FANGIRL

0 0 0
                                    

-UMPISA-

Sa isang lugar sa Manila ay nauso at nalaman ng mga tao ang isa sa mga paraan para makapag-bayanihan. Isang College Student at kpop fan si Angel halos ibuhos niya ba ang buong buhay niya para sa kilalang grupo ngayon, BTS.

Isang araw habang nagii-scroll siya sa social media isang post ang nakakuha ng atensyon niya, isang post na kumurot sa puso niya. "WALANG KWENTA MGA FAN NG BTS PURO LANG SILA KANTA AT SAYAW WALA NAMANG AMBAG, MAMATAY NA SANA SILA" pumatak ang luha sa mata ni Angel sa nabasa. Umiyak siya at nagisip-isip sa bagay bagay hindi mawala sa utak niya ang nabasa. Minabuti niyang pumunta sa simbahan para magpakalma. Habang tinatahak niya ang daan papuntang simbahan ay may nakita siyang isang organisasyon binasa niya ang nakasulat sa poster ng organisasyon na iyon, "MAGBIGAY AYON SA MAKAKAYANAN, KUMUHA AYON SA PANGANGAILANGANA" isang community pantry pala ang nakita nito habang pauwi siya galing sa simbahan nagisip-isip siya, paano kaya kung magbahagi ako ng kaunting pangangailangan nila para kahit papaano ay may magawa ako para sa mga kababayan ko.








-GITNA-

Nag-isip siya kung pano at ano ang gagawin niya hanggang sa dumapo ang tingin nito sa poster na nakadikit sa kwarto niya, BTS. Sa hindi malamang dahilan bigla nalang nakaisip ng isang magandang organisasyon si Angel tinawag niya itong "BTS PANTRY" na kung saan ay nagpost siya sa social media para makakuha ng iilan na donasyon at magtayo ng community pantry.

Lumipas ang araw naging matagumpay ang community pantry na nagawa niya, madami ang nakaalam dahil na rin sa impluwensya ng kpop industry sa bansa, masaya at maayos na naisasagawa ang pagtulong sa iba ng biglang isang babae na nakapila sakanila ang nahimatay at nangisay nataranta ang lahat at nagsigawan, lumapit si Angel sa babae at tinignan ang sitwasyon nito napagtanto niyang may sakit na epilepsy ang babae inatake ito dahil sa init ng panahon, isang college student si Angel at may kakaunti siyang alam para kumalma ang babae, pinalayo niya ang mga tao at ginawa sa babae ang mga napag-aralan nito, nagdadalawang isip pa ito dahil natatakot siya kung tama ba ang gagawin niya ngunit naalala niya ang isa sa mga sinabi ng BTS sa mga fan "WALANG MANGYAYARING MASAMA KUNG MAGTITIWALA KA SA IYONG SARILI" kaya walang paligoy-ligoy ay ginawa nito lahat ng alam niya para maligtas ang buhay ng babae tumagal ng halos 10 minuto ang pangyayari at di kalaunan at kumalma at nagising na rin ang babae, halos lahat ng tao ay nagpasalamat kay Angel at tinuring na kabayanihan ang ginawa niyang pagsagip sa babae.




-WAKAS-

Natapos ng maayos at matiwasay ang community pantry na ginawa ni Angel kaya't magpapahinga na siya ng maisipan niyang mag-open ng social media, nagulat na lamang siya dahil trending na ang ginawa nitong pagtulong sa babae, halos puriin na siya ng lahat sa katapangan na ginawa nito, naging proud naman ang fanbase ng BTS na army's dahil sa isang fan na naglakas loob na sumagip ng buhay ng tao sa tulong at paniniwala niya sa BTS at lalong lalo na sa panginoon.





-MGA TANONG-

A. IBIGAY ANG IYONG SALOOBIN KUNG DAPAT NGA BANG BASAHIN ANG SINULAT MONG AKDA NI MOMMY NG EKSPRESYON SA PANGHIHIKAYAT.

- Hinihikayat ko kayo na basahin ang akda na sinulat ko na nagpapakita at nagbibigay ng inspirayon para sa nakararami lalo na sa mga tao na may hinahangaan na handang gawin ang makakaya para suportahan sila. Para sa mga tao na hindi alam ang nangyayari sa panahon ngayon inaanyayahan ko kayo na basahin ang akda na ginawa ko para maisip ninyo na hindi lahat ng FAN ay wala ng ginagawang mabuti para sa ikaaayos ng bansa.

B. ANO-ANO ANG MAGANDANG ARAL ANG MAKUKUHA SA IYONG NABUONG KWENTO GUMAMIT NG EKSPRESYON SA PAGPAPAYO.

- Ang nakuha kong kagandahang asal sa aking nabuong kwento ay matuto tayong magtiwala sa sarili natin at wag tayong magpapaapekto sa sasabihin ng iba dahil tayo naman ang gagawa at hindi sila kaya kung ako sa'yo gagawin ko kung ano ang alam kong tama at hangga't wala akong naaapakan na tao itutuloy ko kung ano ang kagustuhan ko.

C. SA PAANONG PARAAN PA IKAW AY MAAARING MAGING BAYANI IPALIWANAG GAMIT NG EKSPRESYON SA IBA'T-IBANG LAYON.

- Para sa akin madaming paraan para maging isang bayani, kahit sa simpleng pagtulong sa mga nangangailangan ay isa ng kabayanihan na magagawa mo bilang isang mamamayan, sa tingin ko naman hindi kailangan na mamatay ka muna bago ka matawag na bayani dahil ang mga simpleng bagay na nakatutulong na pausbungin ang pagkatao ng bawat isa sa paraan na iyon maitituring ka na bayani ng kahit na sino, ang paniniwala ko ang paggawa ng mabuti ay isang kabayanihan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

COMMUNITY PANTRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon