A/N; A beautiful reminder from a beautiful author, you will encounter lots of typo and grammatical error for this chapter ❤️
Keep Reading Reader's Lovelots❤️
Prescilla Pov,
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong kamay na humahaplos sa pisnge ko pero dahil parang nanghihina ako ay dahan dahan ko lang iminulat ang mata ko
"Hey baby!" Mahinang sabi ni b-boss? At ano daw? Baby??
Nang maimulat ko ang mata ay medyo blurred pa ang paningin ko kaya naman pumikit uli ako
"Baby pls can you hear me?" Sabi ni boss kaya naman iminulat ko na ang mata ko and this time nakita ko na ng malinaw ang mukha ni boss
"B-boss!" Nanghihinang sabi ko at kita ko naman ang pagdaan ng ginhawa sa itsura nya
"I thought I loose you again ghad baby sobrang natakot ako nung nahimatay ka sa braso ko!" Sabi nito pagkatapos ay nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin
"O-ok na ako boss!" Namumulang sabi ko paano kasi nahagip ng mata ko na nandito pala si kuya xander pati si maria kaya yung dalawa mukhang timang na nakangiti
Saya kayong dalawa eh noh??
"S-si mam b-boss!" Medyo kabadong sabi ko kasi naman eh takot na ako dun tignan mo nga kung hindi ako nailigtas ni boss edi pinaglalamayan na ako ngayon
"Dont mind her I already pushed her away from us!" Sabi nya kaya naman nanlalaki ang mata na tinignan ko sya
"P-po?" Hindi makapaniwalang sabi ko at nakita ko naman na mahina itong natawa
"Ill tell you something later but first you need to eat!" Sabi nya at nakita ko naman na may kinuha syang pagkain na nasa lamesa lang at dun ko lang napansin na nasa kwarto pala kami ni boss
"A-ano po bang nangyayari boss?" Naguguluhang tanong ko kasi naman yung kinikilos ni boss eh
Paktay tayo kapag nahulog ako ng tuluyan dito siguradong iyak ako nito
"Shh just eat after this may ikukwento ako para malaman mo why did I do this!" Sabi nya kaya naman ngumiti nalang ako bago tumango at akmang kukunin na sa kanya ang pagkain ng pigilan ako nito
"Ako magsusubo sayo!" Sabi nya in a serious tone kaya naman namula ako sa sinabi nya
Susubuan daw ako bes?? Putek kilig pwet ko
"P-pero boss nalunod lang ako pero hindi ako baldado!" Ngiwing sabi ko sa kanya pero tinignan lang ako nito ng masama kaya naman napalunok ako
"S-sabi ko nga ahh!" Sabi ko bago ngumanga kaya naman narinig ko ang mahinang tawa ni kuya xander pati maria kaya mas lalo akong namula
"Aww my baby is blushing!" Sabi ni boss kaya naman agad akong yumuko bago ngumuso
Kasi naman ehh sinong di kikiligin yun crush mo sinusubuan ka ng pagkain tapos tawag pa sayo baby
Nako naman talaga ewan ko nalang iba sa feeling
Habang kumakain ay hindi ko maiwasan na titigan si boss dahil sa hindi ko malamang dahilan na nararamdaman ko
Alam kung gusto ko si boss pero hindi ko alam kung bakit parang habang tumatagal ay mas lumalalim ang nararamdaman ko, hindi ko alam kung gusto ko pa ba sya o iba na ito
Gusto pa ba kita o mahal na kita?
"Anong problema?" Agad akong napabalik sa wisyo ng marinig kong nagsalita si boss at kita ko naman ang pag aalala sa mukha nya
YOU ARE READING
Im His Personal Maid
RomanceNaranasan mo na bang magtrabaho sa isang pinakamayaman at pinaka maimpluwensyang tao sa buong mundo?? Sa tingin mo kapag nag trabaho ka kaya sa ganyan kaimpluwensyang tao mahihirapan ka kaya?? O magiging masarap din ang buhay mo tulad ng amo mo?? Pe...