44

26 2 0
                                    

"Seriously? Last week, si Liam, last day, si Brooks, 'tapos ngayon si Richard na naman? Seriously?" tawang-tawa si Isbelle habang nakaturo ang mga daliri niya sa noo ko. Sumimangot ako at nagpagulong-gulong sa kama.

Kakagising ko pa nga lang tapos 'eto lang ang bubungad sa 'kin? Pagod na ang buo kong katawan at isipan sa kaganapang nangyari sa 'kin noong mga nagdaang linggo. To be featured in different magazines pressured me to the core. 'Tapos ang mas nakakairita pa, iba-iba ang mga lalaking na-fefeature sa 'kin.

"So, sino mas type mo sa tatlo?" nakangising tanong ni Isbelle. Sinampal niya ang pwet ko, kaya lutang na lutang akong napabangon. Muli niya akong tinanong habang may inis at tawa sa mukha. "Si Liam? Si Richard? O baka none of the above? Baka 'yung ka-date mo the last month?"

Humalakhak siya, nag-echo ang boses niya sa bawat sulok ng silid ko. Ako na tuloy ang napapangiwi sa itsura niya. Parang sa sobrang pagiging disappointed ay napapahalakhak na lang siya. Nakangiwi rin ang mga labi niya, halatang nanggigigil.

"Nagugutom na 'ko kaya kakain muna 'ko. Good morning," wala sa sarili kong ani at akma na sanang tatayo nang kaagad niya akong tinulak. "Aray, ano ba?!"

"Anong ano ba? Nakikinig ka ba sa 'kin? O baka parang hangin lang ako sa harapan mo ngayon?"

"Ate, kalma ka na lang muna, ah. Nakakapangit 'pag palagi ka na lang galit. Ang mabuti pa, leave everything to my manager. Kaya niyang ayusin ang issue ko—"

"Wow, at buo pa ang confident mo na maaayos pa ang name mo?"

"Yes, ate. At isa pa, I haven't done something wrong. Nakikipagkaibigan lang naman ako sa mga lalaki na 'yun—"

"Nakikipagkaibigan? Sa tatlong lalaki?"

"Sila ang lumapit sa 'kin! At ayaw ko silang ipahiya sa mga reporter, kaya ay kinausap ko sila!"

"Ilang beses na ba kitang napagsabihan tungkol dito?"

"Hundred times, a-ate."

"At kailan mo ako sinunod?"

"Ate, kakain na talaga ako," kaagad kong sabi at 'di na siya binigyan ng tingin. Panay ang nguso ko habang papalakad papalabas sa 'king kuwarto. Papaano ba naman kasi, 'di pa rin ako tinitigilan ni ate. Panay pa rin ang sigaw niya sa 'kin. Tuloy ay narindi na ang dalawa kong tenga sa bunganga niya.

Kumuha ako ng tubig sa ref at tumunganga sa tabi ng bintana kung saan tanaw-tanaw ko ang garden namin.

Tahimik naman talaga ang paligid noong una, pero noong dumating si ate ay napabuga na lang ako ng hininga. Inagaw niya ang baso sa tubig ko. Ramdam ko pa nga na parang gusto niya pang i-shoot ang babasaging baso roon sa faucet. Sinamaan niya ako ng tingin lalo nang makita ang pagpigil ko ng ngiti.

She was overreacting; They were overreacting. Ba't ba kasi ayaw nilang maniwala sa 'kin?! I was innocent! Kung puwede ko lang naman kasing maibalik ang panahon, edi 'di na sana ako nakipagkaibigan. Hayst.

Masama ba ang makipagkaibigan? Kapag babae ang kasama ko, okay lang, pero 'pag lalaki, issue na sa society? Seriously? Hindi na ba nila alam ang tungkol sa Gender Equality?

"Sigurado akong alam na ni mama ang tungkol dito, at sana naman ay hindi maapektuhan ang kompanya, 'no?" sarkastiko niyang tanong at akma na sana akong sasampalin nang patawa-tawa kong iniwas ang sarili sa kaniya.

Tuloy ay mas lalong dumilim ang mukha niya. Kung 'di ko lang siya palaging kasama, sure akong 'di ko siya makikilala sa itsura niya ngayon.

"Hindi 'yan, ate," nagsimula na rin akong mangamba. Gusto kong gawing parang wala lang ang mga issue ko ngayon, pero nang muli niya na namang pinaalala sa 'kin ang mga posibleng maaapektuhan nang dahil sa 'kin, kinakabahan na ako.

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon