Chapter 43
Bukod sa simbahan nagpunta kami sa likod kung saan namin ni-let go ang isa't-isa. Nagpunta din kami sa Las Rozas Town at sa bahay ng Lola niya doon sa flower garden kung saan siya ng confess sa akin. Kahit gabi na napaganda pa din ng lugar. Sobrang dami naming memories dito sa Madrid na kahit kelan hindi ko makakalimutan.
Nagpunta din kami sa school niya noong nag law siya, nilibot namin iyon. Nagpunta kami sa library, canteen, court at kung saan-saan pa siya madalas nagpupunta kasama ang mga kaibigan at pinsan niya. Hindi ko alam kung paano kami nakapasok doon sa school kahit sobrang gabi na at nakabukas pa lahat ng ilaw.
Nagpunta din kami sa coffee shop kung saan siya nag-aaral minsan kapag gusto niya mag-aral na mag-isa. Sa isang kainan kung saan siya madalas after his class o kapag may free time siya, shooting range kung saan siya madalas kasama si Dice, sa ice cream parlor kung saan niya ako nakita kasama si Lance noon. Ipinakita niya sa akin lahat ng lugar na pinupuntahan niya sa taon na wala ako da tabi niya. And I'm happy about that simple things. Ipinakilala niya sa akin yung bagong Raze. Yung Raze na hindi ko nakita noong nagkahiwalay kami. He introduced his other self to me.
"Sa bahay namin tayo uuwi. Nakapagpaalam na ako sa parents mo. Medyo malapit lang din naman 'yon sa village niyo." Sabi ni Raze habang seryoso siyang nagmamaneho.
"Okay." Inaantok na sagot ko sa kaniya. Andami kasi naming pinuntahan. Sa susunod dadalin ko siya sa London kung saan ako nag-aral ng law noon at doon sa bahay namin doon.
Huminto kami sa isang maganda at malaking bahay. Kulay white at brown ang kulay ng bahay pero mas lamang ang kulay brown. Parang gawa sa kahoy ang bahay nila pero hindi talaga. Design lang siya.
"Walang tao?" Tanong ko sa kaniya habang nakakapit sa braso niya dahil baka may mumu dito. Sobrang tahimim eh.
"Wala. Hindi naman nananatilid dito ang taga linis namin. Walang tao dito kapag wala kami dito. Tanging taga linis lang lagi ang nandito para mapanatiling malinis ang buong bahay." Sagot niya sa akin saka tinignan ako ng nagtataka. "Are you scared?" Natatawang tanong niya sa akin. Nakanguso akong magkakasunod na tumango sa kaniya.
"May mumu ba dito? Kasi may nabasa ako na kapag daw masyadong tahimik ang isang bahay tapos madalas walang tao pinamamahayan daw ng mumu." Kwento ko sa kaniya saka iginala ang mata ko sa paligid. Maganda ang bahay nila kaso sobrang tahimik. Tahimik din naman bahay namin pero hindi ganito katahimik.
"Wala. Saka nandito naman ako. We will sleep together." He said while laughing at me. Pinilit niyang tanggalin ang kamay kong kapit na kapit sa sleeve niya saka inakbayan para makahagdan kami papunta siguro sa kwarto niya.
"Is this your room?" Tanong ko sa kaniya noong papasukin niya ako sa isang kwarto.
"Yup." Sagot niya sa akin. Umupo siya sa kama niya na kulay itim ang kumot at grey naman ang bedsheet and pillows. Tinanggal niya ang sapatos niya bago mag-angat sa akin ng tingin. "Kunin mo yung puting paper bag na'yon. Para sayo 'yon. Ayun yung bathroom." Sabi niya saka tumayo para magpunta sa cloth-set niya.
Naglakad naman ako papunta sa paper bag na sinasabi niya. Nasa coffee table niya iyon sa tapat ng malaking tv niya. Kinuha ko iyon at nakitang damit iyon. Naglalaro sa Kulay itim at grey ang kulay ng kwarto niya. Kulay black ang sofa tapos grey ang throw pillows. Kulay black ang coffee table at grey ang vase na nakalapag doon tapos may fake white tulips na nakalagay. Tapos may mug din na nakalagay doon na kulay grey.
Sa kabilang side my mini ref doon na kulay black. Binuksan ko iyon at nakitang tubig lang ang laman siguro kasi hindi naman siya umuuwi dito? Kulay grey naman ang mahabang lamesa na pinagpapatungan non.

BINABASA MO ANG
Inclement Season 2 (LRS1) [COMPLETED]
General FictionLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...