Kabanata 1

22 0 0
                                    

"Sir!"

Sabay kaming nagtaas ng kamay ni jasper.

Jasper Condrado , pinsan ni sky na kakambal ni jester Condrado.

Una palang naming pagkikita masama na ang kutob ko sa lalaki ito.

"Yes, Mr. Condrado"

"Pero sir! Nauna ako sa kaniya!" Protesta ko.
Kita ko sa gilid ng mata ang nakangising si jasper.

"Sit down Ms. Diaz"
Sinamaan ko siya ng tingin mula sa pagtayo niya hanggang sa pag upo.

I'm gonna bring you down Jasper Condrado.

Mahigpit akong napahawak sa notebook ko dahil sa inis.

--------

Pagkatapos ng klase ay umuwi na ako para hindi na kami magkasalisihan ng jasper na yun.

"Hi, Lia!" Bati sa akin nung pumanhik na ako sa dining area ng bahay nina kath at sky.

Yep! Dito ako nakatira hindi kapatid o taga opa kundi taga baby sit sa anak nina kath at sky na si kassy

Magkakaiba ang schedule ng klase namin. Kaya kapag wala ako rito nandito silang mag asawa tapos kapag wala sila minsan ako, si jasper at ace ang nagbabantay sa anak nila.

Si ace yung bumati sa akin which is yung pinsan rin ni sky sa tito niya na kapatid ng dad niya.

"Hello!" Pasimple akong ngumiti at hindi maitago ang dimple sa mga pisngi.

Tumungo na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

Nang bigla nalang may kumatok ng malakas na halos ikinatalon ko

Hulaan ko.

Ang jasper na naman.

Nag roll eyes ako at namewang.

"Ano na naman? Akala ko ba hindi ka natatakot na isumbong kita kina sky at kath sa pakikipag usap mo diyan sa kakambal mong si jester." Nakangiwi kong panimula.

"Tingin mo ba talaga maniniwala sila sayo?"anito sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

Napailing siya.

"O bakit andito ka na naman sa harap ko! Alam mo ba nabubuwisit ako kapag nakikita kita!"singhal ko.

"Pffft-the feeling is mutual. Samahan mo ako may pupuntahan tayo" anito sabay hatak sa akin palabas ng kwarto.

"Teka!"protesta ko.

Hanggang sa pagbaba ng hagdan ay hatak niya ako.

Napatayo naman si ace at humarang sa amin.

"Ikaw naman, dito ka lang bantayan mo si kassy" walang reaksiyon nitong sabi at nagpatuloy sa paghatak sa akin.

"Bitawan mo ako!" Akala ko naman maliligtas na ako ni ace pero waley!

Tigil na kakahila ang sakit na ng kamay ko.

"Ano ba nasasaktan na ako!" Sigaw ko.
Saka siya tumigil at hinilot ang sentido niya.

"Kapag nalaman nina sky at kath ang pakikipag usap ko kay jasper dahil diyan sa matabil mong bunganga-" nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko kaya halos magsitayuan ang balahibo ko.
"-pagsisihan mong nakilala mo ang mga Condrado at nakialam ka." Banta niya.

Mr. SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon