Maluha luha na napabangon si Yuri sa pagkakatulog dahil napanaginipan nya ang kanyang kuya na matagal na niyang hindi nakakapiling at nakikita..
Marahang pinunasan ng binata ang kanyang mga mata gamit ang kanyang mga kamay,
Mahigit 10 taon na rin ang nakalipas mula ng magpaalam sa kanya ang kanyang kuya..
Kuya na nagtatanggol sa kanya kapag sya ay inaapi at tinutukso ng kanyang mga kalaro,
Kuya na kakampi nya sa lahat ng oras
Nagpapatahan sa kanya kapag sya ay tumatangis,
At higit sa lahat dinadamayan sya sa oras na sya ay may problema..
Hindi parin malimot ng binata ang pangyayaring iyon , na kailangan siyang iwanan ng kanyang mahal na kuya..
Yuri's P O V
Kuya Kayden kung andito ka lang sana hindi ako magiging malungkot dahil alam ko andyan ka para pasayahin ako..
Napabuntong hininga nalang ang binata, dahil sa lungkot na kanyang nadarama..
Hi ako nga pala si Yuri Veluz sorry kung matamlay ako sa pagpapakilala sa inyo ikaw ba naman kasing iwan, tanong kulang kung sasaya ka ba?? Syempre hindi diba??
Tanging itong bote lang ito ang inspirasyon ko at pag asa na babalik pa sya.. Iniwan nya saakin ito, tuwing nakikita ko ito dito lang ako humuhugot ng pag asa na magkikita pa kaming muli!!
Ang itsura ng boteng ito ay makaluma (antique) pero marami itong palamuti na nakapaligid dito, na sigurado ako na kahit sinong makakita nito ay magagandahan dito, May nakapaloob ditong papel na parang may nakasulat sa loob .. (See the cover of this book)
Teka mabasa nga muna!!
Yuri !! Yuri !! Yuri !!
Tawag ni mama saakin..
"Yuri !! baba ka na dyan at kakain na tayo, diba ngayon ka mag eenrol sa bago mong eskwelahan?? kaya bilisan mo na upang makabalik ka ng maaga.."
Oo nga pala ngayon pala ako mag eenrol.. sa bago kung school na papasukan..
Dali dali ko ng itinabi ang ang bote na ibinigay sakin ni kuya Kayden , Syempre dahil ingat na ingat ako dito, inilagay ko ito kung saan hindi ito mahuhulog at mababasag.. Alam ko na, sa aparador ko nalang ito ilalagay at pumunta na ako sa baba nadatnan ko si mama at papa na handa na sa pagkain..
Pagkatapos pamunuan ni mama ang pagdarasal sabay sabay na kaming kumain..
Pagkatapos kong kumain umakyat na uli ako sa kwarto ko upang linisan ang aking katawan,
Pagkatapos nito nagbihis na ako at muling bumaba ulit pero bago bumaba sinilip ko muna ang bote at hinagkan ko ito para mag mistula ko na rin itong good luck charn para mamaya.
Pagtapos nun bumaba na ako , Nagmano ako kay mama at papa tanda ng pag galang at nagpaalam na ako para umalis, binigyan ako ni mama ng 500 sabi ko sobra na ito sabi nya lang ay kung madaan ako sa mall ay baka may magustuhan daw ako ay sya ng aking bilhin..
"Good luck anak" sabi ni mama, "salamat ma" ani ko.
"Ingat ka anak,bumalik ng maaga! ani naman ni papa ..
"Opo pa"
At lumabas na ako ng Bahay at nag hintay ng taxi,di naman ako natagalang naghintay ng taxi , dali dali na akong sumakay..
Ano kayang itsura ng school na lilipatan ko??
Excited na ako!!!!!!!!
BINABASA MO ANG
Bottle of Promises
Teen FictionBxb po itong story na to so pls support sa may mga mahilig sa ganitong tema ng babasahin....