sinasabi na hindi nila pipilitin ang prinsesa nilang pakasalan ang lalaking hindi naman niya mahal. Ang lalaking makakapag-pahamak sa kanya. Kahit hindi sila nagkita-kita ng ilang taon ay naiparamdam naman ng mga magulang niya ang kanilang pagmamahal, pag-aalala, pag-aalaga at pag-aaruga. Ni minsan hindi sila nagkulang sa kanilang magkapatid. Lahat ng gusto niya, binibigay nila. Lahat ng hihilingin niya, tinutupad nila. Lahat ng problema niya, alam nila at sila na rin ang tumutulong sa kanya para masolusyunan 'yun.

Kaya noong pinatay nila ang magulang niya ay ganu'n na lamang ang galit niya. Parang nawalan siya ng magkabilang pakpak kaya hindi na siya makalipad pa. Parang nawalan siya ng gas kaya hindi na makaandar pa. Lahat nawala sa kanya dahil wala na rin ang sandalan niya.

Not until narealized niyang may natitira pang tao para maiparamdam ang pinaramdam sa kanya ng mga magulang niya. At 'yun ay ang Kuya Cráezs at grandpa niya.

Hindi man kumpleto, naramdaman pa rin niyang may kakampi pa siya.

At ngayon, kailangan niyang ipaghiganti ang mga magulang nila na walang awang pinatay at binasura na lamang ang kaso nila.

"Okay, okay. I will clear everything to you. Listen carefully so that you will understand why I did that to your parents." 'Kahit saang anggulo, hindi pa rin maalis ang galit ko sayo!' "5 years ago, I met your parents and they became my business associates. From the start, they became loyal to me. Until I discovered that they have a daughter living in Germany at malapit lang ang agwat ng edad namin. I asked them about you. Your name, your age, your life in Germany. In short, I asked them everything about you."

Nakinig lang siya ng mabuti kay CK para ma-process ang mga ito sa utak niya. Kahit masakit para sa kanya ay kakayanin niya.

"Nalaman kong ikaw si Dañale Vasquez, you're just 18 that time. You're with your grandfather and brother in Germany. Wala ka pang experience sa pakikipagrelasyon," natatawang sabi pa niya. "And because of that, I thought about being in a relationship with you. I wanna spend the rest of my life with you." Titig na titig sa kanya si CK. Sa oras na 'yon ay ramdam niya ang sinseridad ng binata. "I told them that I want to see you. I want to meet you. Pero matigas ang ulo ng mag-asawang 'yun eh. Then I did my ways to get you. I did all I can do to make your parents' business dropped for them to ask help from me. At hindi nga ako nagkamali, humingi sila ng tulong sa akin."

Accidentally In Love With A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon