Nasa hospital na ako. Naabutan ko si Kent na nakaupo sa patient bed at wala siyang kasama.
"Akala ko hindi ka na darating." Sabi niya sa akin. Ibinaba ko ang gamit ko sa sofa at hinila ko ang isang upuan papalapit sa kinaroroonan niya.
"Nag promise ako sa Mama mo, kaya ako pumunta dito. Pasensya na kung natagalan ako. May inasikaso kasi kami ni Jade." Paliwanag ko naman. Tinitigan ko siya at nahuli kong nakatitig din siya sa aki. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa namin ni Jade kanina. He loves me. Sabi ko sa isip ko.
"Hoy! Okay ka lang?" Tinapik niya ang braso ko at bumalik ako sa normal.
"Ah, matapos mo akong sisihin sa nangyari sa'yo kahapo, tinatanung mo ako kung okay lang ako?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya. Alibi ko na lang ito para naman hindi halatang may iniisip akong kakaiba.
"Look, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang sisihin ka." Sabi pa niya. Anong hindi sinasadya? Eh bakit sinabi niya 'yon?
"Excuse me, Mr. Kent sinisi mo ako sa harap ng parents natin tapos sasabihin mong hindi mo sinasadya? Baliw ka ba?" Kahit ba naiinis ako sa kaniya ay pinilit kong ilabas ang mga notes ko para maumpisahan ko ng turuan siya.
"Sorry na." Hindi ko na lang siya pinansin pa.
"Tumingin ka dito, mag focus ka dahil hindi ako magtatagal dito. Gusto ko ng umuwi."
"Hindi ba ako cute para hindi mo tanggapin ang sorry ko?"
"Baliw ka ba? Nasisiraan ka na talaga ng ulo."
"Cute naman ako ah." Sobrang proud sa sarili ng taong 'to.
"Kapag hindi ka pa tumugil sa pagpapa cute mo, uuwi na ako." Pananakot ko sa kaniya. Hindi pa rin naman siya tumigil, basta itinuloy niya ang pagpapacute niya habang nilalaro ang buhok ko.
Hindi ka ba titigil?" Hinila ko ang braso niya at hindi ko sinasadyang ilapit ang mukha ko sa kaniya. Parang nakaramdam ako ng kakaiba, 'yong tipong naramdaman ko para sa crush ko noon.
Gusto ko ba si Kent? Baka tama nga si Jade, the more i hate, the more I love?
"Gusto mo ba ako?" Nagbalik lang ang isip ko sa normal nang bigla niya akong tanungin. Agad ko naman siyang binitawan at inilayo ko ang tingin sa kanya.
"Masyado kang assuming." Sabi ko pa sa kaniya. Oo, totoo naman na assuming siya. Bakit ako magkakagusto sa kaniya?
"Huwag ka ng mahiya, aminin mo na lang na gusto mo ako." Nang-aasar ba siya? Napakayabang talaga.
"Hindi na lang kita tuturuan okay." Niligpit ko na ang gamit ko saka nagmadaling umalis. Tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon pa. Ayaw ko na inaasar niya ako.
Teka lang, bakit ko naman siya iniligtas kung hindi ko siya gusto? Hindi ba pwedeng, I just want to help him? Pero parang iba nga talaga ang naramdaman ko noong niyakap niy ako at nag sacrifice siya for me.
Nagmadali na akong umuwi dahil madilim na. Baka mag-alala na sina Mama sa akin.
------
"Jade, parang totoo nga ang sinabi mo sa akin kanina." Kausap ko si Jade ngayon sa kabilang linya. Nakaupo ako sa kama ko. Katatapos ko lang kumain ng hapunan at dumiretso na ako dito.
"Na gusto ka niya?"
"Hindi, na gusto ko siya." Kahit nasa magkabilang linya kami ni Jade ay parang nakikita ko ang reaksyon niya.
"So, naniniwala ka na ba?"
"Ang alin? Na gusto ko siya?" Tumayo ako at pumunta sa balkonahe ng kwarto ko. Bigla kong naramdaman ang lamig ng simoy ng hangin.
"Ahuh!"
"Yah, dahil feelings ko 'to."
"Anyway, nakita mo na ba 'yong memory card?"
Nasampal ko na lang ang noo ko. Oo nga pala, nakalimutan ko na. Agad naman akong nakaisip ng isasagot kay Jade. Dahil totoo naman na hindi ko pa rin nahahanap ang memory card na 'yon.
Sumang-ayon din naman si Jade sa naging sagot ko. Kaya lang naman kasi namin kailangang mahanap ang memory card na 'yon ay masyadong nag-aalala ang kaibigan ko sa pwedeng laman ng mga files nito. Kinamusta rin niya si Kent kaya medyo napahaba pa ang usapan namin. Balak ko na rin kasing matulog kahit di pa naman ako inaantok.Pero si Jade nagpakwento pa sa ginawa ko sa hospital kasama si Kent. Ano ba naman ang ine-expect niyang ginawa ko sa hospital with Kent?
