Prologue

6 1 0
                                    


"Cristina!" Sigaw ni mama mula sa bahay. Napansin niya atang wala ako roon. Bakit ba naman kasi ako na naman ang uutusan eh naroon naman sila ate at kuya hmp!


"Andiyan na po!" Sigaw ko pabalik para malaman niyang papunta na. Mahirap na! Namimimgot yang nanay kong yan eh, sakit sakit pa man din.


Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay eh bunganga agad ni mama ang narinig ko. Abala sila lahat pati si ate at kuya. Hmm anong mayroon? Bakit sila naglalagay ng mga gamit sa bag at maleta?


"Cristina! Wag ka na tumunganga dyan! Kunin mo na yung bagong bili nating bag! Ilagay mo dun yung mga damit mo, dali!"


Huh? Eh para sa school ko yon eh! Bago pa yon!


"Eh ma, para po sa school yon eh" reklamo ko pa. Eh kasi binili namin nila mama yon sa bahay eh, para yon sa kinder ko.


"Pwede ba, Tina? Wala nang ibang bag, doon mo na ilagay! Iwan mo na rin  yung iba mong gamit na hindi kakasya!" nanginginig na bulyaw ni mama sakin. Bat parang umiiyak si mama?


Lumapit ako kay ate pero umiwas lang ito ng tingin, ganun din si kuya.


Wala na kong ibang nagawa kaya pumasok na lang ako sa kwarto namin nila mama. Oo, sa iisang kwarto lang kami kasi sabi ni mama hindi naman raw kami mayaman. Pinagtagpi-tagping  yero at kahoy nga lang din tong bahay pero masaya kami, kompleto kami.


Kinuha ko yung bag ko, nasa ibabaw lang yun ng karton na higaan namin. Kulay dilaw yon at nandoon si SpongeBob, paborito ko kasi siya. Magsimula na rin akong magsilid ng damit sa bag ko. Konti lang naman ang damit ko kaya konti lang din ang maiiwan. Baka magbakasyon kami eh!


Halos napatalon ako sa gulat ng biglang may kumalabog, sa aking kuryosidad ay lumabas ako upang tignan yon. Sobrang gulat ko na lang ng makita si papa na puro putik at may bahid ng dugo sa damit! Baka nasugat sya sa bilihan ng yero at dyaryo!


"Rosa! Dalian mo! Mga anak, tara na!" tila aligaga sila lahat at takot na takot.


Para sa limang  taong gulang na tulad ko ay wala akong ideya sa nangyayari, baka maiiwan kami ng bus? Bat sila umiiyak? Baka walang kinita sa botehan? may tatlong piso pa ako. Wala ba ulit kaming ulam? may asin pa naman kami ah! Paaalisin ba ulit kami dito? pero hindi naman kami umiiyak pag pinapalayas kasi sabi ni papa lilipat na naman kami ng bahay at masaya daw yon! Di ko alam hmp!


"Tina, anak! Tara na dito kay papa!" di pa ko nakapagsalita ay binuhat niya na ko. Ipinulupot ko na lang ang mga braso ko sa kanya upang lumapit at pinagmasdan ang mukha niya. Bakit siya takot na takot? Hmm? Baka may mumu?


"Papa? Saan tayo punta?"masayang tanong ko kay papa ngunit patuloy lang ito sa paglakad at takbo. Baka surprise? Kaarawan ko kasi bukas!


"Papa, nga pala birthday pala ni Jing kanina. May natira siyang cake sabi nya ibibigay nya raw sakin yun para sa birthday ko bukas!" masaya kong kwento sa kanya. Di na tuloy ako makapag-antay! Paniguradong may barbecue na naman bukas! Ah basta may cake ako bukas, yehey!


Halos mabingi ang ako ng makarinig ng isang malakas na putok ng baril! Baril? o baka fireworks? Sa gulat ni papa'y napatid siya kaya natumba kaming dalawa. Nang tignan ko sya ay may sugat ang kanyang paa, dumudugo iyon. Wala kasi siyang tsinelas, pinagamit niya kay kuya.


"Sito! Tara na! Tumayo ka na dyan!" sigaw pa ni mama samin, patuloy lang din ito sa lakad takbo habang si papa at ako ay pabangon pa lang dahil sa pagkakatumba.


