*BEEP*
I heard my phone beeps so i grab it on my bed side table and still lay back in my bed. I unlocked the keypad. I saw a 1 new message. I opened it and there, I saw her again in my INBOX for the umpteenth.
FROM: CIANA
GoodMorning People
Iloveyou naks >GM<
I sighed. I put my Phone again on my bed side table. Psh ! Matutuwa pa sana ako sa "ILOVEYOU" niya kaya lang GM na naman! Hindi lilipas ang araw na hindi ako makatanggap ng GM mula sa kanya. Almost two years na rin nag titiis sa mga GM niya na hanggang ngayon hindi pa rin ako masanay-sanay.
Kapag may load'yan, oras oras idyi-GM niyan ang mga pangyayari sa buhay niya. Magmula sa kanyang pagligo, pagkain, pagku-kwento ng napanood o nakita niya pati' yung tipong dapat siya na lang ang nakakaalam kasi wala naman kaming paki-alam don, i dyi-GM pa niya ng pagkakahaba-haba! Kulang na lang, isulat ko 'yung talambuhay niya!
Minsan nakakainis na rin to to the point na gusto ko na siyang i-approach at sigawang "PWEDE BA? TAMA NA? NAKAKASAWA NA!" Pero siyempre hanggang sa isip ko na lang 'yun kasi HINDI KO NAMAN KAYANG GAWIN YUN!
"WOSH" ! Bangon ka na diyan! Ma Le-late kana sa School." sigaw ni Mama sa tapat ng pinto ng kwarto ko.
"OPO MA!" sagot ko na lang.
Dali-dali na akong nag-ayos ng sarili ko at inihanda ang mga gamit ko bago ako pumasok ng school.
Palabas na ako ng gate nang mag-beep naman ang phone ko. Alam kong si Ciana na naman to. Kahit naiinis na ako sa lagi niyang pag dyi-GM, hindi ko na rin maiwasang tingnan agad ang phone ko para mabasa ang GM niya, Naku-curious ako eh!
From: CIANA
*yawn* napaaga ata pasok ko?
Wala pa yung Mahal ko
Kalungkot :(
>GM<
Psh! pakialam ko naman sa mahal niya? :/ Kung ako sana "Yung mahal niya eh, di sana masaya siya ngayon! Kung bakit ba naman kasi sa tuwing ang GM niya ay tungkol dun sa taong mahal niya, doon ako masiyadong apektado?
Siguro, kaya ako nagkakaganito, nasasaktan lang akong malaman na may mahal na siya at hindi AKO yun! Ang nakakaasar pa dito, two years na rin akong nakakatanggap ng GM na may kinalaman sa mahal niya pero ni hindi ko man lang nakikita ni anino yung mahal niyang 'yun? Hindi naman pwedeng gawa-gawa lang niya ' yun kasi sa tuwing nakikita ko siya halata sa mga mata niya na "inlove siya. Ang swerte naman ng lalaki 'yun!
Sa lalim ng iniisip ko, nakarating na pala ako sa school.
"Hi Wosh Masungit"
Boses pa lang, alam kong siya na 'yun! Nakita ko siyang papalapit sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin!
Nang makalapit na siya sa'kin, hinawakan niya 'yung dalawang kilay ko na halos magbubungguan na. Pinaghiwalay niya.
"Ayan! Back to normal na! HEHEHE!" masaya niyang sambit na pumapalakpak pa.
"Agang-aga, salubong na naman iyang kilay mo", puna niya
"Kung gusto mong makitang nasa normal ang kilay ko, wag mo kong tatawagin sa pangalan ko! Wosh lang itawag mo," sabi ko sa kanya na may diin sa bawat salita, Naiinis akong tinatawag na MASUNGIT. Ang baduy.
"Bakit? Cute naman yung Masungit,ah! Kakaiba nga eh." sabi niya
Natapos ang buong maghapong klase namin na wala namang nangyari kundi puro discussion lang.