"Baliw ka ba? Ano namang gagawin ko maliban sa turuan siya sa mga naging lessons natin?" naiilang kong sagot kay Jade.
"Naku ha! So paano kung gusto ka rin ni Kent?" Nang-aasar niyang tanong sa akin. Talagang kahit nasa kabilang linya siya ay ramdam na ramdam ko ang pang-aasar niya. Natahimik din ako sa tanong niya. Naalala ko ulit ang ginawa namin na HE LOVES ME, HE LOVES ME NOT. Hanggang ngayon kasi ay naniniwala pa rin ako na totoong nangyMatagal tagal din bago matapos ang usapan namin ni Jade. Ang dami kasi niyang tanong tungkol sa amin ni Kent, wala naman akong maisagot dahil puro panunudyo na lang ang itinatapon niya sa akin.
Nang matapos ang usapan nami, nagtangka pa rin siyang tumawag ulit pero hindi ko na sinagot iyon. Pinatong ko sa ibabaw ng bedside table ko ang cell phone ko. Ibinagsak ko ang aking katawan sa aking kama. Napatitig ako sa kisame kung saan agaw atensyon ang mga glow in the dark stars na nakadikit dito. Napahugot ako ng isang malalim na hininga, paano nga kung totoo? Paano kung mutual ang feelings namin para sa isa't isa? Napailing na lang ako sa mga iniisip ko. Pinilit kong mawala iyon, halos tinabunan ko pa ng unan ang mukha ko para lang mawala 'yon pero wala ring nangyari.ayari 'yon.
Hindi pa rin naman ako makatulog kaya siguro hindi man lang nawawala ang mga iniisip ko. Nakarinig ako ng ingay sa sala kaya naman agad akong lumabas ng kwarto para makita kung ano 'yon. Nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko si Tita Suzzette kasama si Tito. Ano kayang ginagawa nila dito? Nagmadali akong bumaba nang makita nila ako. Nakaupo sila ngayon sa sofa at kausap ang Mama ko. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng makakain, bigla kasi akong nakaramdam ng gutom. Binuksan ko ang ref at nakakita ako ng refrigerated cake doon. Kaya naman kinuha ko agad ito at kinain nang makaupo ako. Dinig na dinig ko ang usapan nina Mama, kung hindi ba naman napakalakas ng boses nila. Hindi rin naman kalakihan ang bahay namin, sakto lang sa laki, kaya mabilis kaming magkarinigan. Aalis sina Tita Suzette? Paano si Kent? Itinuloy ko lang ang pagkain ko hanggang sa marinig ko na tinawag ni Mama ang pangalan ko kaya naman lumapit ako agad.
"Igayak mo na ang gamit mo at sumama ka sa Tita Suzette mo sa hospital." Seryosong sabi ni Mama. Napakunot naman nag noo ko sa sobrang pagtataka. Bakit ako sasama sa kanila? May mali pa sa findings ng doctor sa akin kahapon?
"Wait, ano pong meron? Bakit ako sasama kay Tita Suzette?" tanong ko naman dahil sobrang naguguluhan pa rin ako. Nagtitigan muna si Mama saka si Tita Suzette bago nila ako sagutin.
Hinawakan ni Mama ang braso ko bago siya magsalita. Lalo akong kinabahan dahil sa mga ikinikilos ni Mama.
"Ahmmmm, babantayan mo muna si Kent, Kaira, hanggang makalabas siya sa hospital." Sabi pa ni Mama, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit, kaya naman ipinagpatuloy niya ang paliwanag niya. "Aalis ang Tita Suzette mo saka ang Tito mo dahil may business matter sila abroad kaya bantayan mo muna si Kent."
"Paano naman ang pag-aaral ko? Ayoko mag absent sa school." Pagmamaktol ko pa.
"Don't worry, nakausapko na si Maxine, 'yong kababata niya..." nagpalipat lipat ang tinigin niTita Suzette sa amin ni Mama habang si Mama naman ay panay lamang ang tango."Siya ang magbabantay kay Kent every morning." Pagtutuloy niya.Bakithindi na lang 'yong Maxine ang magbantay everyday?
BINABASA MO ANG
He Loves Me, He Loves Me Not (COMPLETED)
RandomNoong bata pa ako, parati along namimitas ng mga bulaklak particular na ang Santa Ana. Iniisa isa kong pitasin ang mga petals nito habang binabanggit ko ang mga katagang "He loves me, he loves me not". Noong unang beses kong gawin iyon kasama ang mg...