"Papa, iiwan na tayo nila mama ohh!" Turo ko pa kila mama na nakakalayo na.


Nanginginig na tumayo si papa at kinarga ulit ako, iika-ika siyang naglakad takbo. Tinignan ko ang paa Niya, umaagos ang dugo roon!


"Papa may sugat ka!" naluluhang sabi  ko at hinaplos ang kanyang pisngi. Ayoko! bat may sugat si papa? May mananakit ba samin?


"Wala yan, anak." Sagot lamang niya at binigyan ako ng isang matamis na ngiti kaya yumakap na lang ako ng mahigpit sa leeg niya. Papa ko....


Natumba ulit kami ni papa, nakatapak ulit siya ng basag na bote!


"Diyos ko po! Tulungan niyo kami!" tahimik na luha ni papa habang hawak ang mga paa. Umiiyak si papa! Di ko na rin mapigilan ang umiyak, dapat kasi bumili siya ng tsinelas eh! Sabi ko sa kanya siya muna ang bumili ng tsinelas eh, pwede naman niya akong buhatin. Kung alam ko lang na ganito hindi na sana ako nagpabili ng barbie na tsinelas..


"Papa..." umiiyak na sambit ko.. Nahihirapan si papa, dapat ba di niya na ko binilhan ng bag at sapatos? Dapat ba di na niya ko binuhat? Dapat ba maglakad na lang ako?


Huminga siya ng malalim at tumingjn sakin. "Tina, kunin mo 'to" inabot niya sakin ang isang gintong kwintas na may mukha nilang dalawa ni mama. "Regalo ko yan para sa kaarawan mo bukas, ha? Ngayon ko na ibibigay." Tahimik na sambit ni papa pero umiiyak pa rin siya.

Bakit umiiyak si papa?

"Salamat, papa! Wag ka ng umiyak!" sambit ko habang lumuluha sa saya, sa takot? ewan ko.


Pinunasan niya yung luha ko, hinalikan ang aking noo at niyakap ako ng mahigpit, sobrang higpit. Humagulgol na si papa, pero pinipilit niyang umiyak lang ng tahimik pero naririnig ko pa din.

Ngayon ko lang narinig si papang umiyak ng ganito..

"Papa! Tara na poooo..." bulong ko sa kanya habang yakap niya pa rin ako.

Muli kong tinitigan at umiling..

"Susunod si papa, nak. May naiwan lang ako sa bahay." Umiling ako, malayo na sila mama. Sasama na lang ako..


"Malayo na po sila mama eh. Sasama na lang po ako"


"Anak, Tina. Sumunod ka na lang. Sumunod ka na sa mama mo, dumiretso ka lang ng takbo, wag kang titigil, wag kang lilingon." Diresto niyang utos. "Tumakbo ka simbilis ng ginagawa mong pagtakbo pag hinahabol ka ng dos por dos ng mga naagawan mo ng bakal at bote sa botehan" natatawa ngunit lumuluhang sambit niya.


Kaya ko yon! Mabilis ako! Mabilis si Tina!

"Opo, papa! Kaya ko yon!" magiliw kong sabi.


Niyakap pa niya kong muli at narinig ko na naman ang hikbi ni papa sa balikat ko. Si papa, iyakin.


Binitiwan niya na ko "Sige na, anak. Takbo na." ulit niya.



Tumakbo na ko palayo sa kanya ngunit bago pa ko makalayo ay lumingon ulit ako at kumaway kay papa at binigyan siya ng matamis na ngiti.


Kulay puti ang damit niya, putikan iyon. Ang kaniyang pantalon ay may butas, butas na hindi sadya ngunit gawa ng pagtatrabaho sa botehan. At ang mga paa niya na walang saplot at duguan.

Hmp! Yayaman ako, bibilhan ko siya ng tsinelas, pati pantalon, Gusto ko iyong mga uso, parang nasa TV!

Sa huling pagkakataon ay kumaway si papa at ngumiti sa'kin. Ngiti na paniguradong tatatak saking isipan..


His Caliginous Love: Calyx RigorWhere stories live. Discover now